Sabado at wala akong pasok sa school kaya busy ako sa pagpapalit ng mga kurtina sa bahay ni Sir Terrence ng dumating si Maam Michelle. She is Sir Terrence's new girlfriend, apat na buwan na ata ang dalawa. Isang buwan na lang at magsasawa na naman si Sir Terrence dito at maghahanap na naman ito ng iba. Just like what he did to his previous relationships. Mahigit apat na taon ko nang kasama si Sir Terrence kaya kilalang kilala ko na ang ugali nito.Iniwan ko ang ginagawa at lumapit rito. She is wearing a fitted red tube dress na umabot sa gitnang hita nito. Isa itong modelo kaya naman hindi kataka-takang may perpekto itong katawan. The kind of body that every man fantasized.
"Good morning po Maam Michelle" bati ko sa kanya at naghanda sakali mang may ipag-uutos ito. She just looked at me at tinaasan ako ng kilay. Simula pa lang talaga ay ayaw na niya sa akin. Wala naman akong maalala na may ginawa akong masama sa kanya.
"Where's Terrence?" mataray nitong tanong. Galit ata ito, mukhang nag-away na naman sila ng amo ko.
"Pumasok po ata sa office Maam Michelle. Kanina pong umaga umails" magalang kong sagot sa kanya. Kahit maldita siya ay kailangan ko pa rin siyang respetuhin dahil girlfriend siya ng may-ari ng bahay.
"Hmmp, I told him I'll drop by." she muttered. Parang batang pinadyak pa nito ang paa sa sahig.
Muli itong tumingin sa akin "Lets go shopping" she said.
Ang ibig sabihin ng "lets go shopping" nito ay "magsho-shopping ako at kailangan ko ng taga bitbit ng mga pinamili ko kaya sumama ka".
"Hindi pa po kasi ako tapos magpalit ng mga kurtina Maam Michelle. Baka po magalit si Sir Terrence kapag iniwan ko lang to dito" I informed her. Pangit naman talagang tingnan na nakakalat lang sa sahig ang mga maruruming kurtina samantalang ang mga malilinis na pamalit ko sana ay nasa sofa lang.
Wala kasing ibang katulong si Sir Terrence na maaaring tumapos nito. Simula ng tumira ako sa kanya four years ago ay ako na lahat ang gumawa ng mga gawaing bahay. At gaya nga ng pinagmalaki ko sa kanya, it includes cooking, laundry and cleaning. Pero hindi naman ako nagrereklamo dahil hindi naman makalat si Sir. Isang beses nga lang ako sa isang linggo kung maglinis pwera na lang kung may ipinag-uutos si Sir gaya ng kapag dumadalaw ang mga kaibigan niya o hindi kaya ang mga babae nito.
Kung hindi dahil sa kanya ay baka hindi na ako nakapagpatuloy sa pag-aaral. Graduating na ako ngayon sa kursong Accountancy. Malaki ang utang na loob ko sa aking amo. Ang aking amo na hindi naman pala modelo. Maraming nagtangkang kunin siyang modelo pero walang nagtagumpay. Isa itong mayamang negosyante. One of the richest sought after bachelors in the country. He is top 1 in Construction Industry. Ngunit isa lang yan sa mga napakarami niyang business. Kaya hindi rin kataka-takang mga babae ang naghahabol sa kanya. May iba pa ngang nabaliw ng dahil sa kanya.
But praise God above, because he spare me from his charm. Siguro nga ay nagkacrush din ako sa kanya noong mga unang linggo ko sa poder nito. Ngunit agad din yung nalusaw ng masaksihan ko kung gaano kadami ang babae nito at kung gaano ito kabilis magpalit ng girlfriend. Ilang beses ko na rin itong nadatnang may katalik na babae. Hindi ko nalang iniisip ang mga bagay na yun at iwinawaksi sa aking isipan ang mga nasaksihan. Dapat kong tatagan ang aking sarili kung gusto kong makapagtapos.
