10-Reasons WHY

134 2 0
                                    

Hindi ko alam bakit ako umiiyak.

Siguro dahil nasasaktan ako.

Pero hindi ko ulit alam bakit nasasaktan ako.

Siguro dahil nag break kami ni Bryan?

O, siguro dahil nasasaktan ako kay Stephen?

Pero bakit naman ako nasasaktan kay Stephen?

Nakahiga ako sa kama ko. Hindi ako pumasok. Ayokong makita ang mga taong, sinaktan ko, nasasaktan ko, at sinaktan ako.

Pag ibig nga naman. Minsan ang gulo.

"Hay.." I sigh.

Ano nang gagawin ko?

Na sisiraan na ata ako ng bait.

*tenen!*

Napatingin ako sa screen ng phone ko. Nakita ko ang pangalan ni Franco.

I open it.

From: Franco Bakla

Uy sister! Bakit hindi ka pumasok? May sakit ka ba? :( Dalawin kita later ah? Baka mamatay kana kasi bukas. Mwamwa! :*

Natawa naman ako sa message niya. Pinapatay ba naman ako?

To: Franco Bakla

Sira ulo! Oo bakla may sakit ako. Malala na. Sobrang malala.

(Sent)

Malala na ang sakit ko sa puso.

Stephen's POV

"Hoy singot! Nakita mo ba si Magie?" Tawag ko sa kaibigan kong si Singot. Tawag ko diyan singot. Hindi ko alam ano talaga pangalan neto. Kalimutan ko na. -_- basta singot kasi laging umiiyak. Singot ng singot ng sipon.



"Hanapan ba ako ng nawawalang Marjorie Gomez?" Sarcastic siyang tanong.

Aish! May problema na naman to. Sabagay yung kapatid niyang nasa ospital.



"Baka sakali lang naman nakita mo." Tapos umupo ako sa tabi niya. Nasa school niya ako dahil hinahanap ko ang lokong Magie na pasimuno nitong lahat!

Nasa may school ground kame. Medyo tumahimik siya kaya ako nagsalita.



"Eh anong bang kailangan mo don sa babaeng yon?". Ang sungit talaga! Ano kayang problema?

"May papakiusapan lang ako." Seryoso na ang boses ko. Totoo na 'to.

.

"Eh ano?"

"Basta. Mag iingat ka kay Magie kahit na kaibigan naten ang sira ulong yon."

Tapos tumayo na ako. At nagpamulsa.

"Paki sabi hinahanap ko siya pag nakita mo."

Nasaan na kaya tong si Magie. Ayoko na sa laro niya. Nasasaktan na ako.

Pagkauwi na pagkauwi ko ng bahay bigla akong nagulat ng nasa bahay namin siya.

"Oh Magie. Ikaw pala yan."

Nakaupo siya sa may sofa.

"Hindi naman ako drawing no!" Sabay tawa. Pero seryosong tawa.

"Magie. Ayoko na."

Yung mukha niya na nagtataka.

"Huh? Anong ayaw mo na? Break na tayo?! Ulol! Hindi naman naging tayo!"

Umupo ako sa tabi niya. Tsaka binatukan.

"Aray!"

"Ayoko na sa laro mo. 'Yun yung ibig kong sabihin."

"I'm not playing games."

"ANONG HINDI?!" Tumayo ako bigla na ikinagulat niya.

Kainis! Kabadtrip naman oh!

"Teka Stephen!" Tumayo din siya. "Ikaw naman may gusto neto diba?!"

"Oo ako nga pero!"

"ANO?!"

Sa sobrang inis ko yung cap na nasa ulo ko binagsak ko sa sahig at iniwan si Magie!

"Sht! Kainis! AHHH!!!" Sabay gulo ng buhok ko at lumabas ng bahay sabay sipa ng bato.

Ayoko na kasi ng laro niya! Pagod nako!

Oo alam ko ako yung dahilan kung bakit binreak ko si Pauline!

Dahil..

DAHIL!

Gusto ko siyang subukan! Ang babaw diba?! Sinubukan ko siya kung kaya niya akong hintayin!

Tulad nung sinabi niya noon!

Susubukan ko ba kung kaya ko siyang iwan sa isang malalim na dahilan. Ako naman tong sira ulo! Nagpatulong kay Maggie!

Na marunong palang naglaro ng buhay!

/"Alam mo Stephen. Kahit wala na tayo.. Hihintayin ko pa rin yung pagkakataon na babalikan moko... Kahit imposible na.." And she smile bitterly./

Tsaka yung laro ni Magie na..

/"Subukan nating putulin ang linya niyong dalawa."/

At ayun pumayag naman ako!

Yung tinutukoy ko yung. Pagiging match maker ni Magie.

Meron siyang pink paper na laging dala dala sa bulsa niya at maliit na pencil.

Gagawa siya ng dalawang bilog at isusulat ang pangalan mo at pangalan ng mahal mo. Bibigyan niya ng straight line simula doon sa bilog kung saan ang pangalan mo hanggang sa bilog kung saan ang pangalan ng taong mahal mo.

Ang gulo diba? Makikilala niyo din sino ang match maker na si Magie.

Pumayag ako sa larong yon. Dahil naisipan ko rin yung sinabi ni Pauline saken. Na hihintayin niya ko.

Ako namang itong sira ulo. Pumayag.

"AHHHH!!!!" Ginulo ko ulit yung buhok ko at naupo sa may tapat ng puno.

At bigla nalang akong naiyak.

Ngayon..

Nararamdaman ko kung anong naramdaman ni Pauline. Naramdaman ko paano ko siya iniwan non.

Karma na nga 'to eh. Kulang pa ito.

Bakit ako pumayag sa larong yon?

Baket?

Laro lang ba ang pagmamahal ko kay Pauline?

"Mahal ko siya..." Hindi 'yon laro.

Nababaliw na siguro ako nung pumayag ako.

Sobrang nababaliw.



Ang g*go ng naging RASON ko kung BAKIT ko iniwan si Pauline..

Pero may mas malalim pa talagang dahilan bakit ko ito magagawa.

Para din naman ito sa kanya. At sa akin.


Patuloy pa din yung pag agos ng luha ko.

Property of Margarita_Gomez

Dear EX, Dear StephenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon