Act 3: Golden

46 1 0
                                    

Act 3:

Kinarma yata ako.

Alas tres ng madaling araw ay gising pa ko dahil sa pagkahilo at lagnat. Agad akong bumangon para lumipat sa kwarto ni Trojan. Naabutan ko itong gising parin, at naggigitara.

Tumayo siya mula sa kama at nilapat ang palad sa noo ko.

"You have a fever, Lys." aniya,

Tumango lang ako saka humiga sa kama niya. I feel so tired, na parang hindi ko kayang gumalaw pa.

Binalot ako ni Trojan sa kumot at nilagyan ng bimpo sa noo.

Trojan. Well. He was always the mature one like I said, tahimik pero may boses sa paninindigan niya, mapagbigay pero malakas ang leadership skills kahit na minsan ay makikita mong mukha siyang walang kibo at mahiyain. He is a man of few words and at the same time, definitely a man of many skills. One of Celestial traits of course was to be skilled in anything we put our heart into, pero ang pagiging tahimik niya ay nakuha niya sa side ni Mommy.

While I got most of Daddy's traits. I am high spirited like my cousins. I am confident with everything I do, and you can say I'm a little bossy and has a strong personality. Dahil ganun kami sa pamilya namin. We are athletic, raised in a very competitive environment academic and non-academic stuff.

Pinanood ko siyang magsulat. Siguro ay inaayos ang mga kanta nila bago lumipad papuntang America. Sumandal ako sa headboard ng kama at binasa ang mga lyrics.

"Tutugtugin niyo yan? Sa demo?" mahina ang boses ko sa pagtatanong,

"Yes, sinulat namin to ni Rin." proud niya pang sagot,

"Pinakinggan mo na ba yung mga kanta sa iPod ko?" bigla niyang tanong, umiling ako sa kanya.

"You should listen to it. You'll see."

Nagpatuloy siya sa pagsusulat habang ako ay nanunuod lang. Naisipan pa naming umakyat sa rooftop, doon ako nakatulog sa weaved chaise lounge habang balot na balot ng comforter ang huli kong narinig bago tuluyang mahimbing ng tulog ay ang mahina nitong pagkanta kasabay ng pagkalabit sa string ng gitara.

Nagising ako dahil sa pagdating nila Thelo, Hendricks at Rin. Maaga palang ay nakikikain na ang dalawa ng almusal samin habang si Rin ay abala sa pagtawa dahil sa mga kwento nila Thelo. I watched them laugh and noticed that Rin is drinking booze. Ng ganito kaaga?

"Heto ang gamot mo." abot sakin ni Trojan ng isang tableta ng bagong resetang steroids ni Ross.

Walang imik ko iyong ininom. Di makapagsalita sa panlalata at pati narin sa puyat. Agad napansin ni Thelo ang pagiging matamlay ko.

"Bad day, Lys?" tanong nito,

I only smiled at him weakly. Kabisado na nila ko, they've been with Trojan for quite some time so they know this already.

"Thelo, kunin mo nga yung isa pang unan ni Lys sa kwarto." utos pa ni Trojan,

"Wakatta!" he followed Trojan right away, sumunod naman si Hendricks para kumuha pa ng pagkain.

Yumuko sakin si Trojan at saka ako kinarga papunta sa maliit naming cottage, doon nakalatag ang almusal namin pero kahit gaano pa iyon kaaya-aya ay wala parin akong gana sa pagkain. I can already feel the anxiety creeping in. And my joints. Damn! Here goes the pain again.

"Trojan, yung pain reliever ko please." medyo hirap kong sabihin,

Napahinto si Trojan sa ginagawa at agad agad ay umalis para kunin ang inutos ko. Napapikit ako sa sakit. Nagdadasal na sana huminto na ito.

Troia the QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon