-
"Oh my.. Pretty pretty boy I love you.. Like I, never ever loved no one before you.. Pretty pretty boy of mine.. Just tell me you love me too.." Pagsabay ko sa kantang pinaki-kinggan ko.Isa ito sa paborito ko,kasi ang totoo niyan. Kanta ko 'yan para sa lalaking gusto ko.
Hindi naman dahil sa gwapo siya eh, nagustuhan ko na siya. Sa katunayan, pangalawa lang 'yung gwapo sa nagustuhan ko sa kanya kasi number 1 'yung ugali. Pa'nong hindi? Sa halos apat na taon kong pagsunod at pagsubaybay sa kanya eh talagang nakilala ko na siya ng husto.
Una ko siyang nakita nung nag-enroll ako dito sa Academy na pinapasukan ko. Junior high ako nun, fresh na fresh. Tahimik lang akong naglalakad nun nung may makita akong isang lalaki. Ewan ko ba kung ano ang pumasok sa isip ko nun at sinundan ko siya hanggang sa makalabas siya sa Academy.
Para akong anino na nakasunod sa kanya nung bigla akong mapahinto, hindi dahil sa nakita niya ako kundi dahil nakita ko siyang huminto sa paglalakad sa gilid ng kalsada at may kinakausap na matandang babae na may kalong pang baby at may nakahawak na bata sa magkabilang palda.
"Delikado ho dito sa kalsada, baka kung mapano pa kayo." Rinig ko saad niya dun sa matandang babae.
"Naku, Iho, ikaw pala ulit 'yan. Pasensiya na at hindi kasi ako tumitingin sa dinaraanan ko." Hinging paumanhin nung matanda. Nakita ko kung pa'no siya ngumiti sa matanda.
"Naalala niyo pa po pala 'ko." Nakita kong kinuha niya 'yung wallet niya mula sa back pocket ng pants niya. "Eto ho, umuwi na po kayo at bumili ng pagkain. Gagawa ho ako ng paraan para magkaron kayo ng trabaho sa bukid namin. May bahay na din po doon" nagulat ako kasi, 'yung isang tulad niya na mukhang walang pakealam eh matulungin pala.
Simula nun, palagi ko na siyang sinusundan,pinagmamasdan at minsan eh ini-stalk ko na siya sa social media.
Nasubaybayan ko din kung paano siya unti-unting gumawa ng pangalan sa Academy, matalino siya at talaga namang gustong-gusto ng mga teacher. Minsan eh pinanlalaban siya sa quiz-bee at kung ano pa. Nag try-out siya para makasali sa Varsity, na lalong nagpasikat at nagpakilala sa kanya sa buong Academy.
Nawalan na ko ng pag-asa na mapapansin niya 'ko lalo na't marami na ang babaeng umaaligid sa kanya mula nung naging Varsity siya.
Nandiyan si Monica, siya 'yung leader ng cheering squad, matalino,maganda,mabait at talaga namang masasabi kong bagay sila.
Nandiyan din si Yvette, title holder ng Miss Song Academy, sumasali sa iba't-ibang pageant at nag mo-modelling din siya.
At mawawala ba naman si Patricia, Queen B ng Academy, half-korean, half-american. President ng SSC.
Eh ako? Isa lang naman akong Nobody na hinding-hindi niya mapapansin.
"Lalaine!" Napasulyap ako sa babaeng tumawag sa'kin. Isa-isa ko silang tinignan. Mga naka-ngiti sila sa'kin habang naglalakad palapit kung sa'n ako nakaupo.
"Gosh! Nandito ka lang pala."- Yvette
" Bakit di ka sumama sa'min,Girl? Nandun pa naman 'yung crush nating apat. Iiiih~"- Monica
"Nagmumuk-mok ka na naman dito,kasama 'yang mga libro mo."-pairap-irap pa na sabi ni Patricia.
Opo, tama kayo ng iniisip. 'Yung mga babaeng magaganda at popular ay mga kaibigan ko. Ewan ko ba kung san nagsimula ang pagkakaibigan namin tatlo, basta ang naaalala ko lang eh since Grade school, magkakasama na kami.
" Tapos na ba 'yung practice?" Tanong ko sa kanila habang inaayos ko 'yung mga libro ko, tinanggal ko na din 'yung earphone saka ko nilagay sa bag.
BINABASA MO ANG
One-Shot Short Stories Compilation
Romansa♥ “Don't cry because it's over, smile because it happened.” ― Dr. Seuss © July 2014