Pagkarating ko ng bahay ay halos mawalan ako ng ulirat. Hindi ko alam kung nananadya ba si Maam Michelle o talagang shopaholic lang ang isang yun.. Humigit kumulang limampong paperbags ang pinabitbit nito sa akin kanina. Kung paano ko nakayanang dalhin ang mga iyon ay hindi ko alam. Hindi ko narin pinansin ang mga tinging ibinato sa akin ng mag tao kanina. Ang iba ay naaawa habang ang iba naman ay natatawa. May ilan-ilan din namang nag-alok ng tulong. Pero lahat ng yun ay tinanggihan ko. Baka mahighblood na naman si mayora at biglang magwala dooin sa mall., Mas lalo lang akong mapapahiya. Hobby niya kasi yun eh, ang ipahiya ako sa ibang tao.Pumasok ako sa loob at nakitang andoon pa rin ang mga naiwang kurtina. Kailangan ko pa itong tapusin bago ako matulog. Sinipat ko ang oras and its already 9 in the evening. Andito na kaya si Sir? Madalas ay mga ganitong oras ito umuuwi. Pero wala pa ang kotse nito kaya malamang ay hindi pa ito dumating.
Buti nalang at hindi naman kumakain dito sa bahay si Sir Terrence tuwing gabi. Kaya hindi na ako nagluto ng ulam at tinapos na lang ang pag-aayos ng mga kurtina. Dapat ay matapos ko na ito bago pa man dumating ang aking amo. Kung may bagay man na hindi nagbago kay Sir Terrence, yun ay ang pagiging masungit nito. Madalas niya pa rin akong pagalitan kapag may mga bagay siyang hindi nagustuhan. Pero sa apat na taon na nandito ako ay nasanay na rin ako sa kanya at hindi ko na dinidibdib ang mga sermon niya. Nakakalimutan rin naman niya agad ang mga maling nagagawa ko kaya ayos lang.
Tapos na ako sa paglalagay ng mga bago at naglalakihang kurtina. Kinokolekta ko nalang ang mga maduduming tela para labhan ito bukas ng dumating si Sir Terrence. He found me clasping the dirty curtains.
Agad na kumunot ang kanyang noo at napatingin sa akap-akap kong mga kurtina. Alam ko na ang susunod niyang sasabihin, in 3, 2 ,1
"What are these crap?" he call out. Hah I knew it!
"Good evening po Sir Terrence. Mga maduduming kurtina po." I answered.
"I know. Pero bakit hindi ka pa tapos? You were already changing the curtains when I went out" he elaborated. Ang sungit talaga!
Niluwagan niya ang kanyang necktie at inilapag ang briefcase sa center table. Umupo ito sa sofa habang nakatingin pa rin sa akin. Binitawan ko naman ang mga kurtina at mabilis na kinuha ang tsinelas niya sa lagayan at lumuhod sa kanyang harap para tanggalin ang kanyang sapatos.
"Nagpunta po kasi si Maam Michelle dito kanina. Nagpasama sa akin magshopping. Ngayon lang po ako nakauwi kaya kakatapos ko lang nito" paliwanag ko rito. Tinanggal ko ang kanyang sapatos at medyas saka naman pinasuot sa kanya ang tsinelas.
"I already told you do not give in to her demands. I am your boss, not her" pumikit ito at isinandal ang ulo sa likod ng sofa.
"Eh kasi naman Sir nakakatakot po yung girlfriend niyo" sagot ko rito. Tumayo ako at tinungo ang kanyang kwarto sa ikalawang palapag bitbit ang kanyang sapatos at briefcase at susi ng kotse. Maingat ko iyong inilapag sa kanilang tamang lagayan.
Muli akong bumaba at hindi ko na nakita si Sir Terrence sa sala. Nakarinig ako ng ingay sa kusina kaya doon ako nagtungo. Hala, kakain kaya ito? Wala pa namang ulam. Patay na naman ako nito.
Naabutan ko itong naghahalungkat sa ref. "Ano ang ulam?" he asked without looking at me. Nasa ref pa rin ang mga mata nito at parang may hinahanap. Kinabahan ako bigla. Ang swerte ko naman. Kung kailan hindi ako nagluto ay saka ito kakain.
"S-sir Terrence, sorry po talaga. Hindi pa po ako...nakapagluto. Akala ko po kasi hindi kayo kakain rito kaya inuna ko munang tapusin ang pagkakabit ng mga kurtina" I explained. Yumuko ako at huminga ng malalim, preparing my self to be scolded.
"Have you eaten already?" napaangat ako ng tingin. Himala at kalmado lang ang boses nito. Madalas kasi ay nakasigaw ito o hindi naman kaya bubulong bulong pero galit.
"Hindi pa po. Ipagluluto ko po kayo. Mabilis lang to" mabilis akong kumilos at lumapit sa cabinet kung saan naroon ang mga stocks. Naghanap ako ng pwedeng lutuin. Ito ang gusto ko sa bahay ni Sir, palaging puno ang pantry dahil regular niya akong binibigyan ng panggrocery. Mahilig akong magluto at solong solo ko ang kusina ni Sir.
"Tsk, hwag na. I'll just order pizza. Tapusin mo nalang yung ginagawa mo" he commanded and stormed out the kitchen. Narinig ko ang yabag nito paakyat ng hagdan. Siguro ay magbibihis muna ito bago kumain.
Marahan kong binatukan ang aking sarili. Ang tanga ko talaga. Dapat inuna ko ang pagluluto. Buti nalang at good mood si Sir ngayon.
Sinunod ko ang gusto nito at tinapos ang pagliligpit ng mga maruruming kurtina. Ilang minuto pa ay may nagdeliver na ng mga pagkain. Tatlong box ng pizza ang inorder nito at meron ding mga bote ng beer. Tinanggap ko ang mga iyon at binayaran.
Inayos ko muna ang mga kakailanganin ni Sir terrence para sa pagkain bago ako umakyat upang ipaalam na handa na ang pizza nito. Pati ang baso at mga yelo para sa beer niya ay inihanda ko na. Kumatok ako ng tatlong beses at hinintay ang kanyang tugon.
Bumukas naman ang kanyang kwarto at iniluwa ang aking pogi at machong amo na ang tanging suot ay boxer. Okay, he is a greek God, no doubt!
"Sir handa na po ang pizza" nakangiti kong sabi. Tumango lang ito at nilampasan ako. Bumaba ito ng hagdan at sumunod naman ako sa kanya sakaling may ipag-uutos ito.
Sa sala ko inilagay ang mga pagkain at binuksan ang tv. Alam kong manonood ito ng paborito niyang baseball game kaya inilipat ko na ang channel doon. Umupo ito at sinimulan ang pag-inom ng beer. Tsk, inuna pa nito ang inumin imbes na lagyan ng laman ang tiyan.
"Sir may ipag-uutos pa po kayo?" tanong ko rito. Umiling lang ito. Gusto ko na kasing pumunta sa kwarto ko at maligo, kanina pa ako nanlalagkit.
Tumango ako sa kanya at nagpaalam na maliligo. "Get back here once you are done" utos nito. Bababa pa naman talaga ako mamaya para ligpitin ang kanyang pinagkainan.
Muli akong tumango at umakyat na ng aking silid. Nasa ikalawang palapag din ang aking silid. Sir Terrence let me use one of the guest room. Bagay na ikinainis ni Maam Michelle noon. Ang kapal daw ng mukha ko para sa guest room matulog eh katulong lang naman daw ako.
Nasa huling baitang na ako ng hagdan ng lingunin ko si Sir.
But I gasped for air when our eyes met!
BINABASA MO ANG
Denise
RomanceDenise just want one thing, ang makapagtapos ng pag-aaral. Nang sa gayon ay makahanap siya ng trabaho at mamuhay ng payapa. She is almost there, fulfilling her dreams, achieving her goal. Konti na lang at magagawa na niya ang pangarap habang nagtatr...