Necklace

318 12 0
                                    

-

 12 years old lang ako nung Una akong napunta sa lugar na iyon.

"Arkhin anak, Kahit isang araw lang." muling saad ni Mama. Pinipilit niya akong sumama sa Bahay Ampunan kung saan siya lumaki. Gusto niya na makilala ko ang mga katulad kong Bata doon at para na din daw makadalaw ako sa huling lamay ng kinilala niyang magulang na si Sister Marie.

 Hindi ko pinansin si Mama, nag patuloy ako sa paglalaro sa Psp ko na regalo ni Lola nung nag Birthday ako.

 Ayoko! Kahit isang araw lang iyon ay ayoko talaga! Pakiramdam ko ay hindi ko makakasundo ang mga Tao dun sa sinasabi ni Mama na Ampunan. Nagulat ako ng biglang may umagaw ng Psp ko.

"Dad!" iritang saad ko ng makita ko si Dad na hawak ang PSP ko, napatayo ako.

"Kanina ka pa kinakausap ng Mama mo, Arkhin!" natahimik ako sa sigaw ni Dad. Minsan lang siya magalit kaya kapag sumigaw na siya,agad na akong tumatahimik. Nilapitan siya ni Mama.

"Hayaan mo na,Brent." aniya kay Dad. Lumapit sa'kin si Mama saka hinaplos ang buhok at pisngi ko

"Kung ayaw mo talaga,Anak. Ayos lang. Hindi na kita pipilitin" nakangiting saad ni Mama, para naman akong na-konsensiya dahil sa sobrang bait ni Mama. Napabuntong hininga ako.

"Arkhin, kahit ngyaon lang. Bilang pag galang na din sa kinilalang Pamilya ng Mama mo" pag kumbinsi ni Daddy sa'kin. Tumango ako

"Mag bibihis lang po ako" sabi ko saka ako umakyat sa kwarto ko para ag bihis.

 Isang araw lang naman daw diba? Wala naman masama, tsaka, bilang pag galang na din sa kinilalang magulang ni Mama. Kaylangan ko din siguro mag pasalamat sa kanila kasi napalaki nila ng Maayos si Mama. Kung wala si Mama, wala din siguro ako.

 Habang nasa kotse, nag lalaro lang ulit ako sa Psp ko habang si Daddy at Mama naman ay tahimik na nag-uusap.

"Lakasan mo loob mo ha?" narinig kong sabi ni Dad kay Mama, buntong hininga lang ni Mama ang narinig ko.

 Medyo malayo ang byahe kaya di ko namalayan na nakatulog na pala ako, nagising ako sa mahinang tapik sa pisngi ko.

"Halika na Anak, nandito na tayo" nakangiting saad ni Mama, umupo ako ng ayos habang kinukusot ko ang mata ko. Inalalayan pa ako ni Mama makababa ng kotse, si Dad naman ay hinihintay kami sa labas ng Kotse.

 Naka pamulsa lang akong nakasunod sa kanila habang nililibot ko ang paningin ko.

 'di ko akalain na Medyo malaki ang Ampunan na ito, dalawa ang Building, napakalinis at napaka hangin dito.

 Nagkalat din ang mga Bata, iba-iba ang edad nila at lahat sila ay napapatingin sa'kin. Hindi naman kasi ako sanay na makihalubilo sa maraming tao.

 Huminto kami sa isang Double Door, binuksan iyon ni Dad para makapasok si Mama, sumunod naman ako. Muli kong nilibot ang paningin ko, isa pala itong Chapel. 

Naglakad kami papunta sa pinaka harap kung saan may mga kasing edad si Mama at Daddy, Marami din ang nandito na mga kasing edad ko, meron ding mga Madre. At lahat sila ay iisa lang ang pinapakitang Emosyon, 'Lungkot'

 Nakatayo lang ako sa Gilid ni Mama, tahimik na uiiyak si Mama habang nakatingin sa Coffin kung saan namamahinga na ng payapa si Sister Marie. Umiwas ako ng tingin dahil ayokong makitang ganyan kahina si Mama, ayoko makita siyang umiiyak kasi nasasaktan ako. Nasa likod niya lang si Daddy habang hinahaplos ang likod ni Mama, Muli akong napa buntong hininga, nahagip ng paningin ko ang isang Babae, siguro ay kaedad ko lang siya, tahimik siyang nakaupo sa gilid habang may luhang dumadaloy sa Pisngi niya mula sa mata niya..

One-Shot Short Stories CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon