5. Ikaw Lang, Sapat Na

320 20 0
                                    

IKAW LANG, SAPAT NA

Masaya ako sa tuwing kasama't kausap kita.
Natutuwa akong makita ang mga ngiting umaabot sa iyong mga mata.
Bawat pagkakataong tayong dalawa ay magkasama,
Walang araw na hindi ako masaya.

Ikaw 'yong taong laging nasa tabi ko,
Pinapatawa at pinapasaya sa tuwing nalulungkot ako.
Ikaw 'yong taong lagi akong pinapangiti,
Upang mga lungkot na nararamdaman ko ay mapawi.

Sabi mo mahal mo ako.
Gagawin mo ang lahat, mapangiti lamang ako.
Sabi mo ako lang ang mamahalin mo,
At gagawin mo ang lahat dahil ayaw mong mawala ako sa piling mo.

Subalit anong nangyari sa ating dalawa?
Pakiramdam ko'y ang layo-layo na natin sa isat-isa.
Masakit na nilalayuan mo ako sa tuwing nakikita kita,
Pero mas masakit ang makitang may kasama kang iba.

Masaya kayong nagkukwentuhan at nagtatawanan,
Habang ako nasa gilid, tinatago ang sakit na nararamdaman.
Sabi mo ako lang ang mamahalin at ang taong gusto mong makasama,
Subalit saan napunta ang lagi mong sinasabing "Ikaw lang, sapat na"?

Unsaid (A Poem Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon