Pinalo ko gamit ang baseball bat ang likod ng tuhod ang nagmamagaling na lider ng gangster kuno na nanghahamon sa akin. Akala mo kung sinong siga pero sa laban ay tumba agad at ang bilis magmakaawa. Umupo ako para maging kapantay siya. I tilted my head and smirked just to mock him. Kita naman ang bilis ng pagkainis niya pero dahil takot siyang mamatay ay kinimkim niya lang 'yun.
"Magmakaawa ka pa. Gustong gusto ko marinig. Masarap sa pakiramdam. Dali na." tumungo siya at kita ko kung paano kumuyom ang mga kamao niyang nasa mga hita na niya ngayon.
"Please..." garalgal ang boses niya "patawa-" hinampas ko siya sa ulo kaya naman hindi niya na naituloy ang sinasabi.
"Ang bagal mo magsalita."
Tumayo ako at tiningnan ang paligid. Nagkalat ang nakahalumpasay na mga katawan ng grupo ng mga gangster na nanghamon sa akin. Halos ay sa hula ko, ay patay na at ang iba ay nag-aagaw buhay pa.
Love... Nakikita mo ba kung anong ginawa mo sa akin? Itong ginagawa kong ito? Para 'to sayo. Para manatili ako sa tabi mo. Hindi ba ito ang paraan na sinasabi mo?
"Dan." rinig kong tawag sa akin ng isa kong tapat na kaibigan, "bumalik na siya."
Mabilis akong bumaling sa kaibigan kong walang expression ang mukha. Hula ko ay kita ang excitement sa mga ito kaya naman napangisi siya.
"Puntahan mo na. Nandoon siya sa mansion nila."
Dali-dali akong tumakbo palabas ng bulok na warehouse na iyon at sumakay ng sasakyan ko. Habang nagdadrive ay pinunasan ko ang talsik ng dugo sa mukha at kamay ko. Hinubad ko na rin ang suot na sweater at pinalitan ng malinis na shirt. Paano ko nagawa habang nagmamaneho? Talent.
Mula sa side mirror ko ay nakita ko pa ang anim na sasakyang nakasunod sa akin. Who would have thought na ang anim na dating salungat sa desisyon ko ay sinusundan at binabantayan ako ngayon?
Pagkarating ko ay agad naman akong pinagbuksan ng gate nang mga gwardiya ng aking mahal dahil lagi akong pumupunta dito kahit pa noong mga panahong umalis siya. Pumasok agad ako ng mansion at agad namang nagbigay galang ang mga katulong sa akin. Hindi ko sila pinansin at masaya akong umakyat ng hagdan nila. Sa tapat ng kwarto niya ang mayordoma nila at mukhang naghihintay dahil nahulaan ang pagdating ko.
Nakangiti niya akong pinagbuksan ng pinto at bumungad sa akin ang liwanag na nagmumula sa araw na tumatagos sa bintana ng kwarto. Mas lumiwanag ang paningin ko ng makita ko siyang nakahiga na sa kanyang higaan. Dahan dahan akong lumapit. Nangingilid ang luha ko nang makita ang pagod na pagod niyang mukha pero ang ganda pa rin. I was so mesmerized by her face when she spoke without opening her eyes.
"Anong ginagawa mo dito?" I was freezed on my spot when I heared her cold voice. Her eyes fluttered open at direkta siyang tumitig sa 'kin.
"You're not welcome here anymore. Get out!"
Lumuhod ako, "Love, 'wag ka namang ganyan. Please? Ano bang nagawa ko?"
Bumangon na siya ngayon at galit ang matang tumitig sa akin.
"Do not call me 'love' anymore. Because there's no love between us anymore. Get out!"
"But I still love you. I'm very much inlove with you-"
"Well I'm not!" tumayo siya at tumitig sa akin habang nakaluhod ako, "I don't love you anymore Adaniello Sherwin. You're not welcome in my house. You're not welcome in my life..." tumalikod siya mula sa akin.
"Don't make me repeat anymore. Aren't you my dog? Why weren't you obeying then?"
Dahan dahan akong tumayo. Pakiramdam ko ay ngayon ko lang naramdaman ang lahat ng pagod at sakit na natamo ko nitong nakaraang araw.
"Okay then, Marietheza. But let me clear one thing." I composed myself. Ito ba ang tama na sinasabi mo? Well then...
"I serve no one and I am no pet." ngumisi ako sa kabila ng luhang umaagos sa mga mata ko, "Goodbye."
Tumalikod ako mula sa kanya. Umalis ako ng bahay nila senyales na umalis na rin ako sa buhay niya.
Putangina. Ang hirap magmahal.
-
Oh Sehun as Adaniello Sherwin Lopez
![](https://img.wattpad.com/cover/161902986-288-k82205.jpg)
BINABASA MO ANG
The Empress
ActionIzabela is not your ordinary girl not until she was given two years of freedom away from her country, her family's grasps, from the privilege of being an heiress, and being monitored by the 'eyes' of the council. Pumunta siyang Pilipinas para hanapi...