12-Please

154 2 11
                                    

Pauline's POV

Pagkatapos ng mala drama naming kwentuhan ni Franco. I mean ako lang pala ang madrama. (_ _) Eto mall muna kame. Sale kase. Dami ngang tao e.

"Sis, oh.." Tapos may tinuro siya. 'Di ko naman kilala sinong tinuturo niya.

"Ha? Saan? Yung babaeng naka blue?"

"Hindi! Ayun oh!" Eh! Nagturo siy ulit.

"Eh sino ba tinuturo mo?"

Ang dami kayang tao. Makaturo akala mo makikita ko nakikita niya.

"Si Bryan!"

"Ha? Saan?"

Ayun linga-linga.

Kaso wala akong makita.

"Eh! Nasaan?"

Tapos nakita ko si Franco na nakatitig saken at mukhang matatawa na.

Sira ulo! Niloloko ako?! >_<

"Oh?! Wala naman e!"

"Ayieeeee."

"Uy!" Paano ba naman sinusundot niya bewang ko.

"Ayieeee hinahanap niyaa." Tukso pa niya!

"Hindi ah!"

Sige Pau deny lang. Pero ang totoo hinahanap mo nga.

"Uyyyyy! Namumula!" Tukso ulit niya tapos sinundot ulit ako tapos pinagpapalo ko lang kamay niya.

Halata nabang tumaas lahat ng dugo ko? -///__///-

"Tama na Franco!" Sundot pa din ng sundot!

Eh kasi naman. Simula nung eksenang 'yon. I mean yung break up. Parang namiss ko siya lalo tapos hindi na din siya nagpaparamdam.

"Sis.." Napatingin ako kay Franco. Halatang gulat.

"Oh?"

"Si Bryan nga."

"Ayoko na. Binibiro mo lang ako. Oo na! Aamin nako. Namimiss ko na nga si Bryan! Masaya kana?! Tumigil kana Franco."

Tapos may na feel ako sa likod ko. At nakaturo lang si Franco sa direksyong saan ko naramdaman.

Pag harap ko.

"Bryan?"

Bryan's POV

Presentable na ba akong tignan?

Polo shirt na black at jeans na gray na tinernohan ng vans shoes?

At may hawak na white rose. At chocolate.

Nasa mall ako. Sabi kasi niya nasa mall daw siya. Hay. Saan kaya siya?

Tapos bigla kong nakita sa Franco at Pauline. Anong ginagawa nila? Kasi parang kinikiliti ni Franco si Pauline tapos si Pauline naman parang naiinis na ewan.

Lalapitan ko sila tapos parang gulat naman si Franco.

"Si Bryan nga." Sabi ni Franco sabay turo saken.

"Ayoko na. Binibiro mo lang ako. Oo na! Aamin nako. Namimiss ko na nga si Bryan! Masaya kana?! Tumigil kana Franco."

O_O Ano raw sabi ni Pauline? Namimiss ako?!

Dear EX, Dear StephenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon