05

235 16 1
                                    


Nandito kami ngayon ni mama sa bahay nina Marko. Inimbitahan kasi kami ni tita Reina dahil birthday ni tito Sam. "Kamusta na si pareng Richard? Kailan siya makakauwi dito sa 'Pinas?"

"Okay naman siya doon. Stop over nila ngayon sa Brazil, nakapagsend pa nga sa amin ng picture. Eto oh," sabi ni mama at ipinakita kina tito't tita ang picture ni papa. "Ayun, next month na sana pero sabi niya sa December pa sila makakauwi. Na-extend sila ng tatlong buwan dahil doon sa nangyari sa Danish nilang kapitan."

Kakatapos pa lang namin magdinner kasama ang mga kabatchmates nina mama at parents ni Marko. Ngayon naman naghahanda sila sa inuman session ng mga kalalakihan at chikahan session ng mga kababaihan. Napailing-iling ako. Ganito din kaya kami pagtanda namin?

"Huy. Anong tinitingin tingin mo diyan?" sinamaan ko ng tingin si Harold at inirapan. Anak siya ng isa pang kabatchmate nina mama na ngayon ay kasama na nilang nagdadaldalan. "Wala. Bawal bang tumingin doon?" inirapan ko ulit siya. Kibit-balikat lamang ang sagot niya sa akin.

"Oy! Tigilan mo na si Julie, Harold. May Andrew na iyan," napatingin ako sa nagsalita. Si Marko. Hanggang ngayon hindi pa niya alam na hindi talaga kami ni Andy at parehas kami ng natitipuhan. Kapag kasi magsasabi na ako sa kaniya parati nalang napupurnada.


Flashback


First Try:

"Oh, Julie! Napadaan ka yata?" andito ako ngayon sa flower shop nila kung saan ang nagbabantay ngayon ay si Marko. Napatulala pa ako saglit dahil talagang sobra sobra ang kaba sa dibdib ko. Para bang mga dagang nagtatakbuhan kasi nakakita ng pusa. Tumikhim ako para maibsan man lang ng kaunti ang nararamdaman kong kaba.

"May sasabihin sana ako sa iyo. Kasi... ano eh si A-and—" sasabihin ko na sana sa kaniya pero dumating si tita Reina.

" Oh. Andiyan ka pala Julie. Timing at nagpabili ako ng pangmeryenda. Hali ka. Samahan mo kaming kumain," hila hila ako ni tita. Ayun, hindi na ako nakaimik.


Second Try:

Nag-aantay ako ngayon sa café kung saan kami nagkita ni Marko nung nakaraang buwan. Palingon-lingon ako kasi tinext ko din si Andrew na pumunta dito para siya na ang personal na magsabi pero hanggang ngayon wala pa ang bruha.

"Julie, ba't mo ako pinapupunta dito?" tanong ni Marko sa akin. Hindi na yata makakarating si Andy. Napabuntong hininga ako. Kaya mo iyan mo Julie.

'Ikaw na magsabi. Kaya mo iyan. Go! Go!Go!' sinasabi ko nalang sa sarili.

"Kasi ganito iyon. Hindi talaga ka—" Hindi ko na naman natapos kasi tumunog ang cellphone ni Marko. "Julie, tinatawagan na ako ng mga kagroupmates ko. Babawi ako next time," at tumakbo na siya palabas ng café.


Third Try:

Kasama ko ngayon sina Andrew, Carrie at Meg. Nagdesisyon kaming magcelebrate kasi accepted ang thesis proposal namin. Siyempre, tinext ko din si Marko. Ngayon na kasama ko ang tatlo eh parang may lakas ako ng loob para sabihin na kay Marko ang dapat kong sabihin. "Hoy, Andy! Tulungan mo akong sabihin ha?" pangungulit ko kay Andrew.

That Moment [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon