Sa lahat ba naman ng oras na pwede akong mahulog sa canal bakit ngayon pa?
Sa lahat ba naman ng canal na pwede akong mahulog bakit dito pa?
Tanggap ko naman na mapapahiya ako. Wala akong reklamo wala akong problema don pero..
Baki dito pa mismo sa harap ni Lasagna Boy?
Hanggang bewang ko iyong tubig ng canal at ang masaklap pa, hanggang tuhod ata iyong putik.
Nakakainis!!
Nakakhiya!!
Bakit?
Bakit?
“Mia are you okay?”
Tanong ng dalawang girls habang nilapitan nila ako. Parang gusto kong mainsulo sa tanong nila, bakit kailangan pa nila akong tanungin kung okay lang ako eh halata namang hindi diba? Eh sila kaya mahulog sa canal tapos tatanungin ko sila kung okay lang sila?
Hindi ko nalang sila sinagot dahil hindi ko talaga nagustuhan ang tanong nila.
“Tulungan ka na namin.”
Inabot nila iyong kamay nila sa’kin. Hahawakan ko na sana ang kamay nila kaso lang..
**BOGSHH**
Hindi ko talaga alam kung kailan ako lulubayan ng malas. Hindi pa nga ako nakaka-ahon sa pagkahulog ko sa canal tapos tinamaan na naman ako ng bola ng basketball sa ulo. Hindi lang masakit, sobrang sakit talaga ng ulo ko.
“MIA!!!”
As usual wala na namang ibang nagawa ang dalawa kong kaibigan kundi ang tawagin ang pangalan ko.
Napahawak lang ako sa ulo ko kung saan tumama iyong bola. Napakamalas ko talaga.
“Thank you Miss!”
Nagulat nalang ako sa sinabi nong lalaki sa’kin. Hindi ko pa nakikia iyong mukha niya dahil nahihiya akong tingnan siya.
Thank you iyong sinabi niya. Hindi ako maaaring magkamali sa narinig ko. Thank you daw. Thank you daw. Para saan ang thank you niya?
“Thank you?”
Mahinang tanong ko sa kanya habang nakayuko parin iyong ulo ko.
“You heard it right.” Sagot nong lalaki.
Parang gusto ko siyang sipain para naman matauhan siya kung anong ibig sabihin ng sinabi niya sa’kin.
“Thank you para saan?”
Pinilit kong kumalma kahit gustong gusto ko ng sumabog.
“Thank you dahil nahulog ka sa canal. Kung hindi ka kasi nahulog diyan eh malamang iyong bola na iyong nagswimming sa diyan. Mabuti nalang talaga at nandiyan ka para saluhin iyong bola.’
Parang gusto kong pumatay ng tao ngayon. Nahulog na nga ako sa canal tapos iyong pa ang sasabihin niya?
“Mia...si..”
Hindi ko na pinatapos si Aya sa sasabihin niya dahil sobrang uminit iyong ulo ko sa thank you ng lalaking iyon.
“Alam mo? Kung magpapasalamat ka pwede tulungan mo muna ako? Nakita mo naman siguro na hindi pa ako nakaka-ahon dito sa putikan na’to.”
Pero nagulat nalang ako ng tiningnan ko siya sa mukha. Si..
“Lasagna Boy?”
Literal na lumaki iyong mata niya pagkatapos ko siyang tawaging Lasagna Boy.
“Lasagna Boy? Ako?”
Tinuro niya iyong sarili niya.
“Oo..Ikaw. Naaalala mo ba ako?”
BINABASA MO ANG
Marrying the Casanova (Published under VIVA-Psicom)
RomanceMia did everything para lang mapansin siya ng unreachable Casanova of Livingstone University. Then she found out na naka arrange na pala ang marriage niya with him. With just a blink of an eye, she's marrying the Casanova. Arrange marriage ba ang sa...