I Z A B E L A
Inakay ako papasok ng mga men in black sa isang black na van. What's with black at parang paborito nila? Pati shades ay kinareer ng iba. Hindi naman bagay.
Minutes later ay pumasok din si Dan at pinatabi nila sakin. Ngumisi ako sa kanya. Gusto ko lang siyang asarin. Wala ng iba. Nakita ko rin ang pagpula ng pisngi niya ng makita ako na nakadagan sa kanya. Inosente siguro 'to.
"Gustong gusto mo talagang dumidikit sakin no?" Nakita kong pumula ang tenga niya at leeg. Marahas niya akong binalingan at sinamaan ng tingin. Nanatili lang akong nakangiti sa kanya ng nang aasar.
"Tsk." akmang lalabas siya ng van ng hilain ko ang kwelyo ng damit niya.
"Joke lang!" natatawa kong sabi. Imbes na pansinin ako ay tumingin lang siya sa daan.
"I'm Izabela. You can call me Iza or Bell, o kaya Bela."
"I'm not interested." masungit niyang tugon.
"But I'm interested in you!"
Nanahimik sa loob ng van at kita ko ang unti unting pagpula ng mukha, leeg at tenga niya. Since maputi siya ay kitang kita iyon. Kita at rinig ko naman ang pagpipigil ng tawa ng mga men in black sa loob ng van.
Nagpatuloy ang pang-aasar ko sa kanya at maya't maya niyang pilosopong sagot.
I wonder bakit parang bumait ng konti ang lalaking 'to?
Pumasok ang van sa isang magarang gate at itigil sa harap ng isang mansion.
"Nandito na po tayo sa mansyon ng mga Lopez."
Sumipol ako, "Nice house."
Lumabas kami ng van, "Of course." buong pagmamayabang niyang sagot.
"You're a Lopez?"
"Yes." lumalaki ang ulo niyang sagot.
"Kaano ano mo si Jennifer Lopez?"
"Pft." umalpas ang nagpipigil na tawa ng ilang bodyguards na nakarinig.
"The fuck?" 'Di makapaniwalang tanong niya. Nawiwirduhan naman siyang tumingin sa akin 'saka umiling at nauna nang pumasok sa mansyon nila. Sumunod na rin ako at naiwan naman ang mga men in black sa labas.
Nakita ko ang Victorian with a hint of modern style sa interiors nila. Ganda. Parang yung... sa amin lang.
Naging mabagal ang paglakad ko. Bigla ko namang namiss yung bahay namin. Isang araw palang pero...
"Hoy!"
Nagulat ako ng tawagin niya ang pansin ko. Nagkatitigan lang muna kami bago niya ko lapitan at hawakan ang palapulsuhan. Hinatak na niya ko papuntang hagdan.
"Ang bagal bagal mo."
"E bakit nangangaladkad ka?"
"Kasi mabagal ka!"
"You really has the worst temper." bulong ko.
"Narinig ko yun."
"Malamang may tenga ka."
"Tangina. Bakit ba ang pilosopo mo?"
"E bakit ba mura ka ng mura?"
"Ano bang problema sa pagmumura? I can express what I am feeling through it."
"You can offend someone by cussing, you know?"
Tumigil siya sa pagkaladkad at humarap sakin, "Are you offended by my cussing then?" seryoso niyang tanong.
"No."
"Good. I don't have to change it then."
Napatanga na lang akong nakatitig sa kanya. Hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin dun. Nakatitig lang kami sa isa't isa ng biglang bumukas ang pinto na sa gilid namin kung saan kami tumigil kaya napabaling kami dun.
"Oh, what a lovely scene!" bulalas ng babaeng tingin ko ay nasa late 30's na nagbukas ng pinto, "Hala! Sige! Pasok kayo!"
Inaya niya kami pero hinila pa rin papasok at paupo sa sofa na naroroon sa kwartong iyon. Inilibot ko ang paningin at nahulaang isang opisina 'to o kaya isang study room.
"Anong gusto niyo? Coffee, water, juice, tea, or me?"
"Ma naman!" pagrereklamo ni Dan kaya natawa ako. So mama niya pala 'to. Inirapan niya lang ako.
"Bakit pinatawag mo kami dito? Bakit pati siya?"
Sumeryoso ang mukha ng mama niya. Napairap naman ako. Common sense na lang kung bakit. Tungkol yun sa nangyari kanina pero tanga lang ang kasama ko at 'di pa mahulaan yun.
"Narinig ko ang nangyari sa school mo ngayon at nalamang ikaw ang target ng sniper na gusto kang patayin."
"So bakit pati siya ay kasama?" tukoy ni Dan sa akin. Ni hindi man lang tinanong bakit siya pinapapatay e. Napairap ako at tumingin sa mama niya at nakitang nakatitig ito sa akin. Pamilyar ang mukha niya. Parang nakita ko na kung saan.
Ah...
Secretly, my toes curled. Alam ko na ang mukhang 'yan. Iyan ang isa sa mga mukhang nakatingin sa akin ng puno ng awa noon. Mukhang alam ko na kung bakit.
"Nalaman kong niligtas ka niya anak."
"E ngayon?"
"Aalukin ko lang naman siya maging bodyguard mo."
"Yun lang pala e."
Tumingin lang kami sa kanya nang ilang segundo ay nagsink in sa kanya ang nalaman sa ina.
"What?!"
"Ano, ija. Tatanggapin mo ba?" nakatingin siya sa akin na para bang hinihintay ang response ko. Maraming benepisyo kung tatanggapin ko ang trabaho na 'to. Bukod sa magkakapera ako ay makakapagtago pa ako sa lahat. I could prolong my vacation if I want to.
"Magkano sa isang buwan?"
"50."
"500."
"Anak ng! Ano ka, high end?!" side comment ni Dan na hindi namin pinansin.
"100."
"450."
"150."
"400."
"200."
"350."
"250."
Nai-stress na nakatingin sa akin si Mrs. Lopez habang ang anak niya ay hindi mawari ang expression sa muk
We stood up and shook our hands. Hindi pa namin binitiwan ang kamay ng isa't isa and using our eyes, we had a silent agreement.
"Mag-aaral ka ba sa school ng anak ko?"
"No."
"Should I transfer him to public then?"
"What?!"
"Kung saan po kami magiging tago sa mga mata ng panganib."
"Wait. I should have a say here." pigil sa amin ni Dan pero tumango na kami sa isa't isa ng mama niya.
"Okay. I'll tell the other parents. Kami na ang bahala sa lahat para na rin sa ikabubuti ng ibang bata." tumango lang ako sa kanya.
"Wait—"
"I have to go, Mrs. Lopez."
"Yes. Take care. The bodyguards will escort you to your current house."
"Thank you."
Tumalikod na ko mula sa kanila at lumabas ng kwartong yun.
"Ma! What was that?!" rinig ko pang reklamo ni Dan bago sumara ang mga pinto ng study room.
Mrs. Lopez... You should know, by now, the danger of taking me in, right? I wouldn't held the responsibility when the time comes.
![](https://img.wattpad.com/cover/161902986-288-k82205.jpg)
BINABASA MO ANG
The Empress
ActionIzabela is not your ordinary girl not until she was given two years of freedom away from her country, her family's grasps, from the privilege of being an heiress, and being monitored by the 'eyes' of the council. Pumunta siyang Pilipinas para hanapi...