02

311 18 0
                                    



Simula nung confrontation nila ni Carrie, hindi na nagdadala ng mga bulaklak si Marko. Alam kong hindi iyon dahil sa alitan nila ni Carrie, may hinala ako pero hindi pa talaga ako sure kung tama ba ang iniisip ko.

Flashback

Pagkatapos kasi ng mga ginawa naming tatlo nun para marevise ulit ang thesis namin eh tinawagan ko agad si Marko. Kasi nga 'di ba sabi niya tawagan ko siya kapag tapos na kami. Ayun, gusto niya kaming magkita sa café. Malapit lang sa apartment na tinutuluyan ko pansamantala.

"Kanina ka pa?" palo ko sa braso niya. "Hindi naman. Kakaupo ko lang din," sabi niya at ngumiti pa ang loko.

Naging magkaibigan kami kasi magkaibigan din ang aming mga magulang. Typical parents. Pinagbubuyo ang mga anak para sila magkatuluyan.

Well, unti-unti din itong naglaho nung nagkaroon siya ng nobya nung highschool kami. Pero doon ko din napagtanto na nagsisimula na din akong magkagusto sa kanya. Si Maxine ang una niyang naging nobya. Tapos nasundan ulit ni Sheena at huli ngayon si Cielo. Wala naman din akong reklamo kasi ano nga naman ako para sa kanya 'di ba? Childhood friend lang ako na binubuyo sa kanya. At siyempre, bestfriends lang turing namin sa isa't-isa. Iyon ang akala niya. "Ano ba iyong gusto mong sabihin sa akin?" tanong ko sa kanya.

"Well, I'm here because I've wanted to tell yo—"

"Babe!" Hindi na natapos ni Marko ang dapat niyang sabihin dahil may dumating. "Babe!" tawag ko din sa dumating.

"Babe? S-sino siya Julie? Boyfriend mo?" kunot-noong tanong sa akin ni Marko. Magsasalita na sana ako pero naunahan ako ni Andrew. "Andrew, her boyfriend," pakilala nito atsaka naglahad ng kamay kay Marko. "Marko, her boyfriend, este bestfriend," at tinanggap ang pakikipagkamay ng lalaki.

"So, you're her bestfriend. I've heard lots of stories about you," ani Andrew. Napatanga lang si Marko na para bang pinoproseso pa ang nangyayari. Nagitla lang kaming tatlo nang may nagring na cellphone. "Excuse me. I have to take this call," pagpapaalam ni Andrew sa dalawa.

"Huy! Marko! Muntanga ka. Ba't nakatulala ka lang?" tinapik ko siya at pinanlakihan ko siya ng mata.

"W-wala naman. Well, I'm surprised and I'm a bit disappointed kasi hindi ko man lang alam na may boyfriend ka na pala. Akala ko ba bestfriends tayo?" natahimik kaming dalawa. Hindi niya ako matingnan sa mga mata ko. Talagang disappointed siya sa akin. "Siya ba ang nagpadala ng mga bulaklak kanina?" dagdag na tanong pa niya sa akin na nasa ibang direksiyon pa rin ang tingin.

"Mar—" hindi na naman ako natapos sa pagsasalita ng umupo ulit si Andrew sa bakanteng upuan sa table namin.

"Babe, una na ako. May lakad pala kami ni John ngayon," at may binulong pa si Andrew na nagpatawa sa akin. "Sige na. Ingat kayo ni John ha? Huwag masyadong magpapagabi and tell him that I said hello," tumango lang si Andrew at humalik sa akin sa pisngi then hinarap niya si Marko na hanggang ngayon ay nakatulala pa. "Nice meeting you. Anyway, una na ako,"  inilahad ulit ni Andrew ang kaniyang kamay kay Marko. Pasalamat naman at parang natauhan si Marko at nakipag-kamay ulit kay Andrew and then he waved us goodbye.

"Mauna na din ako Julie," sabi ni Marko na hindi man lang tumitingin sa akin. Napakunot-noo ako. Akala ko ba may pag-uusapan pa kami? Tumayo ako para awatin siya.

"Marko, magpapaliwanag pa ako. Hindi pa tayo tapos mag-usap. Sorry if I disappoint you pero—"

"May inuutos pa pala si mama sa akin. I have to go," alam kong nagpapalusot lang siya. Nang dahil lang ba kay Andrew?

"Pero Marko naman," hinila ko ang isang braso niya. Nagpahila naman siya at tiningnan lang ang mga kamay ko.

"You're forgiven. It's okay Julie. Alis na ako," at tuluyan na siyang umalis sa café. Ako naman ngayon ang napatulala.

End of flashback



"Earth to Julie. Anyare sa iyo ateng? Last week ka pang lutang, ha?" si Carrie na iwinawagayway pa ang mga kamay sa harap ko. Tinabig ko naman ang kanyang mga kamay at napabuntong hininga na lang.

"Wala," walang gana kong sagot at pinagpatuloy ang ginagawa kong pagreresearch.

"Tingnan mo si Julie, problemado," bulong ni Meg sa katabi. "Hayaan mo muna. LQ yata sila ni Marko eh," pailing-iling na sagot ni Carrie. "Hindi kaya dahil sa mga bulaklak na nandiyan?" turo ni Meg. Pati ako napalingon ng bahagya sa kinaroroonan ng mga bulaklak. Lintik naman din kasi iyang nagpapadala ng mga bulaklak. May pa secret secret admirer pa eh. Magpakilala nalang sana, hindi naman ako nangangagat. Tsk.

Tumayo ako at nagstretching. Tumalon talon pa ako para marelease ang aking stress.

"Alam mo Julie. Let's have a coffee break," suhestiyon ni Meg. Bigla namang binatukan ni Carrie si Meg na hinimas lang ng huli at nagpout. "Coffee break? Eh 'di ninerbiyosin na naman siya. Eto na lang. Let's take a short break. Magpaspa tayo, movie marathon or overnight tayo sa isang resort. To relieve your stress. Since, its Saturday naman din ngayon and tomorrow is Sunday so walang masasagasaang mga scheds sa school. Call?" suhestiyon ni Carrie na naka-thumbs up pa.

"Eh paano yung thesis—"

"Julie, huwag mo nang problemahin yung thesis natin. Mga references nalang naman din yung kulang natin, 'di ba?" tumango lang ako. "Well,natapos na namin ni Carrie kanina. Review nalang ang kulang," nakangiting sambit ni Meg.

"So? Ano na mga ateng? Saan tayo? Eodi? Eodi?" tanong ni Carrie na pinagliligpit na ang mga ginamit namin. Si Meg naman ay papunta sa mini kitchen para ilagay ang mga pinagkainan namin. I sighed. Ilang buwan palang kami nagkakaclose ng mga babaeng ito pero talagang napapagaan nila ang pakiramdam ko. Feeling ko may mga long lost sisters ako sa katauhan nila. I smiled at the thought.

"Carrie? Meg?" tawag ko sa kanilang dalawa. Napalingon naman sila sa akin. "Thank you." Ngumiti lang sila sa akin pabalik.



to be continued...

xx

Yey! Chapter 2 is up. Hope you'll like it mga sibs!

That Moment [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon