Chapter 3: Found him!

224K 2.3K 142
                                    

“Mia ano bang ginagawa natin dito?” Tanong ni Aya sa’kin.

“May hinahanap ako.”

“Sino?” Tanong naman ni May.

“Si Lasagna Boy.” Sagot ko kay May habang busy parin ang mga mata ko sa pagchechek sa paligid sakaling makita ko siya.

“Iyong nakabangga mo kahapon?”  Tanong ulit ni May kaya tumango naman ako

“My God Maybelline!! Akala ko naman kung anong ginagawa natin dito.”

Alam kong malapit ng sumabog si Aya sa galit dahil sa tuwing tinatawag niya akong Maybelline, ibig sabihin non nauubusan na siya ng pasensya sa’kin.

Tumayo na si Aya at tinanggal ang black shades na suot niya.

“Huwag mong tanggaling iyan Aya, baka may makakilala sa’tin dito.”

Saway ko sa kanya habang hinila ko siya pabalik sa upuan niya.

“Hinahanap lang natin si Lasagna Boy bakit pa kailangang magdisguise? Para tayong old detective nito.

“Huwag ka nalang makulit diyan at isa pa huwag kang mag-alala Aya ililibre ko naman kayo ni May ng lunch mamaya. Kahit gano kadami pa ang kainin niyo okay lang.”

Saka lang siya bumalik sa upuan niya at kumalma. Alam ko naman kasi ang kahinaan ni Aya kaya hindi ako nag-aalala sa tuwing inaatake siya.

“Fine.. Kung hindi lang talaga kita mahal Maybelline.”

Isang oras pa ang lumipas at hindi parin namin nakikita si Lasagna Boy. Tinignan ko ang wrist watch ko, 11:45 am na.

“Mia, kumukulo na talaga ang tiyan ko.”

Pagrereklamo ni Aya habang nakahawak siya sa tiyan niya.

“Sandali nalang talaga. Baka kasi dadaan na siya eh. Konti nalang.”

Sayang naman kasi dahil baka dadaan dito si Lasagna boy tapos aalis kami. Eh pano ko siya makikita kung kakain na kami diba?

“Mia, mamaya na iyan. Gusto ko din namang makita mo iyong crush mo kaso lang nagugutom na talaga kami.”

Napabuntong hininga nalang ako. Napakasama ko naman kung hindi ko pakakainin sa tamang oras ang mga kaibigan ko. Ako pa naman ang nagdala sa kanila dito.

Kahit ako ramdam ko nadin ang gutom ngayon. Hindi kasi ako nakapag breakfast ng maayos dahil sa sobrang pagmamadali ko kaninang umaga.

“Cge, tayo na. Kain na tayo.”

Tumayo na kami at naghanap ng pwede naming makainan. Dahil Saturday ngayon at lunchtime pa, andaming tao sa mga restaurants. Halos nagsisiksinan na iyong mga tao sa loob ng mga kainan.

“San tayo?” Tanong ko kay Aya.

“Kahit san tayo pumunta wala nang bakanteng table. Kakahiya naman kung makikishare tayo sa iba diba?”

“Nakakahiya nga, sa Jollibee nalang tayo. May bakanteng table pa don oh.”

Turo ni May sa pamilyang kakatayo lang. Katatapos lang nilang kumain. Nagtakbuhan naman kaming tatlo palapit sa table na iyon. Kahit hindi pa nalilinis eh inupuan na talaga namin. May apat na upuan sa table kaya may bakanteng pang isa dahil tatlo lang kami.

“Ako na mag-oorder ano gusto niyo?” Tanong ko sa kanilang dalawa.

“Kahi ano nalang Mia.” Sabi ni May.

“Ikaw Aya?”

“Sama ako sa’yo para makapili ako ng maayos.”

Tumayo na kami ni Aya at pumila na. Sobrang haba ng pila. Ito talaga iyong kinakainisan ko sa isang fast food chain. Ang pagpipila.

Marrying the Casanova (Published under VIVA-Psicom)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon