Nagluluto ako ng ulam namin para mamaya at nagsaing narin ako ng kanin para umabot pa hanggang mamayang hapunan hinihintay ko na lamang na maluto ang mga ito. "Karlee anak gisingin mo na ang ate mo mamaya ha?" Tanong ni nanay Sarah, "Opo nay gigisingin ko mamaya", sagot ko sa kanya.
"Oh sya sige aalis na ako bantayan mo ang bahay ah wag mong pababayaan pati yang sarili mo magingat ka". Tumango na lamang ako. Nagpaalam na si nanay dahil kailangan pa niyang pumunta sa trabaho niya bilang isang cashier sa isang pharmacy.
Karlee!! Sigaw ng aking kaibigan na si Jennifer, naging kaibigan ko siya mula noong inampon ako ni nanay Sarah palagi kasi kaming magkasama noon pati pagnaglalaro. Oh bakit Jen? Tanong ko sa kanya kung bakit ba sigaw ng sigaw napa-
agik-gik na lamang ako."Maglaro tayo!" Utos niya na nakacross ang kanyang mga braso. "Oo na sige na nga kulit mo,anong lalaruin natin?" "Jack stones!". Naglaro kami ng mahigit na isang oras kaya uuwi na si Jen dahil tinatawag na siya sa kanila. "Oh sige bukas ulit hah!" Pahabol niyang sinigaw bagamat siya ay tumatakbo palayo tumango na lamang ako at nagpasyang gisingin si ate Shela.
Ate Shela! Gumising na po kayo ate! Pasigaw kong ginising si Ate kahit sumigaw na nga ako wala parin tulog mantika kaya kiniliti ko ang kanyang paa bigla nalang siyang sumipa muntik na ang mukha ko buti na lang ay nakailag ako kung hindi ako nakakilos malamang may black eye na ako.
"Bakit mo ako ginising?""Ate tanghali na po baka malate ka sa trabaho mo ate". "Ay oo pala salamat at ginising mo kakain na ba tayo?" "Oo kakain na tayo ate nakaluto na ako halika na". Bumaba na kami at pumunta sa hapagkainan, inihanda ko ang mga plato at iba pa diyan na kailangan.
Noong natapos na kaming kumain ay naghugas na si Ate ako naman ang nagligpit sa mga ulam para hindi masira. Pagkatapos naghugas si ate naligo na siya dahil papasok din siya sa kanyang trabaho.
"Oh sige Karlee aalis na ko tawagan mo ako pagmaygulo ha!" Utos ni ate sa akin kaya tumango na lang ako ng oo. Tuloyan narin siyang umalis at naiwan na akong mag-isa kaya natulog na lang ako pampalipas oras.
(Pagkalipas ng ilang oras!)
Nagising ako dahil sa tahol bg aso ng kapitbahay di ko namalayang gabi na pala kaya pinainit ko na ang mga ulam bagamat dadating na sina Nanay at Ate. "Karlee" sigaw ni nanay kaya tumakbo ako palabas para batihin siya sa pagbabalik niya.
"Nay tulungan na kita sa mga buhat mo". Pakiusap ko kay Inay tumango na lang siya at ngumiti kinuha ko na yung iba niyang mga buhat bigla na lamang lumapit ang lalaki na nasa kanto. Yinakap siya ni Inay doon ko nalaman na may namamagitan sa kanilang dalawa.
Umupo na kami sa hapagkainan at nagsimula ng kumain habang kumakain kami ipinaliwanag ni Nanay kong sino ang lalaking kasama niya. "Anak gusto kong makilala mo si Gregor siya ang kasintahan ko at dito na siya matutulog, Gregor eto naman si Karlee bunso ko" hindi ko na pinansin si Mang Gregor kumain na lang ako gutom pa kasi ako.
Pagkatapos ay hinugasan ko na ang aking plato at dumeretso na sa banyo upang maligo at maghanda para sa pagtulog ko.
Natulog na lamang ako ng di ko namamalayan.
BINABASA MO ANG
Worst Past! Best Future
Roman d'amourTungkol ito sa babaeng inampon ng isang mabuting Tao na nagsilbing Nanay niya kasama ang kanyang tinuring na kapatid sina Nanay Sarah at Ate niyang si Shela naging masama ang mga naganap kay Karlee mabait man sa kanya ang pamilya niya kawawa parin s...