Act 1: Introduction

72 2 0
                                    

Troia Lysandra Celestial

It is indeed a dreadful day for me. Ayoko pang umalis ng Negros Occidental, dahil sabik pa ko sa mga pinsan ko at sa mga gala namin pero kailangan dahil umuwi na ang kapatid ko galing Japan kasama ang mga kabanda niya. Our parents aren't home, nasa US sila kasama si Lolo Percy dahil sa business na nililinis at ako lang ang nasa Pilipinas.

"Isang taon din siya dun. Talagang sinikap niyang hanapin ang bokalista na yun ah." sabi ni Gypsy na nakaupo sa passenger's seat, ang asawa naman niya ang driver, habang ako ay nasa likod ng sasakyan kasama si Malacchi at Ezekiel,

"He's desperate. Malaking record label company ang nag-offer sa kanya, kapag hindi siya nakahanap ng kapalit ni Red, he's going to have to wait again for years to get that opportunity. Kaya dapat lang makuha niya yung bokalistang yun, kung sino man yung sinasabi niya na yun."

"I heard from Seve, the guy's pretty much a homeless thug in Japan. But true enough, golden voice daw talaga. Tingin mo naconvince ni Trojan yun?" tanong ni Malacchi,

"I don't know. We don't talk much since he left. Masama parin ang loob ko." I said stubbornly,

It's true. Masama ang loob ko sa kanya. Natawa ang mga pinsan ko pati na ang asawa ni Gypsy.

"You are too clingy Lys. Mas matanda ka kay Trojan pero mas matured talaga siya sayo." pang-aasar ni Ezekiel,

"He knows what he wants for his future and that's a good thing. Hanga nga ako kay Trojan, talagang alam niya ang gusto niya. Dapat suportahan mo na lang siya." nakangiting sabi ni Malacchi,

I want to roll my eyes so bad pero alam kong may punto siya. And come on! I support him. Sino sa tingin nila ang naging replacement bandmate ni Trojan noon nung talaga nagsisimula palang siya? Ako! Ako na sinakripisyo ang malambot na dalari para sa kalyo ng paggigitara! Ako na nag-aral magdrums at piano! Dahil alam kong gusto niya yun at gusto kong suportahan ang kapatid ko.

Pero syempre sa huli. Hindi ako sapat. Soon he found his music, their genre, and so he took his path away from home...away from me.

"Stop frowning Lys. Your brother will be home. You should be happy." akbay sakin ni Malacchi, tumango na lang ako.

It only took an hour and a half to fly back to Manila from Negros Occidental. I miss the sugar cane plantation already. I miss the bonfire. I even miss Malacchi and Gypsy's dreadlocks! Pati na ang ingay ng tattoo machine nila Ezekiel tuwing hapon sa shop ay nakakamiss din. I miss my cousins. Gusto ko ng bumalik ng Negros.

Padabog akong naglakad paalis ng airport hila-hila ang maleta ko. I turned my phone on once I was inside the taxi. Agad na lumabas sa notification ko ang pangalan ni Trojan.

Trojan:

Call me once you landed. Susunduin kita.

Hindi ko alam kung magrereply ako. So, nauna na pala siya sakin? Saka bakit niya pa ko susunduin? Kaya ko ang sarili ko. Nakasurvive ako ng wala siya sa loob ng isang taon. Gaano ba naman ang isang araw ng pagkocommute.

Hindi ako nagmadaling umuwi. Dumaan pa nga ako ng Starbucks para bumili ng green tea latte bago dumiretso sa bahay. Hila-hila ko ang maleta papasok ng gate nang makakita ako ng isang lalaki doon.

Naalarma ako agad dahil hindi ito pamilyar sakin. He's smoking while staring at our 3-storey house, and he looks too suspicious dahil pa sa natatakpan ng hoodie ang ulo nito. I know Thelo and Hendricks eversince dahil kaklase ito ni Trojan nung Highschool, so definitely hindi sila itong nasa labas ng bahay namin alam ko ang body built nila. At kung may bisita naman, may text akong marereceive sa mga kasambahay o di kaya dapat sinabi agad ni Trojan.

Troia the QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon