Chapter 6

7 1 0
                                    

A D A N I E L L O S H E R W I N

Pagkatapos maligo at magbihis ay lumabas na ko ng apartment. Di ko na nilock ang pinto dahil butas pa rin ang pinto. Isa pa, walang magtatangka pagnakawan ang isang... Tulad ko. It'll be a suicide for them to do so. Alam 'yan ng lahat ng mga tao sa lugar na 'to.

Tumingin ako sa baba at nakita ko ang dalawa na nakasandal sa van namin na nakapark sa labas ng gate ng apartment. But where is that woman?

Pumunta ako sa tapat ng apartment nila at kumatok. Pinagbuksan naman ako ng kapitbahay naming matandang babae. Sinalubong niya ko ng maamong ngiti.

"Ano maitutulong ko sayo, hijo?"

"Si Izabela?"

"Nauna na!" biglang singit naman ng madaldal nitong anak sa likod ng matanda na prenteng nakaupo sa sala habang nanunuod ng T.V. Nangunot ang noo ko.

"Pero bakit?"

"Mabagal ka pa daw kasi sa babae kung kumilos kaya nauna na. Dumiretso ka daw sa conference room pagkarating mo sa bago niyong school."

Napabuntong hininga ako bago ko tanguan ang matanda na nginitian ako bilang balik. Tumalikod na ko at bumaba. Nang makita ako ng dalawa ay wala silang salita na sumakay sa van.

"Where is Sean?" nagtataka kong tanong.

"Sumabay kay Bela. Nakamotor din kasi ang mokong kaya nakisabay. Type siguro nun yun. Kanina ko pa nahahalata e." walang tinging sagot ni Kai. May katext at malamang ay may bagong kalandian na naman. Ganun din si Saige.

Kunot noo akong umayos ng upo. Bigla akong nabadtrip.

Type pala, huh?

Nang bumagal ang van ng makarating sa gate ng bagong school ay 'di kami magkanda-ugagang tumingin dito.

"Holy shiiii—" tinampal ni Saige ang bibig ni Kai at nagmamadaling bubuksan na sana ang pinto ng van ng pigilan siya ng driver.

"Sir, papasok po tayo sa school. Ihahatid ko lang po kayo hanggang main building." nakuha naman yun ni Saige at muling bumalik sa pagkakaupo pero hindi mapakali ang mga binti niya.

"Bilisan mo na manong!" natawa ang driver samantalang nailing ako. Kung makaasta akala mo 'di anak ng Presidente e.

Nang huminto ang van sa tapat ng main building ay dali-dali kaming lumabas ng kotse.

"Damn. This is real. Tangina pre. Pinagbigyan na tayo ng parents natin!" Excited na sabi ni Kai.

"Tara! Hanapin na natin yung conference room!"

Sa sobrang excited nila ay tinanong nila agad ang guard na nasa tabi ng entrance ng building. Sinabi nito ang mga direksyon pero nagkamot ng panot na ulo ng mapansing hindi namin naitindihan ang sinasabi niya. Hindi daw siya maaring umalis sa post niya para samahan kami.

Swerte namin at tinawag nito ang isa sa mga babaeng estudyanteng nakatambay sa upuan malapit sa entrance. Willing naman tulungan kami, kaso para itong sasabog sa sobrang pula ng mukha niya habang sinasamahan kami. Kasunod naman namin ang mga barkada niya na parang kiti-kiting nagbubulungan at dumagdag iyon ng dumagdag kapag may nadadaanang mga babae. Is this what you call charisma?

"Dito na po tayo." magalang at nakatungo niyang sabi ng tumigil kami sa malaking double doors at may nakalagay na sign na 'Conference Room' in italized form.

"Thanks." maikli kong sabi bago binuksan na ang mga pinto at tuluyan ng pumasok. Grand entrance.

Napatingin sa amin ang lahat ng mga taong nandoon. Nasa kabilang dulong gitna nakaupo ang presidente ng bansa. Sa kanan niya nakaupo ang president ng school at kaliwa naman ang ina ko. Ang iba namang mga magulang ay inoccupy ang mga upuan sa paligid ng table na iyon. Ang ipinagtataka ko lang ay bakit sa kabilang dulo ay nakaupo naman si Izabela at nakatayo sa gilid niya si Sean na parang kanang kamay niya ito.

The EmpressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon