Chapter 9

39 8 0
                                    

Hoy! Di mo ba alam na may tao sa harapan mo?! Galit niyang tanong. "Teka kasalanan ko ba kung bakit nasa daan ko siya!" Sigaw ng lalaking barumbado.

"Gago ka pala eh ano bang pangalan mo ha! Sino ka ba!" Galit na sigaw ni Andy mukhang magkakagulo.

"Aba! Sino ka para tanongin ang pangalan ko! Bakit akala mo mayaman ka huh?!" Sabat nang lalaki na siyak mas nagalit at nabwisit pa si Andy.

"Di ko kasi alam kong ano ang pangalan ng susulatan ko ng Death Certificate!" Sigaw niya.

"Tapang mo ah! Sino ka ba! Akala mo kung sino ka! Guys!. Tinawag niya ang kanyang mga kasama mukhang 4 lang naman sila pero kakayanin kaya ni Andy kakayanin niya naman siguro kasi sabi ni Maam Roxanne kaya pa niya ang buong gang.

"Tinawag mo pa ang mga walang kwenta mong mga kasama! Paghindi ka pa nagsorry babaliin ko kamay niyong apat!". Banta ni Andy na mukhang seryuso ang kamao niya ay naka lukot na magsisimula na yata ang away. "Wag kang makielam baka madamay ka pa".  Nakangiti niyang Mahinahon at tahimik niyang sinabi sa akin. "Oo basta mag-ingat ka". Nag-aalala kong sinabi sa kanya napangiti siya sa sinabi ko at sinabat pa ako "dapat sila ang mag-ingat".

Nagsimulang umatake ang apat si Andy lang ang pontirya nila wala ng iba wala sa mukha  ni Andy ang pagkatakot o pangamba. Sumuntok yung isa kaso nailagan ni Andy nagawa niyang dukutin ang kamay ng isa at inihampas sa  sahig ang mukha sinubokang sumipa yung isa kaso masyadong maliksi si Andy kaya nagawa niyang suntukin sa bewang ang sumipa tapos tinuloy niya ang pagbali sa kamy ng lalaking naihampas, tumayo siya at binalikan ang lalaking sumipa malakas niyang tinapakan ang kanang kamay nito kaya napasigaw ang lalaki.

Natakot ako sa mga napapanood ko mas natakot ako sa kanya dahil paano kong magkamali ako sa gagawin ko at magalit siya.

Dalawa na lang ang natira umatake rin ang isa nagsuntukan sila ni Andy mukhang malakas ang kalaban niya kaya hindi agad agad napatumba ni Andy. Nung nakakailang suntok na silang dalawa umatras ang lalaki ng kunti tapos may inilabas na pocket knife ginamit niya itong pang atake kay Andy.

Sinusubokan niyang saksakin si Andy pero di nagtagumpay pabalik-balik ang kutsilyo sa pagsubok na saksakin si Andy di nagtagal ay lumapit na ang lalaking nakabangga ko hinawakan niya si Andy sa magkabilang balikat, hindi na siya makagalaw kaya yun na ang pagkakataon nang naka pocket knife ma saksakin siya.

Mabuti nalang at sa kaliwang bewang lang natamaan si Andy parang galos lang iyon nakahinga ako nang maluwag dahil hindi masyadong malala.ang tama. ang kanyang mukha ay nagpakita ng isang tanda ng sakit pero di nagtagal napalitan nang galit ang mukha niya kaya tinapakan niya ang paa ng lalaking nasa likoran niya kaya nabitawan niya siya at bigla niyang kinuha ang upuan sa labas ng resto at ginamit ito sa pagpalo sa mukha ng lalaki.

Hindi na bumangon ang lalaki, sinamaan niya ng tingin nung lalaking nakabangga ko yung tingin na yon ang mas kinatakotam ko parang sinasabi ng kanyang mata na papatayin kita at yung line na "I'll put you 6 feet under and I'll drag your ass to hell!". Lalapit na sana siya kaso dumating ang mga guard ng mall buti nalang at andito na sila kawawa na sana yung lalaki.

"What's the matter Sir Andy?" Sabi ng isang guard kilala pala nila siya. "Nothing much this asshole bumped into me"
nagsinungaling siya ibang klase ang lalaking ito. "Okay sir we will take care of them, come on boys". Sabat ng parehong guard tuluyan ng kinuha ang mga lalaki at nagtungo sa office.

"Okay ka lang?". Tanong niya sa akin pilit tinatago ang sugat kahit nakita ko naman ang pagkasaksak niya kanina. "Opo". Sagot ko nginitian ko siya at nagtanong ulit. "Bakit ka nagsinungaling? At bakit mo ba ako pinagtanggol?". Bigla siyang natulala at tinitigan niya lang ako hanggang sa nagpakita na naman ang tanda ng sakit sa mukha niya sumasakit na talaga ang sugat niya.

"Trip ko mangsinungaling para sila ang may kasalanan at di sila pwedeng umuwi ng ganon ganon lang. I only saved you because i want my properties to be intact." Sabat niya gulat ako sa sinabi niyang properties ang kapal hindi niya ako pagmamayari! Lumaki ang aking mga mata noong nakita kong ngumiti siya ng subrang laki hindi gaya ng ngiti niyang pangluko lang.

"Let's go home". Iyong lang ang huli kong narinig na sinabi niya bagamat nagtungo na kami sa kutse niya at umuwi na.

Worst Past! Best FutureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon