CHAPTER 19

10 2 1
                                    

SAGADA part II

Jorika POV

Nagising ako dahil sa pagyugyog sa akin. Kaya naman dinilat ko na ang mata ko pero nagulat ako dahil si Matty pala ang nang gigising sa akin. 

"Sorry kailangan mo na kasing bumaba para mas maka pag pahinga ka ng maayos" sabi niya

"It's ok and thank you for waking me up" sabi ko sa kaniya

Pero bago ako maka labas ay bigla siyang umupo sa tabi ko at sinara ang pintuan ng van.

"Why?" Takhang tanong ko sa kaniya

"You're avoiding me. Didn't you?" Seryoso niyang sabi.

Hindi ko alam kung bakit ako kinabahan bigla.

"No. I'm not" depensa ko

"Really? Bakit feeling ko naiilang ka sa akin? Is this because of the kiss?" Sunod-sunod niyang tanong

"Hmm.. Ok fine. I admit it. Yeah naiilang ako sayo. Dahil hindi ko alam kung bakit mo ko hinalikan" sabi ko sa kaniya pero napansin kong nagliwanag ang expression niya

"Bakit ba ang manhid mo?" Sabi niya

"What do you mean?"takang tanong ko

"I kiss you because I love you" sabi niya at sakto namang bumukas ang pinto ng van

"Let's go Jo aish!  Jaea." Iritang sabi ni Aera

"Sige susunod na ko" sabi ko sa kaniya kaya isinara niya ulit ang pinto

"Ahmm.. Matty ano nga ulit yung sabi mo?" Tanong ko sa kaniya

"Nothing..  Let's go" sabi niya sabay labas ng van.. 

Ang gulo ng lalaking yun aist.  

Pagbaba ko sa van ay nakita ko siyang kasama si Samara.. Ano ba kasing ginagawa ng babaeng yun dito?. 

Nakarating na kami ng Sagada kaya naman nagtanong na kami sa mga tao rito upang malaman kung saan ang tamang daan patungong Mt.  Kiltepan para maka akyat na kami at para na rin maka kita ng magandang lugar para pagpatuyuan ng mga tent hassle kasi pag mamaya pang madaling araw kami aakyat. 

Kaya naman iniwan na lang namin yung sasakyan namin sa isang barangay na malapit sa bundok tsaka kami sinamahan ni mang Kiko paakyat para hindi kami mawala. Habang paakyat hindi ko maiwasang tignan ang likod ni Matty alam kong may hindi ako narinig sa sinabi niya kanina pero naiirita ako dahil parang tuko kung kumapit si Samara sakaniya

"Mata mo" sabi ni Lance na nasa tabi ko

"Naka kabit bakit hihiramin? May mata ka naman diba?" Bara ko sa kaniya

"Alam mo Jorika kung nakakapatay ang tingin? Kriminal kana" sabi niya sa akin

"Pwede ba Lance tigilan mo ko baka itulak kita dyan eh" inis na sabi ko sa kaniya

First Snow (Vocalist)Where stories live. Discover now