22

10 0 0
                                    

P E K L A T A N G  P U S O

  Lumuluha ang aking mga mata, na parang ulap sa labas na ayaw tumigil magbuhos ng ulan. Ang nagniningningan na mga bituin sa kalawakan ay siyang nagtago at napalitan. Itong aking nadarama ay nararapat lamang higpitan, upang hindi nila malaman. Sa likod ng aking mga tawa ay siyang pagsusumamo ko na ikaw ay parating makasama, sa maliit na oras na ibinigay ay ninanais kung itigil ang orasan at ika'y halikan. Maaaring ako ay naglalaro ng mga salita sa aking bibig, na akala mo'y ako ay nakikipag balagtasan, ngunit itong aking sinasambit ay ang mga pagsusumamong nakatago sa puso kong mapaglihim. Maniwala ka man o hindi, ikaw ay aking iniirog, nag-iisa ka lang sa aking puso at wala nang makakahigit pa. Ngunit naglaho ang lahat ng mga pinangarap ko, mga oras at nilalarawan kong magkasama tayo sa panghabangbuhay, nang sa isang iglap nakita kong mas mahal mo pala siya. Dinurog-durog yung puso ko paulit-ulit. Walang hangganang sakit ang naramdaman ng buong sistema ng katawan ko. Nanlamig at nabuhosan ng isang milyong litrong kahihiyan. Pinipilit kong maging pagong, nagtatago sa sariling kwarto, umiiyak mag-isa. Dinaramdam ko bawat patak ng aking luha, binibilang ang oras upang magbakasakali na bumilis ito at mapunta sa oras kung saan nahilom na ang lahat ng sugat. Wala akong magawa kung hindi umupo sa isang upuan na puno ng tunok. Pinapatay ako ng dahan-dahan hanggang sa hindi na kayanin ng aking katawan. Lumipas ang mga araw, nakikita kita, hinahabol mo siya at minsan nagtatawanan pa habang may ningning sa mga mata. Iniwan mo ako, isinantabi mo ako noong nakita mo siya. Hindi ka man lang nagdalawang isip na ang taong nararapat sa iyo ay nasa tabi mo lang ilang taon na nakalipas. Pero nakalimutan ko nga pala, isa lang pala akong kaibigan, mabuting kaibigan na nagmalasakit na ibigan ka ng palihim. Akala ko kasi, sa tatag ng ating pagsasama, pati puso mo nakulayan ko na, ngunit hindi pala. Mamamatay lang ako sa maling akala. Lalayo nalang ako para sa ikakabuti niyo, ngayon palalayain ko na ang puso kong naghirap ng ilang taon. Hindi niya dapat maramdamang makulong at mabaliwala. Palalayain ko na ang pusong sugatan at biguan, bakasakaling dadalhin na ito sa nararapat na taong nagmamay-ari nito.  

"I Just Thought"Where stories live. Discover now