-
“Congrat’s! Binata ka na! Haha!” Pang-aasar ng Ka-Barkada kong si Apollo kay Khael, Nandito kami ngayon sa Bahay nila para mag celebrate ‘daw’ ng pagiging Taken niya.
Hindi naman na sumagot si Khael dahil ngingiti-ngiti lang naman siya.
“Heto na ang Beer niyo!” nakangiting saad ni Selene, agad namang tumayo si Apollo para tulungan ang Girlfriend niya.
“Kaylan ba namin mami-meet ‘yang Girlfriend mo Pare?” tanong ni Roy habang nagbubukas ng Beer, kumuha na din ako ng inaabot ni Selene na Beer saka ko binuksan. Tahimik lang akong nakikinig sa kanila.
“Sa Saturday.” Sagot ni Khael. “Birthday ni Selene, inimbitahan ko siya” dugtong niya.
“Excited na akong makilala ang Future sister-in-law ko!” ngiting saad naman ni Selene habang nakayakap kay Apollo.
Nagpatuloy pa kami sa pag ku-kwentuhan, Nakalimutan kong sabihin, Apat kaming magba-Barkada. Si Mikhael,Apollo,Roy at Ako. Matagal na kaming magba-Barkada, since Grade school pa yata. Sa sobrang tagal ay hindi ko na matandaan. Bestfriends na din ang turingan naming Apat. Kapag may Problema ang isa, dadamayan na namin.
Kung mitatanong niyo, Wala pa ako nagiging Girlfriend. Hindi ko alam kung nasa babae ba ang problema o nasa akin. Hindi naman ako Torpe,sadyang hindi ko pa lang talaga mahanap ‘yung babaeng para sa’kin.
“Eh ikaw,Zack? Kaylan ka mag gi-Girlfriend?” ngiting tanong ni Roy. Nasa’kin na ang atensiyon nilang lahat. Muli akong lumagok ng Beer saka ako ngumisi.
“Ikaw? Kaylan ka mag-Gi-Girlfriend?” balik tanong ko, pinagbabato naman nila ako ng Pulutan.
“Wooh! Ikaw ang unang tinanong eh!” tumatawang saad nila. Napailing nalang ako. Hindi ko naman kaylangan sagutin ‘yun dahil unang-una. Hindi ko naman masasabi kung kaylan ba ako magkaka-Girlfriend. Pwedeng Bukas o sa susunod na araw. Diba?
Natapos ang gabing iyon na puro kantiyawan nalang kami. 1am na nang makauwi ako sa Bahay. Tulad ng dati, tahimik pa din sa Bahay. Si Nanay Karing lang ang kasama ko dito na siyang nag palaki sa’kin. Ang mga magulang ko naman ay nasa Ibang bansa at inaasikaso ang kompanya. Hindi naman ako nagagalit kasi naibibigay naman nila ang mga pangangaylangan ko.
Dumeretso ako sa kwarto ko at pasalampak na humiga sa kama ko.
-
“Gising ka na pala” bungad ni Nanay Karing ng makababa ako sa kusina. Saktong hinahanda niya ang almusal ko. Lumapit ako sa kanya saka ko siya hinalikan sa Pisngi.
“Good Morning binibini!” ngiting saad ko, bigla naman niya akong pinalo sa ulo gamit ang Upo na hawak niya
“Ikaw talagang bata ka! Maupo kana diyan at mag-almusal!” aniya. Ngumiti nalang ulit ako bago ako umupo. Si Nanay Karing ay matandang dalaga. Hindi ko alam kung bakit hindi na siya nag-asawa pa. Pero bukod kay Mommy,si Nanay Karing ang isa sa pinaka mahalagang Babae sa buhay ko.
“Tumawag nga pala ni Khael kani-kanina lang” aniya kaya napatingin ako sa kanya. “Kanina ka pa daw niya tinatawagan sa Cellphone mo eh hindi kana man daw sumasagot.” Dugtong niya saka sumulyap sa’kin. “Pinapasabi lang na wag mo daw kalilimutan pumunta bukas” tumango nalang ako. Tahimik na kaming kumain hanggang sa matapos ako.
“Ako na po ang maghuhugas,Nay!” pag prisinta ko saka ko bahagyang inalis si Nanay Karing sa harap ng Sink. “Mag pahinga na po muna ka’yo! Ako na po ang bahala dito” saad ko saka ko siya kinindatan
BINABASA MO ANG
One-Shot Short Stories Compilation
Roman d'amour♥ “Don't cry because it's over, smile because it happened.” ― Dr. Seuss © July 2014