03

233 17 0
                                    


"Ano ba talaga kasi ang nangyari? LQ?" tanong ni Carrie na nakapanglumbaba. Siniko naman siya ni Meg at binulungan. "Ano ka ba. Kaya nga tayo nandito 'di ba? Para stress free? Ba't ganiyan mga tinatanong mo? You're not helping," Carrie just rolled her eyes and pouted.

"Okay lang Meg," ngumiti ako sa kanya. "Kilala mo naman si Andrew 'di ba?" buntong-hininga kong tanong kay Meg. Napatingin sila sa isa't isa at tumango si Meg sa akin.

"Bakit? May problema ba kay babe? Anong ginawa niya?"

"You mean, si Andy? Carrie's bestie?" sabay nilang tanong sa akin. Nawala na ang nakapanglumbabang si Carrie na para bang naging interesado na sa topic. Si Meg naman ay nagtataka pa ring nakatingin sa akin.

Napatango ako. "Ayun. Nagpakilalang boyfriend ko sa harap ni Marko nung accidentally niya kaming nakita sa café," natahimik silang dalawa. Nakatungo si Carrie at si Meg naman ay napatanga lang. Ilang sandali ay napabunghalit silang dalawa ng tawa.

"OMG! Are you sure? Si babe, nagpakilalang boyfriend mo? Sana andun din ako. I want to witness the epic scene. Wala man lang kinwento si babe sa akin. Tsk," Carrie.

"Eh, ano namang problema dun? Nagpakilala lang naman siyang boyfriend mo," Meg. Napasampal sa noo si Carrie at napailing na din.

"Iyon nga ang problema, Meg. Nagpakilala siyang boyfriend ni Julie. Infront of Marko pa ha. Hay naku! Talaga 'tong si Andy," iling na sabi ni Carrie.

"Dahil doon nagtampo si Marko sa'kin kasi ba't 'di ko daw sinabi na may boyfriend na pala ako. Akala din niya si Andy ang nagbibigay ng flowers sa akin," napasimangot kong sabi.

"Eh 'di ba si Andy—" hindi ko na masundan ang pinagsasabi ni Meg dahil napaflashback ulit ako. Nung time na nagkita kaming tatlo sa café.

Flashback

"Babe, una na ako. May lakad pala kami ni John ngayon," lumapit pa nang kaunti si Andrew para ibulong ang susunod niyang sasabihin. "Mag mamanhunting pa kami."

"Sige na. Ingat kayo ni John ha? Huwag masyadong magpapagabi. And tell him that I said hello," tumango lang si Andrew at humalik sa akin sa pisngi then he waved us goodbye.

End of flashback

Hindi man lang ako pinagexplain ni Marko. Nagtampo siya sa pag aakalang boyfriend ko talaga si Andy. Eh parehas kami ng tipo nung gagang iyon.

"Alam mo Julie, hayaan mo muna si Marko. Nagpapalamig lang din iyon. For sure, nasurprise lang talaga din iyon," sabi ni Meg. Napakamot sa ulo si Carrie na natatawa.

"And ako na bahala sa baklitang si Andy. Pinahamak ka pa," sabi ni Carrie.

Napabuntong hininga ako. Andito kami sa isang resort sa Batangas. Kahit papaano, nawawala na iyong pag aalala ko. Nagpaalam ako sa dalawa na maglalakad lakad muna ako at magpapahangin. Niyaya ko silang sumama pero napagod yata ang dalawa kaya binayaan ko na lang.

Nakarating ako sa mabatong bahagi ng resort. Kumuha ako ng mga maliliit na mga pebbles at pinagbabato ito sa dagat. Nang mangalay ang mga braso ko ay napagpasiyahan kong umupo muna sa isang malaking bato. Kinuha ko sa bulsa ang aking cellphone at tiningnan ang mga list of contacts ko. Pinindot ko ang pangalan ni Marko. Gusto ko siyang tawagan pero nagdadalawang isip ako. Ilang minuto din akong nakipaglaban sa aking sarili but in the end, I decided to text him.

To: Marko

I Miss You :(.


Babalik na din sana ako ng tumunog ang aking cellphone. Muntik pa itong mahulog. "Butiki na bakla. Jusme, sino ba itong tumatawag?" inis kong sabi at inaccept ang tawag. "Yes?" sabi ko ng may natitirang inis pa rin sa boses. "Akala ko ba namiss mo ako? Ba't ka galit?" napanganga ako at tiningnan kung sino ang tumawag.

Marko. Si Marko ang tumatawag. Agad kong nilapit ang cellphone ko sa aking tainga. "M-Marko? Ikaw ba iyan? Sorry, nagulat kasi ako eh. Muntik nang mahulog yung phone ko," paumanhin ko sa kanya. "Okay lang," he chuckled.

I smiled. I miss his cute laughs.

"Natahimik ka?" tanong niya sa akin. "Wala. I just miss you. I wish you we're here," nakatingin ako ngayon sa langit dahil pinipigilan kong tumulo ang aking mga luha.

"Wala naman ako sa taas. Nasa likod mo ako," napakunot ang noo ko. Anong pinagsasabi neto?

"Ha? Anong nasa li—" nabigla ako nang may yumakap sa akin sa likod. Lumakas ang tibok ng puso ko. Not now heart. Not now. "I miss you too," mas humigpit pa ang kanyang yakap pagkatapos niyang sabihin na namiss niya din ako. Hindi ko na napigilan at napaluha na ako.

"Hey, why are you crying?" pinapaharap niya ako pero ayokong humarap. "Humarap ka sa akin Julie. Ba't ka umiiyak?" gusto kong magsalita pero alam kong once magsalita ako, pipiyok ako.

Pinaharap niya ulit ako pero pinigilan ko siya. Pinahupa ko muna ang pag-iyak ko tsaka ko siya binalingan.

"Ba't ka umiyak?" tiningnan ko siya. Mata sa mata. Iling lang ang tangi kong sagot. Napabuntong hininga siya. Sinikop niya ang takas na buhok ko tsaka nilagay sa likod ng aking tainga.

Hindi ko alam itong nararamdaman ko. Akala ko nawala na ito. "Uy?" tumingin ulit ako sa kanya. Nagbabadya na naman ang mga luha. "Oh? Ba't ka ba umiiyak?"

"Ang sama mo kasi. Ang sama sama mo," habang sinasabi ko ito'y pinapalo ko naman ang kanyang dibdib. "Oh sige na. Ako na ang masama. Tahan na," pinangpahid niya ang kanyang hinlalaki sa aking pisngi.

Lumayo ako ng bahagya sa kanya. "Ba't ngayon ka lang nagparamdam? Ha?"

"Para mamiss mo ako?" pinalo ko siya't tiningnan ng masama. Napatawa naman siya sa ginawa ko. "Tahan na, mas papangit ka niyan eh," pinalo ko ulit siya. He just smiled. Ilang minuto ang tinagal sa yaoap namin sa isa't isa hanggang sa may napagtanto ako. Humiwalay ako nang kaunti sa kaniya at napatingala.

"Teka, ba't ka nga pala nandito ha? Ba't alam mong nandito ako?" kunot-noo kong tanong sa kanya habang singhot pa rin ng singhot.

"Kami ang nagpapunta sa kanya dito."

"Gusto na kasi naming magkabati na kayo."

Napalingon ako sa mga nagsalita. Carrie and Meg. Thankful talaga ako na sila ang naging ka-thesis mate ko. Lumapit ako sa kanila at niyakap silang dalawa.

"Uy. Pasali naman ako sa group hug," ani Marko na umaamba nang sumali sa amin.

"Hindi ka kasali 'no. For girls only lang ito. Bakit babae ka ba?" pagtataray na naman ni Carrie.

"Hindi. Bakit? Required ba?" ganti naman ni Marko kay Carrie. "Of course, required. Kaya nga, for girls only 'diba? O baka naman, bakla ka?" Marko just grunted.

"Here we go again."

to be continued...

xx

That Moment [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon