Prologue

193 2 1
                                    

"Ace, sigurado ka bang papayag yung pinsan mo?" Kinakabahang tanong ko sa kaibigan habang hila hila ang isang malaking maleta na naglalaman ng aking mga gamit.

"Well, I am honestly not sure. But let's just try okay? Malay mo pumayag diba?" maarteng sagot nito habang bitbit naman ang isa ko pang bag. Tumahimik na lang ako at nagdasal na sana ay mabait ang pinsan nito. This is my last hope, hindi ko alam kung saan pa ako titira kung tumaggi ang pinsan nitong kaibigan ko.

Sumakay kami ng elevator paakyat sa condo unit ng pinsan ni Ace. He pressed the button for the 26th floor. Nakakamangha ang karangyaan ng paligid. Sigurado akong mamahalin ang mga condo unit rito.

Dalawang buwan na rin akong tumitira sa condo ni Ace simula ng tumakas ako sa amin. Pero sa kasamaang palad ay sa abroad na ito magpapatuloy ng pag-aaral kaya ibebenta na ng kanyang mga magulang ang kanyang condo ng hindi man lang nito alam. Nagulat na lang kami ng may pumunta sa unit niya para sabihing pinapaalis na si Ace at ang gamit nito.

His parents also wanted him to court the daughter of one of their business partners but he refused. Hindi kasi alam ng mga ito na lalaki rin ang gusto ng anak nila. His mother cut his cards kaya wala rin itong pera na pwedeng ipahiram para makahanap ako ng mauupahan.

Pero kahit pa may pera ito ay hindi ko iyon tatanggapin, sobra sobra na kasi ang tulong na naibigay niya sa akin.

Wala rin akong ibang kaibigan na pwedeng matirhan. Ang kita ko sa aking pagpa-part time ay hindi kakasya kung uupa ako ng sariling matitirhan at sa aking pag-aaral. Kaya naisipan ni Ace na mag-apply ako bilang katulong dito sa bahay ng pinsan niya.

Alam kong mayaman ang pamilya ni Ace, pagmamay-ari ng pamilya niya ang ilang sikat na restaurant. Ngunit nakakatuwang isipin na naging magkaibigan kami sa kabila ng agwat namin sa buhay. Scholar ako sa paaralan na pinapasukan nito at naging magka-team mate kami sa swimming. Simula noon ay nagkalapit kami at hindi na naghiwalay. At simula rin noon ay ito na ang naging superhero ko. Lagi niya akong tinutulungan tuwing may problema. Ako lang din ang nakakaalam ng totoo niynag kasarian. Lalaking-lalaki man ito tingnan ay may pusong babae ito.

Naputol ang aking mga iniisip ng marinig ang pagtunog ng elevator, tanda na nasa tamang palapag na kami.

"Lets go?" Aya ni Ace at nauna na sa paglalakad patungo sa nag-iisang pintuan sa naturang palagag. Ang yaman naman ata ng pinsan nito para ukopahin ang isang buong palapag. Huminga ako ng malalim upang pawiin ang kaba at sumunod na sa aking kaibigan.

Ace rang the doorbell and we waited for his cousin to open the door. Sabi ni Ace ay nag-iisa lang daw it sa bahay.

"Kinakabahan ako" pag-amin ko sa kanya.

"Dont be, mabait si Kuya Terrence. And I will do everything in my power to convince him" Pang-aalo ng kaibigan ko sa akin at inakbayan ako. I smiled at him and mouthed my thank you. Ano na lang ang gagawin ko kung wala tong baklang to?

Bumukas ang pinto at tumambad sa amin ang isang lalaki na halatang kakagising lang. He is just wearing a boxer short at bumakat pa ang ano nito. Oh, my not so innocent eyes.

Napakurap ako sa aking nakikita. Gwapo si Ace kaya alam kong guwapo rin ang pinsan niya, But I did not expect him to be this handsome. The word handsome is not enough to define how good looking this man is. Is he a model? Malaki siguro ang talent fee nito dahil sobrang gwapo nito. That explained why he can afford this expensive unit. His deep eyes and pointed nose is killing me. Not to mention is defined jaw and full lips. I bit my lower lip, parang kusa kasing humahaba ang nguso ko para magpahalik rito.

DeniseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon