08-Broken into pieces

169 3 5
                                    

Pauline's POV

Alam kong alam ni Bryan na.. He just a rebound. Dahil nung sinagot ko siya. I feel guilt.

Ewan ko.

Naguguilty ako kasi sinagot ko siya. Kahit hindi pako ready na maging kame. Pero ready naman akong mahalin siya. Kaso.. Wrong timing.

Ayoko namang masaktan siya kung sasabihin kong 'NO' todo effort yon.

Napaka walang puso ko naman kung 'NO' ang sagot ko. Magmumukhang kawawa si Bryan sa dami ng tao.



-____- Haaay.

9PM na nang matapos ang celebration.

Gusto akong ihatid ni Bryan dahil gabi na daw. Pero tumanggi ako.

Kaya doon na nahalata ni Bryan na parang sinagot ko siya ng dahil sa awa. Kaya medyo nawala yung tunay na ngiti niya.

"Sa 7/11 mo na lang ako ibaba." Hininto na niya yung car tapos lumabas nako.

"Ingat ka Pauline.. Ah.. Ano.. I love you."

Medyo nailang ako. Hindi ko masagot. Anong sasabihin ko? "Sige. Una na ako."

"Ah sige. Ingat." Pinaandar niya yung kotse after niyang ngumiti.



"I love you too.." Nanghina ang boses ko kaya imposibleng maririnig pa niya. Nakaalis na rin siya.

Bakit ba hindi ko masabi ang 'I love you too' >__< Yan tuloy. Galit na talaga siya. Ewan. Guilty ako.

Nagpababa ako sa 7/11 dahil sinabi kong may bibilin pako at ayokong magpasama. Pero ang totoo nito.. Pupunta ako sa coffee shop para tignan si Stephen if nandon pa siya.

Pero sinabi ko na sa isip ko na baka wala lang akong makitang Stephen don! Biruin mong tatlong oras mag hihintay yun! Eh hate na hate niyang maghintay kaya nun.

Nung kami pa nga nagagalit yun kapag late lang akong ilang segundo. Ayaw niya daw kasing pinaghihintay. Haaay.

Sumakay nalang akong taxi.

"Saan po Ma'am?" Tanong ni Mamang Driver

"Sa Far Far Away University po."

Naguguilty talaga ako. Nakokonsensya ako.

Biglang bumuhos yung ulan. Ang malas naman. Eh wala akong payong!

"Manong. Alam niyo pu ba yung coffee shop sa tapat ng University? Doon na lang po ako."

Tumango lang si Manong.

Parang isa akong masamang babae sa buong mundo.

Maya-maya nakadating na din ako.

Pero hindi muna ako bumaba.

Parang nadurog puso ko sa nakikita ko.

Nagsara na ang coffee shop.

"Stephen.." Napansin kong tumulo na pala ang mga luha ko.

"Ma'am nandito na po ta--"

"Stephen.. *sniff* ba-bakit hinintay moko.. *sniff*"

Tuloy tuloy lang ang pag agos ng luha ko. Nakita ko si Stephen sa labas ng coffee shop. Basang basa. Parang hindi natitinag nang ulan.

Bigla siyang napatingin saken.. At kumaway.. Ngumiti..

Kaya pinunas ko muna ang luha ko bago bumaba.

"Manong. Salamat po." At nagbayad ako sa kanya at tuluyang tumakbo papunta sakanya.

Wala akong payong kaya pati ako nababasa.

"Pauline! Nababasa ka! Bakit ka bumaba!" Tapos nagpalinga linga siya. Nakatitig lang ako sakanya.

"Halika doon tayo sa shed! Mababasa ka!" Hihilain niya sana ako pero hinila ko siya.

"Eh bakit ikaw basang basa kana! Nandito ka pa din! Mahina yung katawan mo sa ulan eh!"

Tumingin lang siya saken. Parang awang awa.

"Baka kasi pag umalis ako dito hindi moko makita. Baka umalis ka."

"Kahit pa!"

"Salamat at dumating ka.."

I was shocked.. He kissed me.

Third Person's POV

Kasalukuyang ngayong nakikita ni Bryan. Si Pauline at Stephen.

Kissing under the rain.

And he felt something broken in his heart into pieces.



A tiny pieces.

Property of Margarita_Gomez

Dear EX, Dear StephenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon