13-Kim

141 1 7
                                    



Franco's POV

Kadiri ka talaga otor! Sabi ko Francy! -3-

Eto nasa Lolli Lolli Cafe kame ni friendship Pauline. At nakahalumbaba ang lola niyo. To think e problema niya yung kanina.

Sino naman kasi yung eklabus na baklang Kim na yon kung makakapit sa biceps ng mahal naming si Bryan e parang asawa na ng bakla! Kastress sa bangs!

Pero parang I know that name 'KIM'

"Franco."

"Isa kapa!" Makatawag kasi ng Franco akala mo ang matchobels ko. Si Mudra kasi ipinangalan pa ang Franco saken to think e babae aketch! Meron nga akong monthly period. -_- Di ba halata? Medyo badtrip ako. HAHA!

"*sigh* Parang narinig ko na kasi yung name na Kim e."

"Yah. Me too." Naghalumbaba na din ako. Kasi di hamak na maganda nga yung Kim na yun kay friendship.

Pero mas maganda naman ang friendship ko kapag ugali na pinag usapan. Pero ako talaga ang pinaka maganda sa mundong earth. Dyosa kaya ako. *O*

"Saan ko nga ba narinig yon?" Bulong niya. Napakalalim ng iniisip niya parang nasa kailaliman ng earth ang hinuhugot niya.

"Ma'am, Sir. This your order. One cafe latte cream frap and one vanilla hazelnut frap." Tapos nilapag ng waitress yung order namin.

"Thanks." Saad lang ni friendship.

"Hey waitress." Aalis na sana siya pero pinigilan ko siya.

"Yes Sir?"

"Don't call me SIR. Starting today. O-K?" Nag mocked pa ko.

Tapos tumango lang siya at tumalikod pero nakita ko siyang nag make face.

"Nakita ko yon!" Pahabol ko. "Aish! Bakit Sir tawag saken?! Kainis!"

"Eh sir ka naman talaga e." Nakahalumbaba pa din siya at zini'zip niya yung frap niya.

"Isa ka pa talaga!" Tapos direderetso kong zinip yung frap ko hanggang makalahati ko.

"Sis. Hindi mo ba talaga naalala yung Kim? Parang nabanggit mo na yun e." Yung boses na malungkot alam niyo yun?

Ang drama ng lola niyo.

Pero teka nga.. Nasabi ko na ba?

Some images flash in my mind.

Flashback..

"Bessy! I saw your Ex with someone!" I run full of force and accelaretion with 9.8m/s squared gravity. HAHA!

"Pakelam ko don!" Nag snob lang ang baklang dyosa niyo sa harapan ko. Aba aba.

"Magkano ba yang ampalaya na nabili mo? At nang makabili din ako ng ganyan kapait na gulay." Sarcastic tone kong tanong.

Ang bitter. HAHA!

"Eh! T_T" humarap siya saken na parang junak na may numero 11 sa ilong. "Saan mo sila nakita?"

"Ayan ka na naman.." I grab my bag at kumuha ng tissue at binigay sa kanya. "I saw them sa may Ice cream parlor. Ganda nga ng girlalung sayote na 'yon. I think her name is Kim." I smile.

Kainggit kasi ang beauty ng babaeng yon.

"Kim? Ano ba yan. *sniff* mukhang lalaki ang pangalan."

-_- Naku.. Yung luha nitong walang pakundangan kung huminto. Abot ako ng abot ng tissue. Wala na atang laman. Buti talaga ang dami kong dala para lang sakanya. -_-

Na stress tuloy bangs ko.

"Pero infairness bakla! Maganda yung pinag palit sayo ni Stephen!"

"MANAHIMIK KANA NGA!!!" T_T

End..

"Baklaaaaa!" Napatayo ako sa naalala ko! Hala kahit ngayon lang nakakita ng artista ang mga tao rito okay lang na pagtinginan ako. (Haha! Kapal)

Itong lola niyo naman nakatulala lang sa gulat.

Pauline's POV

"Baklaaaaa!"

Hala! Nagulat naman ako! Bigla nalang kasing sisigaw at tatayo. Ayan tuloy nag sitinginan ang mga tao sa Cafe.

"Oh? Anong drama na naman yan?" Sarcastic kong tanong.

He rolled his eyes upward.

"I know that Kim." Sabi niya at nag pamewang pa.



Some informationg flash in my head.

*"I saw them sa may Ice cream parlor. Ganda nga ng girlalung sayote na 'yon. I think her name is Kim."*

"ANG EX NI STEPHEN?!" We said in chorus.

At lalong nag sitinginan ang mga tao sa Cafe.

Kaya napaupo si Franco sa hiya. At bumulong.

"Yah."

Ha?! Yung Kim na kasama ni Bryan at Kim na EX ni Stephen?

Eh! Baka ibang Kim naman yon.

Baka magkapangalan lang.

"Baka ibang Kim naman." Sige lang Pauline. Think positive lang.

"No! Naalala ko din yung face na 'yon! Remember nakita ko sila 'non sa ice cream parlor?! Kahit na naka side view yung girl. Magkamukha sila!"

Ayan na naman po yung luha ko.

Pero instead. Yumuko nalang ako at nag zip ng frap ko.

Hindi.. Ano yon? Ex ako ni Stephen na Ex ko din si Bryan? At nililigawan ng Ex kong si Bryan ang Ex ni Stephen?!

Waaaaaa!!!!!! Ang GULO ng BUHAY! Bakit puro EX!!!!!!!!



Property of Margarita_Gomez

Dear EX, Dear StephenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon