100 Steps

252 10 0
                                    

--

 Nagising ako ng marinig ko na naman ang napaka lamig at napaka gandang boses ng Super-Duper-Love kong Idol na si Nigel!! Alarm Clock ko ang Boses niya eh. Hihi!

 Naalala ko pa noon, First year high school lang ako nung nanood ako ng Concert niya, Phoenix ang pangalan ng Banda nila at talaga namang sikat na sikat! Mas sikat nga lang ang Mahal na Mahal kong si Nigel! Grabe! Super naiyak ako nun lalo na nung kinanta niya na ang huli niyang kanta sa gabing iyon na dine-dicate niya sa pinaka mamahal niyang babae na si Eirene, Nakakaiyak kasi talagang bumaba pa siya ng stage para kunin ang Picture ni Eirene. Picture nalang kasi sa kasamaang palad ay pumanaw na siya bago pa man maganap ang Concert.

Idol ko din yun si Eirene kasi parehang kinuha ang name namin sa Greek Goddess. Yung kanya ay "EiRENE"  means peace in her native language, expressing her diplomatic nature. Her name also often appears as Irene

At ang name ko naman ay ... "SELENE" A Titan personification of the moon, unsurprising then that MY name means moon in Greek. =)) Oh diba.diba.diba. Pareha kasi kaming Maganda! Hihi!

 Pero yun nga, pumanaw siya sa malubhang sakit ='( Mahal na Mahal pa naman siya ni Nigel.Sinusuportahan ko pa naman ang Loveteam nila na NiRene, Huhu! Nakakaawa talaga si Nigel!

"lalalala~~" nag hu-hum pa ako pababa ng hagdan, naka Pyjamas pa ako. Naabutan kong nag-aalmusal si Mommy at Daddy kasama ang Bakulaw kong kuya.

"Good Morning Mommy! Good Morning Daddy! Good Morning Bakulaw!" masayang bati ko sa kanila saka ako umupo sa tabi ni Kuya. Nakita ko ang ngisi sa kanyang labi, problema nito? inisnaban ko nalang siya saka ako kumuha ng hotdog.

"Wala ka bang pasok, Selene?" tanong ni Dad habang nag babasa ng kung ano sa hawak niyang Diyaryo. Umiling ako saka ako tumingin sa kanya kahit hindi naman siya nakatingin sa'kin

"Bukas pa po ang pasok ko,Dad" sagot ko saka ko ipinag patuloy ang pag kain ko.

 Nang matapos kumain ay dumeretso ako sa living room para manood.. Napangiti ako ng mukha agad ni Nigel ang nakita ko..

 "So..Wala kang lovelife?" tanong ng Host sa kanya, ngumiti si Nigel sa camera.

"Wala po..At wala pong balak" deretsong sagot niya. Muli akong napangiti, grabe! lalo akong humahanga sa kanya! Sobrang Mahal niya talaga si Eirene, talagang hindi na siya pumasok sa buhay pag-ibig ulit mula nung mamatay si Eirene..

"Bakla kasi.." napatingin ako sa gilid ko ng marinig ko ang boses ni Kuya.

"Hoy! Hindi Bakla si Nigel ano! Talagang Mahal niay lang si Eirene kaya ganun!" pag tatanggol ko kay Nigel, Palibhasa kasi ay hindi pa nag kakaroon ng Lovelife ang bakulaw kong kuya! Ngumisi na naman siya

"Bakla nga kasi" aniya. Binato ko siya ng Throw pillow.

"True love ang tawag dun! Tse!" inis na saad ko sa kanya, kainis!

 Nakarinig ako ng ingay kaya napatingin ako sa Front door, nandito na naman pala ang mga kabarkada ng kuya ko! Mga naka Jersey sila, mag ba-basketball na naman! Tumayo na ako saka ako nag lakad patungo sa hagdan. Naabutan ko pang nakatingin sa'kin yung isang kabarkada ni Kuya. Si Apollo. Hindi ko siya Close pero sa tuwing nagtatama ang paningin namin ay bumibilis ang tibok ng puso ko.. Gusto ko nga siya maka close dahil sa name niyang nag mula din sa Greek God name na "APOLLO"  -Son of Zeus. Master musician, archer god, healer, god of light, god of truth, sun god. A busy god who likes the laurel tree, dolphins, and crows.

 Well, marunong naman siya kumanta. Gwapo naman siya, marunong mag gitara. Sa katunayan, Heartthrob 'yan sa University namin..At...Crush ko din siya =)) Pero secret lang yun!

One-Shot Short Stories CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon