HE loves me-He loves me not?

437 10 0
                                    

--

 Kanina pa ako paikot-ikot dito sa Ampunan. Nasaan ba ang kolokoy na iyon? Ang sabi niya, may titignan lang siya pero hindi na bumalik!!

"Micah! Saan ka pupunta?" tanong ni Ate Anna ng makasalubong ko siya sa Hallway, kasama niya si Kuya Brix. Naaalala ko pa noon, nakita namin kung paano sila magyakapan. Hihi! 7th birthday nun nung Bestfriend kong si Miles at Si kuya Brix ang Clown. Grabe! Bagay sila ni Ate Anna! Ikakasal na nga sila eh! pero palilipasin muna ang isang taon. Kasi kaka-kasal lang ni Kuya Kurt at Ate Kittie.

 Haaaaaaaiiis. Sana makatagpo na din ako ng mga Lalaking tulad ni Kuya Brent,Kuya Kurt at Kuya Brix.

"hinahanap ko po si JM," sagot ko. Ngumiti ako sa kanila saka ako kumaway kay Kuya Brix. "Hello Kuya! Kadarating mo lang?" tanong ko. Ginulo naman ni Kuya Brix ang buhok ko.

"Oo, binisita ko lang sila Sister Marie at Sister Bea" sagot niya. Bigla naman ako nalungkot ng marinig ko ang Pangalan ni Sister Marie at Sister Bea.. Nakakalungkot mang isipin pero, nasa Piling na sila ni GOD ngayon. Malungkot pero kaylangan namin maging masaya kasi alam naman namin na masaya na sila sa Piling ni God. Namatay sila dahil na din siguro sa katandaan, Nauna nga lang si Siter Marie na sinundan ni Sister Bea kasi masyado siya nalungkot sa pagkawala ng Bestfriend niya na si Sister Marie. Bago sila pumanaw, hiniling nila na ipa-Crimate ang katawan nila na tinupad naman ni Ate Yesha at Kuya Brent.

 Mula nung Mamatay si Sister Marie at Sister Bea, si Ate Yesha at Kuya Brent na ang namamahala dito sa Ampunan. Tinutulungan din naman sila ni Ate Kittie,Kya Kurt,Ate Anna at Kuya Brix. Tulong-tulong sila,.

 Biglang tinapik ni Ate Anna yung Balikat ko.

"Bawal malungkot. Baka malungkot din sila Sister" aniya. Tumango ako at Bahagyang ngumiti.

"Sorry Ate,Kuya. Naaalala ko lang ang kabutihan nila Sister." saad ko. Hinaplos naman ni Ate Anna yung Pisngi ko..

"Masaya na sila Sister kaya dapat maging masaya na din tayo, Ok? Smile na.." aniya kaya ngumiti ako.. Haaaaii, Napaka swerte pa din naming mga naiwan dito kasi hindi kami pinapabayaan ng mga Ate at Kuya namin.

 Napatingin ako sa hawak ni Ate Anna

"Gamot po ba ni Miles 'yan?" tanong ko. Tumango naman si Ate

"Oo. Pupuntahan na muna namin siya ha?" sabi niya. Tumango naman ako saka ako nag ba-bye sa kanila.

 Si Miles, may sakit siya sa Puso. Sakit niya na yun mula pag kabata. Malala ang sakit niya kaya mas Priority sila nila Ate at Kuya. Hindi naman kami nakakaramdam ng inggit kasi naiintindihan naman namin ang kalagayan ni Miles.

 Bumuntong hininga ako saka ako nag patuloy sa paghahanap sa isa ko pang Closefriend dito.

 Napunta ako sa likod ampunan at doon ko nakita si JM, nakaupo siya habang may hawak na naman siyang Bulaklak. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya.

"She loves me..She loves me not..she loves me.." napatigil ako ng marinig ko na naman siyang binabanggit ang mga salitang yun habang tinatanggal ang petal ng bulaklak. "she loves me not..she loves me.."

 Napabuntong hininga ako.. Aaminin ko, Matagal na akong inlove kay JM, sa tuwing sinasabi ko na gusto ko siya o Mahal ko siya. Tinatawanan niya lang ako tapos kukurutin ang pisngi ako at sasabihing.. 'Gutom lang 'yan'

 Bakit ba ayaw niya maniwala? Kasi kaibigan lang ang turing niya sa'kin? kasi ayaw niya na masaktan ako? O dahil may iba na siyang nagugustuhan?

 Bahagya pa akong lumapit sa kanya... 

One-Shot Short Stories CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon