34. Kadiliman

97 9 0
                                    

KADILIMAN

Isang boses ang tumawag sa kanyang pangalan
Nais makipaglaro ng tagu-taguan,
Dahil alam niyang ito ang kanyang kagustuhan
Ito ay kanyang pinagbigyan

Nagsimula na itong humakbang
Palayo sa kanyang kinatatayuan
Nagtago sa kung saan man
Nagsimula na ang paghahanapan

Subalit minuto ang dumaan
Paglipas ng oras ay hindi niya namalayan
Hindi niya alam kung saan ito masisilayan
Presensya niya'y hindi niya na maramdaman

Isang katotohanan ang siyang dahilan
Siya'y hindi na talaga masisilayan
Sapagkat buhay niya'y kanyang winakasan
Bulto niya'y tuluyan ng naglaho sa kadiliman

Hindi ibang tao ang kanyang kalaro,
Kundi ang sarili niyang multo;
Multo na naging simbolo ng kanyang pagsuko,
Sa buhay na mga problema'y punung-puno.

Unsaid (A Poem Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon