"Sino yung lalaki kanina? Boyfriend mo?" maya-maya ay tanong ni Sir Terrence sa akin. Nasa sasakyan parin kami pauwi sa bahay.
Ang tinutukoy ba nito ay si Jacob?
"Hindi po, kasama ko lang sa thesis. Sinamahan niya lang akong mag-antay sayo kanila" nakita ko ang bahagyang pag-ayos ng kanyang nakakunot na noo.
Tumahimik na ito hanggang sa makarating kami sa bahay. Ayaw ko ring magbukas ng topic dahil baka mapag-usapan pa namin ang nagyari noong pasko. Gusto ko ng kalimutan yun.
Pagpasok ng sasakyan sa gate ay agad akong lumabas ng kotse nito. Hindi ko na ito hinintay at naunang pumasok sa loob.
Pero natigil ako sa paglalakad ng mapansing may tao sa sala at nakaupo sa sofa. Nakayuko ito at busy sa kanyang cellphone at ng mag-angat ito ng paningin ay nanlaki ang aking mga mata.
Si Ashley Cruz!
Wow, anong ginagawa ng isang sikat na artista dito? Nastarstruck ako sa kanya kaya hindi ko napansin ang pagdaan ni Sir Terrence sa aking gilid.
"Hey babe" masayang bati ng babae kay Sir. Nilapitan naman ni Sir ang babae at hinalikan sa labi.
Doon nagbalik ang aking katinuan. Si Ashley Cruz at si Sir Terrence? Ito ba ang bago niyang girlfriend? Bigla naman akong natuwa sa isiping hiwalay na si Sir at Si Maam Michelle. Sana naman ay mabait itong bago ni Sir.
Naputol ang kanilang paghahalikan at kusang humakbang ang aking mga paa palapit sa kanila na ngayon ay magkayakap.
"Ahmm Sir Terre-"
"Yes?" mabilis na sagot nito hindi ko pa man natapos ang kanyang pangalan.
Ngumisi ako sa kanya at inilahad ang aking cellphone. "Pwede po bang magpapicture kay Maam Ashley?" iniabot ko sa kanya ang cellphone ko at humarap ako sa babae "Okay lang po ba Maam? Idol ko po kasi kayo"
Ngumiti naman ito at tumango. Mukhang mabait naman ito. Tumabi ako sa kanya. At walang nagawa ang amo ko kung hindi ang lumayo at kunan kami ng litrato. Nakasimangot ito at parang galit na naman.
Pagkatapos ng picture taking ay iniwan ko na sila para naman may privacy sila at nagtungo sa sariling kwarto. Ipinakilala ako ni Sir bilang kaibigan ng pinsan niya at hindi bilang isang kasambahay. Ipinakilala naman niya si Maam Ashley bilang kaibigan.
Humiga ako sa kama at sakto namang nagmessage sa akin si Jacob para tanungin kung nakarating ako sa bahay ng maayos.
Nagreply ako sa kanya at kinwento ang nangyari. Sinend ko rin sa kanya ang picture namin ni Maam Ashley. Mabilis itong nagreply.
JJ:
Sino yang kasama mo? Mas maganda ka pa eh!
Bolero din ang isang to.
Ako:
Ano ka ba artista yan. Ang ganda niya sa personal.
Marami pa kaming napag-usapan ni Jacob tungkol sa mga artista, kung sino ang pinakamaganda. Iba kasi ang pananaw namin kaya nagtalo pa tuloy kami. Ng dinalaw na ako ng antok ay nagpaalam na ako sa kanya para matulog. Napangiti naman ako sa kanyang naging tugon.
JJ:
Ok. Good night Den-den. Sleep well. P.S: para sakin, ikaw parin ang pinakamganda.
Magrereply pa sana ako dito pero biglang bumukas ang pinto ng aking kwarto. May pumasok at alam kong si Sir Terrence yun kaya binitiwan ko ang cellphone sa tabi ko at nagkunwaring tulog.
Naglock naman ako ng pinto kanina, paano ito nakapasok? Siguro ay ginamit nito ang master key.
Lumapit ito sa akin at umupo sa gilid ng aking higaan. Ano ba ang ginagawa ng lalaking to dito? Asan na si Maam Ashley?
"Den-den are you still up?" he whispered. His voice is rough but it still sound so sweet. Hindi ako gumalaw at nanatiling nakapikit. Narinig ko ang kanyang pagbuntong hininga.
Muntik na akong mapadilat ng tumunog ang aking cellphone tanda na mag nagpadala ng mensahe. Sinilip ko ng konti si Sir Terrence at nakitang nakatuon sa duon ang kanyang paningin. Kumunot ang noo nito at inabot ang aking telepono.
Sino kaya ang nagtext? Si Jacob kaya?
Hinayaan ko lang ito at nagpatuloy sa pagkukunwari. I saw him scrolling my phone at napapakunot ang noo. Binabasa ba nito ang mga messages ko? Its not that may tinatago ako sa kanya pero hindi niya dapat yun ginagawa.
Naputol ang pagpapanggap ko ng bigla niyang binalibag ang cellphone ko sa dingding. Napabangon ako at nakitang nagkawasak-wasak ang cellphone sa lakas ng impact.
"Sir Terrence, ano pong ginagawa niyo?" natatakot na tanong ko sa kanya. Kinabahan ako ng bumaling ang nag-aapoy nitong paningin sa akin.
"Who's JJ? Boyfriend mo? Kaya ba ayaw mong panagutan kita kasi may nobyo ka na huh?" hinawakan niya ang magkabila kong kamay. Namilipit ako sa sakit dahil sa higpit ng pagkakahawak niya dito. Galit na galit ito.
"Sir Terrence ano ba, nasasaktan ako. Hindi ko nga po boyfriend si Jacob. Magkasama lang kami sa thesis. Kaibigan ko lang siya" pinilit kong makawala sa pagkakahawak niya.
"Kaibigan? Nag I love you sayo tapos kaibigan?" sigaw nito na hindi parin binibitiwan ang aking kamay.
"Ano pong masama kung mag- I love you ang kaibigan? Ikaw nga sabi mo kaibigan mo si Maam Ashley pero naghahalikan kayo" ganting sigaw ko rito. Nakakainis na kasi, akala mo kung sinong matino. Tumahimik naman ito at niluwagan ang pagkakahawak sa kamay ko.
"Galit ka?" he asked, mas mahinahon na ngayon ang boses pero may diin pa rin.
"Hindi po" I said sarcastically. Inirapan ko siya at hinilot ang kamay kong namumula. Inagaw naman nito ang kamay ko at tiningnan ang mga iyon.
"Ang kulit mo kasi. Halika nga rito" sabi nito at hinila ako palapit sa kanya kaya napaupo tuloy ako sa kandungan niya. Pinilit kong makaalis pero mahigpit niyang niyakap ang aking bewang.
Ako pa ang makulit. Eh siya tong bigla nalang pumasok dito sa kwarto ko. "Sira na tuloy ang cellphone ko" nalulungkot akong napatingin sa wasak na cp. Madami pa naman akong pictures doon.
"We'll buy a new one tomorrow" sabi nito at humalik sa aking pisngi. Eto na naman siya, inaakit na naman niya ako.
"Asan na si Maam Ashley? Kayo na po ba?"
"Umuwi na. Nope, hindi kami." He denied.
"Hindi daw. Hindi tapos naghahalikan?" I teased him. Mukhang hindi na ito galit. Maaliwalas ang mukha nito.
"Tayo nga eh, we made love pero hindi naman tayo" malungkot na sabi nito.
"Iba naman yun eh. Lasing tayo nun"
"Pero hindi tayo lasing ngayon" he said and claimed my lips.
Mukhang gagawa na naman ako ng pagkakamali ngayong gabi!
BINABASA MO ANG
Denise
RomanceDenise just want one thing, ang makapagtapos ng pag-aaral. Nang sa gayon ay makahanap siya ng trabaho at mamuhay ng payapa. She is almost there, fulfilling her dreams, achieving her goal. Konti na lang at magagawa na niya ang pangarap habang nagtatr...