Rhea's POV
"Salamat sa pagpapahiya saken ha,"
Padabog na sabi ni Matt sakin sabay ihip sa mainit nyang Sopas.
Nakaugalian ko na ang pagpunta kina Matt dahil magkaibigan ang mga magulang namin. At dahil gustong gusto ako ni Tita Wena, (mama ni Matt) lagi nya kong iniimbita sa kanila at ipinagluluto.
"Dapat lang sayo yun. Dahil nilait mo ang buhok ko." ganti kong sabi.
Hindi ba alam ng mga lalake kung gano ka importante saming mga babae ang buhok namin?
"Sinabi ko lang naman yun dahil inasar mo ko ng hindi ako maka shoot. Ikaw ang nagsimula. Bakit kasi kailangan sa publiko pa." Sabi nya na hindi man lang tumitingin sakin at tuloy lang ang kain.
"Oh, eh ano bang dapat kong gawin?" sumimangot ako.
"Naghintay kana lang sana na tayo na lang dalawa. Ipahiya mo na ko hanggat gusto mo. Basta gawin mo lang yun na tayong dalawa lang." Nakatitig nyang sabi.
"Sige, tatandaan ko na yan sa susunod." at tumungo na ko para kumain.
"Hindi mo kasi alam. Nakakahiya saming mga lalaki pag di ka magaling sa Basketball." Sabay ayos ng buhok nya.
"Tss. Sports lang yan." sagot ko
"Lang?! Baliw kaba? Aasarin ka nilang bakla pag hindi ka marunong mag Basketball manlang!" Humihingal sa galit nyang sabi.
Tumingin nalang ako sa bintana at bumuntong hininga.
"You're totally hopeless."
"Hopeless?! Tingnan mo nga kung sinong nagsasalita. Pustahan tayo ginastos mo ang pang isang bwan mong baon para maging kulot, sunog at panget yang buhok mo. Ginugol mo ang kalahati ng buhay mo sa paglagay tanggal ng make up, pagsuot at paghubad ng ibat ibang damit. May nakapagsabi naba sayong damit lang sila?!"
Yumuko lang ako.
"Wala kang naiintindihan, Matt."
"Mali ka. Marami akong naiintindihan. Ang hindi ko lang maintindihan ay IKAW!"
nangangatal na yata sya sa galit.
"At ano ba yung amoy na yun?" Tanong nya.
"Anong amoy?"
"Amoy na naaamoy ko sa tuwing lalapit ka."
"Ayaw mo ba ng amoy?" sabi ko sabay amoy sa parte ng damit ko na nilagyan ko ng pabango kanina.
"Tss. Amoy Baygon."
Nakaporma ng kamao na ang kamay ko. Maluha luha na talaga ko habang tumayo.
"Ikaw na ang pinaka masama, mapanghusga, at pinaka walang kwentang lalakeng nakilala ko. Hindi ako nagkamaling ipahiya ka dahil kahiya hiya ka naman talaga Matt. Hindi ka marunong mang agaw ng bola, hindi ka marunong mag shoot. Mas magaling pa siguro sayo si Dagul!"
Padabog na akong lumabas mula sa kusina nila. Nilaksan ko talaga ang pagsarado ng pinto.
"I hate him ...
-----
Hello there ! ^___^ Nagustuhan nyo po ba? I was just wondering kung pwede makakuha ng 1 vote and comment para ma Encourage naman po ko na ituloy T^T Maaapreciate ko po yun !
Thankyyy :)
Abangan ang pagpapalit anyo...

BINABASA MO ANG
HELP! She's Trapped in His Body
Подростковая литератураBiggest mistake I've ever done ! - Rhea Nymph