Chapter 2: Inlove?

248K 2.6K 89
                                    

“IKAW???”

Halos marinig na ng buong tao sa mall ang tinig ko dahil sa sobrang lakas ng pagsigaw ko. Nabitawan niya tuloy ang kamay ko at tinakpan ang tenga niya.

“Pwede ba huwag kang sumigaw? Dahil hindi ako bingi.” Sabi nong lalaking humila sa’kin.

“Paano akong hindi sisigaw eh kinikidnap mo ako.” Sambit ko naman sa kanya habang tiniklop ko iyong mga braso ko malapit sa dibdib ko.

“haha. Kinikidnap? Ikaw?” Tinuro pa talaga niya ako kaya naman tumango ako.

“hahaha.”

Pero para lang siyang baliw na tumatawa. Pinagtatawanan niya ako.

“Oy Miss dahan dahan ka sa pananalita mo ha. Wala akong balak na kidnapin ka. Sa itsura mong iyan iniisip mo pa na may kikidnap sa’yo?”

Tinitigan niya ulit ako mula ulo hanggang paa gaya ng ginawa niya sa’kin kanina.

“hahaha. Nakakatawa ka talaga.”

Nakakainis ang lalaking ‘to. Konting konti nalang talaga at mapipikon na ako sa kanya. Baka masuntok ko pa ito ng wala sa oras.

“Kung talagang wala kang binabalak na masama sa’kin bakit bigla mo nalang akong hinila paglabas namin sa Greenwich?”

“Baka nakalimutan mong hindi pa ako kumakain dahil sa ginawa mo kanina.”

“Aba! Tignan mo nga ‘tong lalaking ‘to. Kung makapagsalita ka akala mo kasalanan ko?”

Tumango lang siya.

Teka, kasalanan ko ba talaga?

Inisip ko ulit iyong nangyari kanina.

Bakit nga ba ako nabangga?

Papunta akong comfort room non pero dahil iniisip ko nong panahon na iyon iyong ex kong walang kwenta, hindi ko namalayan na may tao pala sa harap ko.

May kasalanan ka nga ako dahil hindi ko tinitignan iyong dinadaanan ko.

Pero kung matino siya, syempre hindi niya hahayaang babangga ako sa kanya at iiwas siya.

Tama, kasalanan ng lalaking to.

“Hoy excuse me mister ha. Hindi ko kasalanan kung natapon man iyong pagkain mo. Kaya kung ako sa’yo lubayan mo na ako. Babossh!!”

Itinaas ko pa iyong kamay ko para magbye sa kanya saka ako tumalikod at humakbang papalayo sa kanya.

Kailangan kong makaalis kaagad. Kailangan kong mahanap ang two girls.

“Oyy Miss, may suka sa sahig oh baka matapakan mo.”

Tinignan ko iyong sahig ng mall.

Ewww!

Nakakadiri may suka talaga. Sino naman ang walang hiyang sumuka dito? Lakas ng loob niya, sa mall pa talaga nagsuka.

“Thank you ha, kung hindi dahil sa’yo baka natapakan ko na talaga iyong suka. Eww! Kadiri. Nakatsinelas pa naman ako. Kung natapakan ko iyon sigurado akong may didikit sa mga paa ko. Eww!”

“Oh kita mo na! Kasalanan mo talaga kanina kaya mo ako nabangga. Kaya tuloy nagugutom ako ngayon.”

Tinignan ko iyong mukha ng nagsalita. Si Lasagna Boy. Akala ko..Akala ko wala na siya.

“Ganyan ka ba talaga ka tanga? Hindi ka ba marunong tumingin sa dinadaanan mo?”

Paulit ulit nalang siya. Naiinis na ako. Alam ko na tanga ako, alam ko na hindi talaga ako nilulubayan ng malas pero hindi niya kailangang ulit ulitin iyon sa harap ko mismo.

Marrying the Casanova (Published under VIVA-Psicom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon