Chapter 8

102 1 0
                                    

Dalawang linggo ng hindi umuuwi sa bahay si Sir Terrence mula noong pasko. It was my happiest but saddest Christmas, masaya ako dahil nakasama ko si Sir Terrence sa pasko at malungkot dahil nagkalamat ang aming relasyon bilang amo at katulong. Hindi ko alam kung aan ito umuuwi. Siguro ay kay Maam Michelle o hindi kaya ay sa condo nito.

Mabuti narin siguro yun, para hindi muna kami magkita at para lumamig ang ulo nito.

Mag-isa kong sinalubong ang bagong taon at hindi tulad noong mga nakaraang New Year ay hindi ako naghanda ngayon. Umiyak lang ako buong araw dahil sa lungkot hanggang sa nakatulog ako. Nalulungkot ako dahil sa mga nangyayari. Kung sana ay hindi lang ako naging tanga noong pasko, sana ay okay kami ni Sir.

Pagkagising ko ay umaga na, nakatulog ako buong magdamag. Okay na din yun, kesa naman magmukmok lang ako habang hinihintay ang hating gabi. Mas nakakalungkot yun.

Napabuntong hininga na lang ako at inilibot ang paningin sa buong campus, pilit na winawaksi sa isipan ang lungkot na nararamdaman. Nakaupo ako ngayon sa isang sementong upuan habang hinihintay ang aking ibang kaklase na kagrupo ko sa aming thesis.

Maaga akong nagpunta sa school. Wala naman kasi akong gagawin sa bahay ni Sir Terrence. Mababagot lang ako roon dahil wala naman akong makausap. Ang security guard naman nito ay mas masungit pa ata kay Sir Terrence. Hindi ako pinapansin.

Napangiti ako ng nakitang papalapit si Jacob, isa sa kasamahan ko sa grupo. Simpleng putting tshirt lang ang suot nito at faded jeans. I waved at him, lumabas ang pantay at puting ngipin nito sa kanyang pagngiti sa akin.

"Hi, ang aga mo ah" umupo ito sa tabi ko at ginulo ang aking buhok.

"Stop it J, wala pa naman akong dalang suklay" reklamo ko dito at pilit na tinanggal ang kanyang mga kamay sa ulo ko.

Lagi itong ganyan, madalas nitong pagdeskitahan ang buhok ko. Kung hindi ginugulo ay nilalaro niya ang dulo nito at minsan ay inaamoy.

"Arte naman, maganda ka parin naman kahit magulo ang buhok mo" pangungulit nito na hindi pa rin nagpaawat sa pagsira sa kaayusan ng aking buhok kaya sinapak ko ito sa braso.

"Aray naman, sakit nun ah." OA na reklamo nito sabay himas sa kanyang braso.

"Ang kulit mo kasi eh"

"Naglalambing lang eh" humaba ang kanyang nguso.

"Kung lambing yun, dapat kinikilig o natutuwa ako. Kaso hindi, nakakainis yun" muli kong inayos ang buhok ko gamit ang aking mga daliri.

"Oo na, oo na. Hindi na mauulit" nagpuppy eyes pa ito at nagpacute.

Jacob is actually handsome. Maraming babae ang may crush sa kanya dito sa school. Bukod kasi sa gwapo at mayaman, ay captain din ito ng basketball team. Pero kahit ganun ay humble pa rin ito at mabait.

Nanligaw ito sa akin noong freshmen years namin. Pero pinaintindi ko sa kanyang hindi pa ako handa sa ganoong bagay at gusto kong lahat ng focus ko ay mapunta sa pag-aaral. Naintindihan naman niya ang bagay na iyon at naging malapit kaming magkaibigan.

"Sa bahay tayo ni Marco mamaya. Tatapusin nalang ang last part ng Thesis. Madali na lang yun" sabi nito.

"Anong oras daw?"

"After class, sumabay ka na sakin. Wala naman akong practice mamaya" he offered. May sasakyan kasi ito at mas madali nga kung sa kanya ako sasabay. Isasama ko na lang din ang isa pa naming kagrupo na si Leslie. Nilalaro nito ang hawak na bote ng tubig.

Pumayag na ako sa gusto nito. Malayo layo rin kasi ang bahay ni Marco sa school. Madalas ay sa bahay kami ni Jacob dahil mas malapit. Pero andoon daw ang kanyang mga pinsan na nagbabakasyon galing abroad kaya baka madistorbo daw kami ng mga bata.

Pagkatapos ng meeting namin ay pumasok na ako sa aking klase. Ngunit buong araw akong walang maintindihan sa mga itinuturo samin. Laman ng isip ko kung ano ang pwedeng mangyari kung sakaling umuwi si Sir Terrence.

Galit pa rin kaya ito sa akin?

Kinahapunan ay nagtungo kami sa bahay nina Marco gaya ng napagkasunduan. Nagconvoy ang mga may sasakyan, at kagaya ng gusto ni Jacob ay sa kanya ako sumakay. Sa likod na upuan ay kasama namin si Leslie na tahimik lang din sa byahe. Nahalata siguro nito ang pagsimangot kanina ni Jacob ng malaman nitong isinabay ko si Leslie.

Nakita ko iyon pero hindi ko nalang pinansin. Kawawa naman kasi si Leslie kung magko-commute lang. Tulad ko ay scholar lang din ito sa school kaya wala ring sariling sasakyan.

It was already 11 pm and we are all still busy with our thesis. Ilang chapters na lang ay matatapos na ito. Napagkasunduan naming lahat na tapusin na ito ngayon para wala na kaming iisipin. Tutal ay Sabado naman bukas at walang pasok kaya okay lang kahit abutin kami ng madaling araw.

It was already 1am at nakakaramdam na ako ng antok kaya uminom ako ng kape na inihanda ng katulong nila Marco. I am enjoying the coffee while observing my team, nakakatuwang lahat kami ay tulong tulong at walang pasaway.

Inilapag ko sa centertable ang wala ng laman na baso ng magvibrate ang cellphone na nasa aking bulsa. Kinuha ko iyon upang tingnan kung sino ang tumatawag. I gasped when I was Sir Terrence' name flashed on the screen. Nakailang miscall na pala ito na hindi ko napapansin.

I nervously swiped the answer button.

"Where the fuck are you?" ang galit na boses nito ang agad na bumungad sa akin. Nasa bahay kaya ito ngayon?

"Sir Terrence, andito po ako sa bahay ng kaklase ko. Tinatapos lang po namin ang aming thesis" I bit my lower lip. Lumapit si Jacob sa akin na may nag-aalalang mukha.

"At this hour? Umuwi ka na" utos nito.

"Sir pwede po bang bukas nalang ako umu-" he cut me.

"No, umuwi ka na ngayon na" sigaw niya.

"Delikado na po kasing umuwi ngayon, malayo po kasi tong bahay ng kaklase ko at mahirap ng sumakay" paliwanag ko rito. I heard him curse on the other line. Galit na galit talaga ito.

"Send me the address, susunduin kita" and he ended the call.

Wala akong nagawa kung hindi isend sa kanya ang address at nagpaalam sa mga kaklase ko. Humingi ako ng paumanhin at naiintidihan naman nila ang kalagayan ko. Alam din naman kasi nilang namamasukan lang ako bilang katulong.

Lumbas na ako ng bahay ni Marco upang doon hintayin si Sir Terrence. Sumunod naman sa akin si Jacob at sinamahan akong maghintay. Nagmungkahi itong ihatid na lang ako pero tumanggi ako. Baka kasi papunta na si Sir Terrence.

Ilang minuto pa ang hinintay namin hanggang sa tumigil sa aking harap ang isang itim na sportscar. Hindi ko alam kung ano ang tawag doon pero alam kong kay Sir Terrence it dahil isa ito sa kanyang mga koleksyon ng sasakyan. He is just 28 but the number of his cars is twice his age.

Hinarap ko si Jacob na namamangha parin sa sasakyan para magpaalam. Tumango naman ito at ibinigay sa akin ang mga libro na hiniram ko sa library. Lumapit ako sa passenger door at binuksan iyon. Tumambad sa akin ang galit kong amo na nasa harapan ng sasakyan nakatingin.

Magkasalubong ang kilay nito at mahigpit ang kapit sa manibela. Pumasok ako at umupo. Hindi paman maayos ang pagkakakabit ko sa aking seatbelt ay bigla na nitong pinaharurot ang sasakyan kaya napamura ako sa gulat.

"Tanginaaa" gulat kong sigaw at mahigpit na napahawak sa gilid ng upuan. Agad kong natutop ang aking bibig ng marealized na minura ko pala ang aking amo.

"What did you just said?" gulat din ito at mas lalong dumilim ang anyo.

"Po? Ano-. Ahh-Sabi ko ano, Tamaanaaa..tama na po kasi sobrang bilis ng takbo niyo, nagulat ako. Sorry" palusot ko dito at nagpeace sign. Binagalan naman nito ang takbo.

Tiningnan niya lang ako ng masama at nagpatuloy sa pagmamaneho!

DeniseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon