Chapter 1

7 1 0
                                    


I Z A B E L A

Pagkalapag ng eroplanong sinasakyan ko, nanatili akong nakaupo sa upuan ko at hinintay na magsialisan ang mga tao. Ayoko lang makisabay. Bakit ba? Gusto ko 'last but not the least' ako. Special kaya 'yun.

Habang naghihintay, tiningnan ko ang mapang hawak ko. I blink my eyes. Where the hell is "Barangay Marangal" here? Bakit hindi kasi katulad 'to ng google maps na pwedeng i-search lang at lalabas na. Kung bakit naman kasi pati cellphone ko ay bawal dalhin. Bumili na lang daw ako dito sa Pilipinas! Hayst.

Tumayo na ko sa kinauupuan ko ng makitang ako na lang ang pasahero sa loob ng eroplano at lumabas. Sumalubong sa 'kin ang mainit na sinag ng araw.

"Mm. Manila na nga 'to. Amoy polluted na e." Napatingin naman yung stewardess sa gilid ko at sinamaan ako ng tingin. Tinitigan ko siya 'saka ako ngumiti ng sarkastiko, "Natamaan ka?"

Napaamang siya sakin that's why I gave her a smirk bago ko suotin ang shades ko at lagpasan siya. Mukhang tanga lang para sa isang stewardess.

After getting my luggage, I hailed a cab outside the airport. Pagkasakay ko, tinanong ako ng driver kung saan daw ako at sinabi ko naman destination ko. Ang problema ko lang ay ang sumunod niyang tanong, "Saang Barangay Marangal?" parang may dumaang uwak at nanahimik ang loob ng taxi kahit pa may music.

"Marami po bang ganoong pangalan na barangay?"

"Oo naman, ija."

Feeling ko ito na ang pinaka-nakatatangang moment sa buhay ko. Never ko pang naranasan 'to.

Bakit naman kasi hindi ko naitanong kung saang parte ng bermuda triangle 'yun! Lintek naman oh!

In the end, binaba niya ko sa Tondo since naalala kong naikwento niyang malapit lang sila sa prestihiyosong school. Binigyan ko na rin ng malaking tip yung driver dahil feeling ko nabigyan ko siya ng konsumisyon.

Pagkababa ko, hindi pa nag-init paa ko sa pagkakatayo ay biglang may umagaw sa luggage ko. Malaki yun kumpara sa mga totoy na nagnakaw nun pero humanga ako sa kagustuhan nilang manakaw ang mga gamit ko dahil nadala nila 'yun ng ganoon kabilis. I just watched them go and steal my luggage. Rice cooker lang naman laman nun tsaka microwave. I can't live independently without those pero pwede naman akong bumili ng ganun dito. Mas mura pa nga e.

I shrugged. Feeling smug. Nakajacket ako at may zipper pa ang loob nun containing my wallet. Mga tanga. I shook my head as i went to ask around the people there if they knew my nanny. Of course, I don't ask, "do you know where my nanny is?" na parang batang tatanga tanga. Syempre pangalan binabanggit ko.

After an hour, that felt like years dahil sumasakit na mga paa ko kakalakad, ay may nakapagturo sa akin sa isang paupahan kung saan may nakikilala daw silang Cecilia Cruz. May tiwala naman ako sa napagtanungan ko dahil nakikita ko ang recognition sa mga mata niya ng banggitin ko ang pangalan ng dating yaya.

Nang nasa harap na ko ng 2-storey floor na apartment na tinuro sakin ay namewang ako. Masasabi kong ito na ata ang mukhang pinakanormal na 'lugar' sa lugar na 'to. Walang tambay sa harap, walang kalat, at higit pa dun ay may gate at halaman sa mga gilid-gilid. Ang problema ko lang dito ay saan ang room ni yaya Cecil? Kakatukin ko ba lahat?

No. Let's deal with this problem in a matured way.

Huminga akong malalim at matiim na tinitigan ang bawat door. Then I started.

"Eenie, Meeny Miny Moe. Babalik, babalik sa kanya. Kaninong door ang kay yaya Celia? Ito, o ito?" tumigil ang hintuturo ko sa pangalawang door sa first floor kaya pinagdesisyunan ko nang lapitan yun. Tinalon ko naman ang gate nila ng walang hirap. Mababa lang kasi.

Kumatok ako sa pinto pero wala akong narinig na response. Kaya pinagpatuloy ko ang pagkatok habang nagmamasasid sa paligid. I was so engrossed listening to the banter of a two frog-like mistresses next door that's why I didn't noticed that I wasn't knocking on the door anymore.

My knuckles stopped moving when I noticed I'm knocking on a li'l bit softer than the wood door awhile ago. I blinked twice before I looked up just to meet two pairs of cold and menancing dark eyes.

The EmpressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon