<Merzanelle's POV>
Hindi ko alam pero nasaktan ako sa sinabi ni Z, hindi ko naman kasalanan na di ko siya mahawakan pero sa tono ng pananalita niya, parang ako yung dahilan na di siya nahahawakan.
Hindi ako naiinis sa kanya, nasaktan lang ako sa inasal niya. How can I be angry to the person whose always taking care of me? Yung kahit ilang beses ko na siyang inawaaway at pinapaalis, babalik parin siya para alagaan ako.
Sa totoo lang ang gaan ng feeling ko sa kanya, nararamdaman ko yung safetiness ko kapag kasama ko siya.
I dont know pero feeling ko matagal ko na siyang kilala.
Pero kahit di ko talaga siya kilalang-kilala, nagugustuhan ko na siya. I think I'm starting to like him, di ko lang pinahahalata o sinasabi kasi di ako sigurado sa nararamdaman ko.
Pagabi na pero wala parin si Z. Nag aalala ako kahit alam kong di naman siya madidisgrasya.
Nagpunta muna ako sa kusina at kumuha ng makakain then bumalik ako sa sala para manood na muna habang inaantay na dumating si Z. Maya't-maya pa'y bumukas ang pintuan at nakita kung sino ito.
"Z! Buti naman at andito ka--------- sino siya?" Napansin ko kasing may iba siyang kasama and to be exact babae pa talaga.
"Ahh si Steph pala, nagkita kasi kami kanina sabi niya kasi gusto niya raw makita kung saan ako kasalukuyang nakatira at makikitulog muna siya. Okay lang naman diba?"
"Oo nama---"
"Mabuti kung ganun, sige dadalhin ko lang siya sa magiging kwarto niya--
tara na Steph!""Oh sure!" masiglang sabi nung Steph kay Z
At nilampasan lang ako ni Z. Masakit . Oo aaminin ko, di ako sanay na ganito siya. He seems so cold.
Bago naman sumunod si Steph kay Z, huminto muna siya sa harap ko
"Oh and by the way. Thank you for letting me stay here for a while Merzanelle ^_^ " sabi ni Steph nung lumingon siya ulit sa akin.
I just gave her a smile.Iniwan nila ako at umakyat sa magiging pansamantalang kwarto ni Steph. At parang di lang alintana ni Z na nag-alala ako sa kanya.
°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
A/N: Sana may nagbabasa parin nitoo. And I would like to see your feedbacks about my stories. <3
Follow me on:
Twt 🐦: @randomly_bunny
Wttpd 📖: @Mitchuchubi
IG 📷: @randomly_bunnyPlease Vote.Comment.Share
YOU ARE READING
Fragments of Memories (in the process of proof-reading)
Fantasia"If youre alive... then..." At iwinasiwas ni Merzanelle ang palad niya sa mukha ni Zach at lumulusot lang ito "Are you joking?!" Merzanelle shouted a little at nanghina ng kaunti at napaluhod nalang "Why?... Why can't I touch you? Why can't I hold y...