Two days na lang pala ay Christmas na. Excited akong nagising at masayang nagluto ng agahan ni Sir Terrence. Usually kasi ay ngayon ang araw na uuwi ito sa kanilang Ancestral house sa Batangas para doon magcelebrate ng Christmas kasama ang kanyang pamilya. Usually, they celebrate Holidays abroad. Pero sa pagkakaalam ko ay dito lang sila sa Pilininas ngayon taon.
Pakanta-kanta ako habang nagluluto, hindi ko rin napapansin na napapaindak ako. Excited na akong malaman ang regalo sa akin ni Sir Terrence. Last year, he gave me a new phone na siyang gamit ko hanggang ngayon. Binibigyan niya rin ako ng pera para daw mabili ko ng regalor ang mga mahal ko sa buhay.
Excited akong buksan ang regalo niya sa akin, hindi dahil sa kung ano ang laman nito. Kundi dahil ito lang ang tanging pagkakataon na nakakatanggap ako ng regalo tuwing taon. Wala naman kasing ibang nagbibigay nito sa akin. Yung ibang manliligaw ko naman ay nagbibigay rin ng regalo sakin, pero pakiramdam ko ay hindi sila sincere. They just give me gifts to win me at hindi ko tinatanggap ang mga iyon dahil ayaw kong umasa sila.
Kapag binibigyan ako ng pera ni Sir Terrence ay si Ace lang naman ang binibilhan ko ng regalo at ang ibang natitira ang inipon ko nalang. Pero ilang taon na ring naipon ang mga pangregalo ko sa kanya at hindi ko naibigay dahil hindi ko naman alam kung saan ito ipapadala. Nakakalungkot pero gusto ko paring bilhan ito ng regalo taon taon para ibigay ko sa kanya kung sakaling magkita kami ulit. This way ay malaman niyang kahit kailan ay hindi ko siya nakalimutan.
Ng minsang tanungin ko si Sir Terrence sa address ni Ace ay nagalit lang ito kaya hindi na ako sumubok uli. Si bakla naman kasi, hindi na ako kinontak simula ng nag-aral ito abroad. Tingin ko ay kinalimutan na niya ako.
Saktong tapos na akong magluto at maghain ng pumasok sa kusina si Sir Terrence, muli ay nakaboxer shorts lang ito. Pero nasanay na ako sa kanya kaya hindi na ako naiilang.
"Good Morning Sir Terrence" masiglang bati ko sa kanya na abot tinga ang ngiti. Hindi man lang ito gumanti ng bati at sinimangotan lang ako. Hmmp, sungit talaga ng amo ko. Umupo ito sa gitnang silya at ininom ang kape na nakahanda na, pakanta-kanta naman akong lumapit sa kanya at nilagyan ng kanin at ulam ang kanyang pinggan.
Hindi ko mapigilan ang excitement habang naghihintay sa kanya na sabihin sa akin kung nasaan ang aking regalo. Alam kong mamaya niya ito sasabihin pagkatapos niyang kumain. Umupo ako sa pwesto ko sa kanyang gilid at nagsimula na ring kumain. Magana ang bawat subo ko ng agahan. Matiyaga akong naghintay na matapos ito.
"Someone is excited" he teased me with a handsome grin. Marahil ay napansin niyang kanina pa ako ngiti ng ngiti.
"Po? Hindi ah." Mabilis kong tanggi at umayos ng upo.
"I didn't said it was you"
Sumimangot ako. Alam ko namang ako ang tinutukoy niya. Wala naman kaming ibang kasama rito. Unless may nakikita siya na di ko nakikita. Nyeee!
"Alright, it's in my room above the-"
Hindi na nito natuloy ang sasabihin dahil bigla na lang akong tumayo at patakbong umakyat sa kwarto nito. I excitedly open the door and there I found the gift above his bed wrapped beautifully with a cute ribbon on top. Katabi nito ang ilang damit ni Sir Terrence na siguro ay dadalhin niya pag-uwi ng Batangas.
