HINAGPIS NG ATING PAG-IBIG
by: Erica Mae B.Sa paglipas ng panahon,
Kasabay ng pag-agos ng tubig, humihinahon.
Mga alaalang itinago na lamang sa kahon,
Pilit inaalala't inaahon.Sa paglipas ng mga araw,
damdamin ay tila umaayaw
Mga dating paru-parong sumasayaw,
nawawala ng pahapyaw.Pagsasamahang aking pilit inaalala,
Sayo pala'y balewala na
Pag-ibig kong inakala,
sa huli rin pala ay mawawala.Pagsasamahan dati ay masaya.
Ngunit ngayon, ikaw na ang nagpasya.
Sa piling niya, ika'y sasaya.
Ito na lamang ay balewala.Batid kong hindi na kita mapipigilan pa,
Kaya kung saan ka masaya, susuportahan na lamang kita.
Na kahit masakit na, hahayaan kita,
Lalo na kung ito'y iyong ikasasaya.***
[Ekaaa, thank you for sharing this piece to me.]
BINABASA MO ANG
Unsaid (A Poem Compilation)
PoetryThere are words better left unsaid. (English and Tagalog poems covering random topics) PS. These are my HS poem collection.