Nang nagising na ako sinabi ni ate na pupunta daw siya sa Tarlac matatagalan aiya doon dahil Trainee na siya sa kanyang trabaho.
"Ang galing talaga nang ate ko!" Sigaw ko hanggang narinig ni nanay Sarah ang aking boses. "Syempre naman magaling talaga ate mo dapat tularan mo ako Karlee hahaha" nagtawanan kami hanggang sa tinawag na kami ni nanay para kumain.
Pagkatapos kaming kumain ay naghugas na ako ng plato at mga baso tapos iniligpit ko pa ang ulam namin para hindi masira.
Naligo muna ako tapos nagbihis na ako ng maluwag ang tela para di ako initin. Lumabas si nay upang kunin ang maghahatid kay ate sa Tarlac. Nang umalis si ate naglinis muna ako sa bahay at inayos ang mga ibang gamit, tinawag ako ni nanay na pumunta sa labas.
Sinunod ko ang kanyang utos at lumabas ako naguusap lang pala sila ni Tita Fely tungkol ata sa trabaho ang pinag-uusapan nila. "Anak sabi ni Tita Fely mo meroon daw magandang trabaho sa Maynila Maid daw ang hinahanap gusto mo ba? Mabait din ang mga amo mo doon anak di kanila pababayaan". "Gusto ko po nay!" Di na ako nagdalawang isip na tanggapin yung alok nila. "Sige magimpake kana anak meroon akong biniling mga bagong damit mo at mga gamit doon linagay ko sa kwarto mo".
Sobrang saya ko dahil binilhan nanaman ako ni nanay kaya magtratrabaho ako para matulongan ko siya at si ate.
Tinulongan ako ni nanay na magimpake linagay lahat ni nanay ang kakailangan kong gamit para doon binilhan pa niya ako ng bagong tsinelas.
" Salamat nay!" Yinakap ko siya nang mahigpit at di napigilang maluha dahil sa kabaitang ipinakita niya saakin kahit batang kalye lang ako noon.
"Walang anuman anak! Mahal na mahal ko kayo ng ate mo wag mong kalimutan yon ha gusto kong palagi kayong masaya yun ang nagpaoagaan ng nararamdaman ko mag-ingat ka sa Cavite!" Sabat ni nay tumango ako at pinunasan ko ang aking luha, hinatid ako ni nanay sa bus station.
Nahanap ko na kung saan ako u-upo linagay ko na ang mga dala ko sa bandang itaas ng pwesto ko. Umupo na ako at pinikit ang mga mata ko.....
"Wag po! Pakiusap tama na!" Pasigaw kong sinabi. Hahahah wala ka nang kawala! Natakot ako sa mukha niya, si Gregor!....
Bigla nalang akong nagulat na gumising salamat naman at panaginip lang yun di ko namalayan na nakatulog ako pati ang pagandar ng makina ng bus di ko napansin malapit na malapit na kami sa Cavite sa wakas!
![](https://img.wattpad.com/cover/162420056-288-k779134.jpg)
BINABASA MO ANG
Worst Past! Best Future
RomanceTungkol ito sa babaeng inampon ng isang mabuting Tao na nagsilbing Nanay niya kasama ang kanyang tinuring na kapatid sina Nanay Sarah at Ate niyang si Shela naging masama ang mga naganap kay Karlee mabait man sa kanya ang pamilya niya kawawa parin s...