TULAY SA TAGUMPAY
Wala sa antas ng pamumuhay ang taong nangangarap,
Kundi sa taong lalong nagpupursigi na magsumikap.
Sapagkat ang pagkamit ng pangarap ay para sa lahat,
Ipinanganak ka man sa mundong ito na mayaman o mahirap.Lumaki at namulat ako sa hirap ng buhay,
Hindi katulad ng mga batang lumaki sa layaw.
Subalit pinuno ako ng pagmamahal at gabay,
Na sa pangarap ko ay nagsisilbi bilang tanglaw.Mga magulang ko na sa araw-araw ay kumakayod,
Upang pangangailangan ng pamilya ay maitaguyod.
Magkandakuba man sila at maligo sa pawis,
Lahat ay kanilang gagawin kahit pa sila'y magtiis.Sa sakripisyong lagi nilang binibigay,
Mas lalo kong pinagbubutihan ang pag-aaral.
Sapagkat ang tunay na tagumpay,
Ay nakakamit sa paraang marangal.Talaga namang mahirap maging mahirap,
Subalit mas mahirap ang taong walang pangarap,
Kaya nararapat lamang na itatak sa isipan,
Na ang pangarap ay nakukuha kung ito ay pinaghihirapan.Hindi kahirapan ang magdidikta sa iyong kinabukasan,
Kundi sa kung paano natin paandarin ang takbo ng buhay.
Gawin nating inspirasyon ang ating mga pinagdaanan,
Upang ating makamit ang tunay na kahulugan ng tagumpay.
BINABASA MO ANG
Unsaid (A Poem Compilation)
PoetryThere are words better left unsaid. (English and Tagalog poems covering random topics) PS. These are my HS poem collection.