Rhea's POV
*Ding - dong*
"Pasok."
Nag uumagahan pa lang si Matt ng cereal at mango juice ng dumating ako.
"Naligo kang mabuti?" tanong ko sabay tingin sa kanya mula ulo hanggang paa.
"Oo."
"Nag shampoo ka?"
"Oo."
"Weh?"
"Oo nga. Naglinis pa nga ako ng kuko oh!" sabay taas ng kamay nya.
"Anong kuko? Sa sobrang pudpod hindi mo na yan kailangan linisin."
"Tss."
"Pati damit, underwear at medyas malinis?"
"Yes Mam."
Tinitigan ko syang mabuti.
"Amuyin mo pa." sabay taas nya ng paa.
"No thanks." sabay atras ko.
"Teka, bat ikaw luma ang sinuot mo?" tanong nya habang nakaturo sa outfit ko.
"Ayoko lang na maglaway ka sa mga bago kong damit." sagot ko.
"Hindi naman ako naglalaway ah!" Sabi nya na mukhang na offend.
"Mangyayari yun pagkatapos mong puntahan si Dr. Paine. Tara na?"
"Teka lang. Nag umagahan kanaba?"
Umiling lang ako.
"Hindi ako kumakain pag pupunta sa dentista." sagot ko
"Baka ikaw hindi, pero ako oo. Ayokong magutom."
"Pag nasa katawan ko na ikaw pwede mong kainin la-.. Teka! Binabawi ko na. Bawal ang chocolate ha? BAWAL!"
"Bakit naman? Dahil baka magaya ka kay Eric? - Monster Pimples!"
"Pwede ba tigilan mo na yan! Hindi naman ganun kasama ang complexion nya!"
"Nagbibiro kaba? Kung lumaki pa ang mga tagyawat nya kakailanganin mo ng apat na gulong na sasakyan para makadaan sa noo nya. Kung flat ang mukha nya pwede na yun gawing pizza. At kung pumutok ang isa sa mga tagyawat nya siguradong matatabunan ang isang syudad."
"Nakakatawa. Ano ready kana?"
"Teka. Mag iiwan lang ako ng note kay Paps na sa school nalang idiretso si Tumi. Sa covered court ang laban." kumuha sya ng coupon bond at nagsulat sandali at idinikit sa may refrigerator.
"Tara na."
Napatawa ko sa naalala ko.
"Oh ano na?" tanong nya.
"Yung bibig mo."
"Anong meron?"
"Na realize ko lang na magiging hininga ko na yung sayo."
"Tss."
"Kailangan mong magtootbrush at mag gargle ng mouthwash."
"Ano?!"
Kinunot ko ang noo ko at umiling iling.
"Edi hindi ako makikipagpalit.Wala nakong pake kung bunutin ni Dr. Paine lahat ng ipin ko."
"Pero hindi naman katawan ko ang pupunta sa dentista kundi yang sayo." sagot nya.
Huminga sya ng malalim na para bang ipinapakitang naaasar na sya. Pagkatapos nun ay umakyat sya sa CR at nag tootbrush at gargle. Bumaba na rin sya pagkatapos.
"Masaya kana?"
Lumapit ako sa kanya.
"Exhale."
"Ano?"
"Sabi ko exhale. Gusto ko lang icheck."
"Malala kana talaga."
Sinunod nya ko. Inamoy ko ang hininga nya.
"Pumasa bako?" tanong nya.
"Sa ngayon." sagot ko.
"Yun naman pala, tara na!" hinila nya ko palabas ng pintuan.
"Bakit kaba nagmamadali?"
"Kelangan nating sunduin si Ken."
Tumigil ako sa paglalakad.
"Bakit?"
"Kailangang may pumindot sa button ng Earlson Intelligence Transfer System."
"Ang alin?"
"Yun ang tawag ni Mr. Earl sa machine nya. EITS for short." paliwanag nya.
"No way. Wag na natin ituloy kung involved ang kaibigan mom Kalimutan mo nalang."
"Anong problema?" tanong ko.
"Seryoso kaba Jake? Ayokong malaman ng iba na nasa katawan mo ako."
"Huli na ang lahat. Tinawagan ko na sya. Wag kang mag alala wala syang pagsasabihan."
"As if naman."
Duh? Walang pagsasabihan? Imposible.
"Tingnan mo ha. May pinagsabihan ba sya na nakipagpalit ng katawan si Billy kay Martin? O nung nakipagpalit ako ng katawan sa Presidente ng Pilipinas."
"Uhm, wala naman ..."
May point sya dun.
"Oh edi wag mo ng problemahin yun. si Ken ang pinaka mapagkakatiwalaang tao na kilala ko. Wala syang pagsasabihan."
Nagpatuloy kami sa paglalakad. Malamig ang simoy ng hangin kahit nakatirik ang araw. Tinahak namin ang daan papunta kina Ken.
"Sigurado kang sya lang ang makakaalam ha?" paninigurado ko.
"Cross my heart and hope to die."
Tss. Mga kabaklaan neto.
BINABASA MO ANG
HELP! She's Trapped in His Body
Novela JuvenilBiggest mistake I've ever done ! - Rhea Nymph