A D A N I E L L O S H E R WI N
Malakas kong sinara ang pinto ng kotse ko. Badtrip. Badtrip talaga ang baliw na babaeng yun! Putragis. Bukod sa ginising na nga ako ng pagka-aga aga, nanira pa ng pinto ng apartment ko!
"Dan!" marahas kong binalingan si Saige ng tawagin niya ko.
"Ano?!"
"Ay, ganun? Gigil na gigil?" natatawang komento naman ni Kai kaya sinamaan ko siya ng tingin. Tinalikuran ko na sila at umalis. Ramdam ko na lang na sinabayan nila ako sa paglalakad at nandyan na ang tiling pagsalubong ng mga babae.
"Hindi ba sila napapagod kakatili araw-araw? Masakit kaya sa lalamunan tumili." pagpuna ni Kai sa mga "fans" kuno namin.
"Bakit, natry mo na?" pilosopong sagot ni Saige.
"Oo. Tuwing nakikita ko mukha ko sa salamin. Thinking about it, mapapatili talaga kahit sino mang makakita ng mukha ko."
"Same bro." natatawang nagfist bump ang dalawa kaya napairap ako. Bakit nga ba sila ang kasabay ko? Dapat iba na lang sumundo sakin e.
Nang makarating kami sa classroom ay nadatnan naming nagsisimula ng magdiscuss yung prof. Nasisisihan pa ang dalawa kung bakit kami nalate. Tsk. Parehas lang naman malandi kaya natagalan kami.
"Oh, mga Adan na biyaya sa mga babae, bakit late kayo?" pabirong tanong ng matandang babaeng prof namin sa HRM. Kinikilig na natawa naman ang mga babaeng classmates namin ngayon pero 'di ko na sila pinansin except sa dalawang mokong na nasa likod ko at kumaway pa.
"Sorry." tanging sabi ko at nakangiting tumango naman siya 'saka kami pinapasok at pinagpatuloy ang pagtuturo. Mabuti na lang at mabait ang prof na nadatnan namin. Kung hindi, magpapatawag na naman ng magulang. Putek e. Parang mga highschool.
Nang lunch break na ay sumama ako kay Sean na kapatid ni Saige at barkada ko rin. Mas gusto kong sumasama sa kanya dahil bukod sa pinakamatino siya sa barkada ay tahimik pa siya at halos 'di nagsasalita.
"Saan ka kakain?" tanong ko sa kanya.
"Labas."
"Sama ako."
"Bahala ka."
Pagkarating namin sa parking lot ay may natanaw akong babae na nagsasalamin sa side mirror ng kotse ko habang may nakasandal naman sa sasakyan ni Sean which is katabi lang ng sasakyan ko. Nakita ko namang natigilan si Sean, ganun rin ako. Isang pagkakahawig ng ugali namin ay ayaw naming may dumidikit o nakekealam sa gamit namin.
"Who are you?" mababa at nakakatakot ang tonong ginamit ni Sean ng tanungin niya ang babaeng nakasandal sa kotse niya. Nakalapit na kami sa pwesto nila kaya rinig ang boses niya. Napatingin naman silang paheras sa amin kaya nakita namin ang mga mukha nila. Nanlaki naman ang mga mata ko ng makita ang mukha ng babaeng dahilan kung bakit sobrang badtrip ako kaninang umaga.
"You!" gigil na tukoy ko sa babae kanina. Tinaasan naman niya ako ng kilay sa aroganteng paraan 'saka nagmamaang maangang tinuro ang sarili.
"Me?"
Natiim bagang na lang ako kaya parang biglang nanumbalik ang memorya niya at natandaan niya ko.
"Ah, yes me. Yung nanira sa pinto mo."
"You know them?" tanong ni Sean.
"Oo. Yung nakasandal sa kotse mo, kapitbahay ko sa apartment. Yung isa, alien na napadpad sa squaters' area."
"So taga squater yung kapitbahay mo pala kaya sabik na dumikit sa mamahaling sasakyan." napangisi ako ng tukuyin niya ang babaeng nakasandal sa kotse niya. Kita namang nanggalaiti ang kapitbahay ko at sugurin si Sean.
"Ano?! Ikaw—!"
"Yuko!"
Naramdaman kong bumagsak ang katawan ko sa sementadong daan ng parking lot dahil may dumagan sakin at sunod ko na lang narinig ang pag-alarm ng mga sasakyan. Umingay ang parking lot at nagkakomosyon. Nakita ko ang babaeng nanira ng pinto ko sa ibabaw ko. Siya pala ang dumagan sakin. Narinig kong dumaing sa tabi ko si Sean kaya nakita kong pati siya ay dinaganan niya gamit ang braso. Ewan ko pero nainis ako bigla.
"What the hell?!" inis kong sabi sa kanya kaya napako ang tingin niya sakin, "Anong ginagawa mo?!"
Umalis siya sa ibabaw ko at pinagpag ang damit. Tumingin siya sa mga sasakyan na nag aalarm at tumitig sa kotseng nasa ulunan namin.
"Muntik ka ng mabaril." mahinahon niyang sambit 'saka tumingin samin ni Sean at inalok ang mga kamay niya sa amin. Ngayon ko lang napansin ang mga bodyguards namin ni Sean na lumilibot na at marahil ay hinahanap ang sniper na balak na bumaril samin.
Kinuha ko ang pareho niyang kamay at tumayo. Nanatiling tulala si Sean kaya tinapik ko ang tuhod niya. Tinulungan ko na rin siyang tumayo.
"Thank you." wala sa sariling sambit ni Sean.
"No problem."
"Miss, kailangan mong sumama samin." Singit ng isa kong body guard. Aangal sana ako na hindi naman siya ang may kasalanan nang tumango ang babae at sumama sa kanila.
"Sir, sumama na rin po kayo at pinapatawag po kayo ng inyong ina." sabi naman sakin ng isa ko pang bodyguard.
Ang mga men in black naman ni Sean ay inakay na rin siya at yung babaeng nakasandal sa kotse niya kanina.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsisink in ang nangyari.
Hindi naman kami mayor para barilin ah!

BINABASA MO ANG
The Empress
ActionIzabela is not your ordinary girl not until she was given two years of freedom away from her country, her family's grasps, from the privilege of being an heiress, and being monitored by the 'eyes' of the council. Pumunta siyang Pilipinas para hanapi...