“Maybelline, ilang weeks nalang mag mimidterm na tapos magtatransfer ka pa?”
“I know Mom pero kailangan ko talagang magtransfer sa Livingstone University. Pretty please?”
Ginawa ko na lahat para lang payagan ako ni Mommy. Nagpacute na ako, hinalikan ko na iyong pisngi niya, niyakap ko na siya, nilambing ko na siya pero hindi parin siya bumibigay.
“Ano ba talaga ang reason mo bakit mo gustong magtransfer sa ibang school? May nakaaway ka ba sa current school mo?”
Tanong ni Mommy sa’kin.
“Wala Ma. Ang babait nga nila sa’kin kaso lang talaga gusto kong pumasok don sa Livingstone. I heard magandang university daw don. Baka sakaling pag lumipat ako don tatalino na ako diba?”
“If you really want to transfer you can pero hintayin mo nalang na matapos ang sem na’to. Next sem ililipat na kita agad.”
Next sem? Ibig sabihin non..
Binilang ko iyong buwan pang natitira bago ang second semester gamit ang mga daliri ko.
Tatlong buwan pa? Three more months?
Hindi ako makakahintay ng ganun katagal..
“Mom, ang tagal pa matapos ng sem. Sige na Mommy please? Sige na. Please help me Mom. Kailangan ko talagang maka transfer don. I promise pag papayag ka, mag-aaral na akong mabuti.”
Nag-isip na muna si Mommy bago siya nagsalita ulit.
“Fine..Fine..Basta, promise me na mag-aaral ka na ng mabuti. If babagsak ka, kahit isang subject man lang, ibabalik kita sa dati mong school.”
Sa wakas napapayag ko nadin si Mommy. Dahil sa sobrang tuwa ko niyakap ko agad ng mahigpit si Mommy.
“Thanks Mommy. Super duper mega thank you..”
….
“What?”
“Are you serious?”
Tumango lang ako bilang tugon ko kay May.
“Lilipat ka ng school? Pero malapit na iyong midterms natin.” Sambit naman ni Aya.
“I know pero napapayag ko na si Mommy.”
“San ka lilipat?” Tanong ulit ni Aya.
“Livingstone University.” Sagot ko naman.
“Livingstone? Bakit naman don? I heard madaming maaarte don. Madami din namang maaarte sa school natin pero mas madami ata sa kanila.”
“I don’t care Aya, basta gusto kong lumipat don.”
“Bakit? Anong reason mo?”
Tanong naman ni May.
“Dahil gusto kong makita ulit si Kevin.”
“KEVIN?? LASAGNA BOY??”
Tinakpan ko iyong dalawang tenga ko gamit ang mga kamay ko. Kailangan ba talagang sumigaw? Hindi ba pwedeng hinaan lang nila iyong boses nila? Hindi naman kami malayo sa isa’t-isa para sumigaw dahil wala naman kami sa bundok.
“Bakit kailangan niyo pang sumigaw?”
“Eh kasi naman.. Lilipat ka lang don para lang makita mo ulit si Lasagna Boy? Ano bang pinakain niya sa’yo at para ka ng adik sa kanya pagkatapos ka niyang hilain.”
“Hindi niya ako pinakain. Ako iyong nagpakain sa kanya. Anyway, sa ayaw at sa gusto niyo lilipat na ako don. Hindi ko din hinihingi ang permiso niyo kaya wala na kayong magagawa.”
BINABASA MO ANG
Marrying the Casanova (Published under VIVA-Psicom)
RomanceMia did everything para lang mapansin siya ng unreachable Casanova of Livingstone University. Then she found out na naka arrange na pala ang marriage niya with him. With just a blink of an eye, she's marrying the Casanova. Arrange marriage ba ang sa...