His 5-month-relationship ultimatum is already an improvement. Dati kasi ay wala pang isang buwan ay nakikipaghiwalay na ito.
Naputol ang pag-iisip ko ng pandilatan ako ni Maam Michelle ng mata. "Do you think I care? Gusto mo bang isumbong kita kay Terrence na sinusuway mo ang utos ko?" she threatened me.
Ganyan naman lagi ang panakot niya sa akin. Hmmp. Sa lahat ng naging girlfriend ni Sir ay ito ang pinaka malala. Naaawa ako sa mga dating girlfriend ni Sir Terrence kapag hinihiwalayan nito, pero kabaliktaran ang nararamdaman ko sa isang to. Parang ang tagal ng limang buwan. I know what I am thinking is evil but I cant help it. Sana maglimang buwan na para hiwalayan na ito ni Sir. Hindi ko ata kakayanin at baka magresign na lang kung ito ang naging asawa ng amo ko. God, I can't imagine living in the same roof with this woman.
Sa ilang buwan na naging girlfriend ito ni Sir Terrence ay hindi ko na mabilang kung ilang beses na kaming nagshopping ng babaeng to. Her definition of shopping is out of this world. Hoarding na kasi ang kanyang ginagawa.
Tuwing nagsho-shopping ito ay sobra benteng paperbags ang bitbit ko. At halos pasukin na nito lahat ng mga boutique sa mall. Kulang ang isang araw para makuntento ito sa pamimili ng kung ano-ano.
"Ano ba? Hindi ka pinapasahod ng Boyfriend ko para tumunganga lang dyan. Kumilos ka na kung ayaw mong sabihin ko kay Terrence na sisantihin ka, Stupid" she snapped her hands in front of my face that made me flinched in surprise. Tumalikod na ito at nagsimulang maglakad palabas ng bahay ni Sir.
"Magbibihis lang po ako Maam Michelle" paalam ko sa kanya.
"Don't bother, you will still look like garbage whatever you will wear anyway" she mocked me and laugh crazily.
Napatingin ako sa aking soot. Isang maluwang na tshirt na puno pa ng pawis at isang cotton short. Grabe, nakakahiya naman kung ito ang suot ko sa mall. Pero wala na akong nagawa ng muling sumigaw ang bruha. Tumakbo na ako at mabilis na sumakay sa harap ng kotse nito katabi ang kanyang driver.
Hindi ko na naayos ang kalat sa sala dahil sa pagmamadali ni Maam. Tsk, baka mapagalitan ako ni Sir Terrence mamaya dahil dun. Ni hindi ko na nasarado ang pintuan ng bahay. Pero okay lang dahil may security guard naman ang bahay ni Sir. Nakatira na kami ngayon sa isang exclusive subdivision. Ng lumipat si Sir dito 2 years ago ay sinama niya ako.
Tiningnan ko ang itsura ko sa side view mirror at napangiwi. Pwede ng tirhan ng ibon ang magulo kong buhok. Inayos ko ito sa pagkakatali para naman kahit papaano ayu tao akong tingnan. Ng makarating kami sa isang mall ay nagsimula ng mag-ikot si Maam Michelle. Nakabuntot lang ako sa kanya kahit saan siya magpunta. Ito ang paboritong mall ni Maam at parang mayayaman lang ang nagpupunta rito.
Isang boutique pa lang ang napasukan namin pero limang paperbags na ang bitbit ko paglabas ng naturang tindahan. Ilang boutiques ba meron ang mall na to?
BINABASA MO ANG
Denise
RomanceDenise just want one thing, ang makapagtapos ng pag-aaral. Nang sa gayon ay makahanap siya ng trabaho at mamuhay ng payapa. She is almost there, fulfilling her dreams, achieving her goal. Konti na lang at magagawa na niya ang pangarap habang nagtatr...