Mabilis ko iyong kinuha at sinuri, hindi pa rin maalis ang ngiti sa aking mga labi. Tiningnan ko ang paligid ng kama at nakapagtatakang wala atang sobre ng pera na kadalasan ay ipinapatong niya sa taas ng regalo. Tiningnan ko ang sahig para siguradohing hindi ito nahulog. Ng wala akong makita ay nagkibit balikat lang ako at excited na umupo sa kama para buksan ang regalo. Hindi naman mahalaga sa akin ang pera, katunayan nga ay may natira pang pera na ibinigay noong nagdaang pasko. The thought of someone giving me a Christmas gift is already enough for me.
Maingat kong pinunit ang gift wrapper at tumambad sa akin ang isang Hello Kitty box na naglalaman ng ibat-ibang Hello Kitty products. Ahhhw ang cute naman, naiyak ako sa tuwa. First time kong makatanggap ng ganito. Binusisi ko ang laman at may Pink Hello Kitty headband na may nakausling parang tenga ng pusa at may mga Hello Kitty hair clips. Marami pang ibang Hello Kitty na pantali ng buhok. Meron ding eyeglass na walang salamin na pormang Hello Kitty. Tingin ko ay mamahalin ang mga to.
Excited na isinoot ko ang headband at ang eyeglass at tumingin sa salamin na nasa loob ng kwarto nito. Mas lalong lumawak ang ngiti ko ng makita kong gaano ako kacute tingnan.
"Raaawwr"
I was trying to imitate a cute cat when the door sprung open. Umayos ako ng tayo at lumapit kay Sir Terrence para ipakita sa kanya ang mga iyon na soot ko.
"Sir Terrence, thank you po talaga rito. Grabe ang cute cute po. Gustong gusto ko po sila" masayang pasasalamat ko sa kanya. Si Sir Terrence naman ay nakatulala lang habang nakatingin sa akin at nakakunot ang noo.
Ayeeh, siguro ay nagagandahan ito sa akin dahil sa headband at salamin.
"You liked them?" he asked, I can see that he is trying not to laugh. Mabilis naman akong tumango at ngumiti ng malapad. Siguro ay natutuwa rin ito sa ibinigay niya sa akin.
"Oh God Denise, what do I do with you." He said and slammed his palm on his forehead. Parang problemado itong tingnan. "That is not yours, para yan sa anak ng pinsan kong limang taong gulang" he blurted.
"Ho? Pero sabi mo above-" naguguluhang tanong ko pero hindi ko na natapos dahil naglakad na ito papunta sa kung saang sulok ng kanyang kwarto.
"Sabi ko above the cabinet, hindi above the bed. Hindi mo kasi ako pinatapos. And look at you wearing that. What are you, five years old?" kinuha niya ang isang paper bag sa ibabaw ng tokador at iniabot sa akin.
"Pero bagay naman sa akin diba?" humaba ang nguso kong tanong sa kanya. I don't know but I really liked these. Nalungkot tuloy ako ng malamang hindi pala ito para sa akin. Pangarap ko kayang magkaroon ng ganito noong bata pa ako. Inggit na inggit nga ako noon sa mga kaklase ko eh. Kaya ng makita ko ang mga iyon ay parang natupad ang isa sa mga pangarap ko noong bata pa ako. Nakakahiya, baka tuloy iniisip ni Sir Terrence na isip bata ako.
Oh shoot, ngayon ay sinira ko na ang gift niya para sa kanyang pamangkin. Ang tanga ko talaga. Aayusin ko nalang to mamaya. May mga naitbai pa naman ako doong gift wrap. Tiningnan ko ang paperbag at nakita ko ang isang gift at ang isang sobre. Ah so ito nga pala talaga yung gift niya.
"Thank you po para dito Sir Terrence" nakayuko at nahihiyang pasalamat ko rito.
"Tsk wag ka ng malungkot. Buksan mo na yang gift mo at ibili mo ng regalo ang mga mahal mo sa buhay. Pagbalik ko ay bibili tayo ng maraming Hello Kitty na pantali. Mas excited ka pa ata doon kaysa sa totoong gift ko sayo"
Napaangat ako ng tingin sa sinabi nito. "Talaga po?" I said happily.
Ngumiti lang ito sa akin at tumango!

BINABASA MO ANG
Denise
RomanceDenise just want one thing, ang makapagtapos ng pag-aaral. Nang sa gayon ay makahanap siya ng trabaho at mamuhay ng payapa. She is almost there, fulfilling her dreams, achieving her goal. Konti na lang at magagawa na niya ang pangarap habang nagtatr...