06-Finale

305 19 5
                                    


"Marko saan tayo pupunta?" tanong ko sa kanya. "Saan ang bahay niyang si Andrew?" seryosong tanong ni Marko habang nasa daan lang ang tingin niya. Hindi ako makapagsalita sa takot. Ngayon ko lang nakita si Marko na galit na galit.

"Saan Julie?" hinampas ni Marko ang manibela sa galit. Napapikit ako at sinabi ang address ng bahay nina Carrie. The truth is, hindi ko naman talaga alam kung ano ang address ni Andy and mas mabuti yatang kina Carrie nalang kami makapunta kaysa mageskandalo pa si Marko kina Andy.

"Marko! Dahan dahan lang sa pagdadrive, ayoko pang mamatay 'no!" pasigaw ko ng sabi. Ang lakas lakas na ng tibok ng puso ko sa bilis ni Marko magdrive.

Nang nakarating na kami sa tapat ng bahay nina Carrie ay agad na lumabas si Marko sa kaniyang sasakyan at kinalampag ang gate nina Carrie. Lumabas na din ako para awatin si Marko. "Hoy, Andrew! Lumabas ka diyan!"

"Marko, tama na!" pigil ko sa kaniya. Pasalamat nalang at wala ang mga magulang ni Carrie dahil sa kanilang trabaho. "Marko! Tama na nga sabi eh."

"Hoy patpatin! Anong kasalanan ng gate namin sa'yo at kinakalampag mo ha? Ano bang nangyayari dito Julie?" napakunot-noo si Marko nang Makita si Carrie. "Anong ginagawa ni Carrie dito?"

"Anong anong ginagawa ko dito eh bahay ko ito. Ano bang pinagsasabi nito ni Marko ha, Julie? Ano ba kasi ang ginagawa niyo dito?"

"Pwedeng papasukin mo muna kami, Carrie? Nangangatog pa ang mga tuhod ko eh," hinang hina ko pang sabi sa kaniya. Agad naman niyang inopen ang gate nila at inilalayan ako.

"Ano bang nangyayari at ganito nalang ang reaksiyon ni Marko, Julie?" kuryosong tanong ni Carrie. Hindi pa ako nakakasagot ay si Marko na naman ang sumabat.

"Asan ba yang hinayupak na Andrew na iyan? Bakit ito ang sinabi mong address ha, Julie? Para hindi ko magulpi iyong baklang iyon? Ha, Julie? Iyon ba?" nanlalaking mga matang napatingin si Carrie kay Marko. Napatingin ulit si Carrie sa akin. "Alam na niya Julie?" bulong ni Carrie.

"Anong alam ko na? So all this time alam niyong bakla iyong Andrew na iyon?" lumakas na naman ang boses ni Marko. Hindi pa rin ako makapagsalita. Bumabadya na namang tumulo ang mga luha ko. Nakita ako ni Marko at huminga siya ng malalim. Para bang nagtitimpi siya ng galit.

"Julie, sagutin mo ako," kalmado na niyang sabi. Napapikit ako ng mariin. Hindi ko inaasahang ganito ang magiging scenario sa pagatatapat ko tungkol doon.

"Carrie, pwede mo ba kaming iwan muna?" tumango lang si Carrie at tumayo na papuntang kwarto niya.

"Ano na Julie? Alam mo bang bakla iyang boyfriend mo?" tanong niya ulit. Tumango lang ako at mariin na napapikit ng napamura siya. "Alam mo pero wala kang ginawa?"

"Marko, hindi naman talaga naging kami ni Andrew. Bestfriend siya ni Carrie kaya kami nagkakilala at alam ko naman na parehas kami ng natitipuhan.

"It's just that, everytime na gusto kong sabihin na sa iyo ang totoo, hindi ko masabi kasi parating napupurnada," sinabi ko lahat ng mga pagkakataon na gusto ko ng sabihin ang totoo pero parating hindi natutuloy. Natahimik siya at lumapit sa harapan ko, tumalungko. Pinahid niya ang aking mga luha gamit ang kaniyang hinlalaki.

Napatingin ako sa kaniya. "It's my fault okay? Sorry, kung hindi ko na sabi agad sa iyo. Sorry kung natagalan pa, ayun at sa iba mo pa nalaman. So—" hindi ko na natapos ang gusto ko pang sabihin dahil niyakap niya ako. Yung yakap na mahigpit na mahigpit. Ewan ko ba pero napayakap na din ako sa kaniya.

"Sorry," nakahinga na ako ng maluwag. Sa wakas at nasabi ko din ang totoo. Napangiti na ulit ako.

Napahiwalay lang ako kay Marko nang may pumalakpak malapit sa pintuan. Napatingin kaming dalawa ni Marko. Si Andrew. Bakit andito itong baklitang si Andrew?

"Meron ba akong hindi alam, babe? Kaya ba ako pinatawag ni Carrie dito sa kanila? Para malaman kong kayong dalawa na pala ng bestfriend mo?" tanong ni Andrew sa akin ng seryoso.

"I babe mo iyang pagmumukha mo. Bistado ka na." ganti naman ni Marko kay Andrew. Ngumiti naman ng nakakaloko itong si Andrew. "Paano kung sabihin kong nagugustuhan ko na talaga si Julie? May magagawa ka pa ba?" I felt Marko stiffened on what Andy said. Napatingala ako sa kanya at kunot-noong binalingan si Andy.

"Hindi naman iyan totoo 'di ba, Andy?" tanong ko sa kaniya pero sumeryoso lang ang tingin niya sa akin. "If I tell you it's true Julie, would you believe me?" nawala ang ngiti ko at napailing nalang. "See? Kahit si Julie hindi naniniwala sa iyo."

"Ano bang paki mo Marko, may Cielo ka na 'di ba? Ba't ka ba nagingialam?" asik na tanong ni Andy kay Marko. "Siyempre bestfriend ko na ang pinag uusapan dito."

"I see, bestfriend. Bestfriend nga lang ba ang turing mo sa kaniya, Marko? I heard wala na kayo ni Cielo 4 months ago pa," nangunot na naman ang noo ko. Ano itong pinagsasabi ni Andy?

"Oo. Totoo iyon. Wala na kami ni Cielo 4 months ago pa." walang pag aalinlangang sagot naman ni Marko. So, totoo nga? Gusto kong magtanong pero hindi ako makasingit sa dalawa. Panay lipat lang ako ng ulo ko sa kanilang dalawa sa kung sino na ang magsasalita.

"I also heard na it's because of a certain girl na matagal mo ng nagugustuhan," pagpapatuloy naman ni Andrew. Napakuyom naman ng kamao si Marko. Gusto kong magtanong . Binubuka ko ang bibig ko para makapagsalita pero walang salitang lumalabas kaya natitikom ko ulit ito.

"Ano naman kung nagugustuhan ko na siya? Anong pake mo?" Andrew smiled again na para bang may alam siya na hindi namin alam. "Ang tanong, sino kaya itong 'certain girl' na ito? Is it Julie, Marko?" hindi nakasagot si Marko sa tanong ni Andrew.

"Is this some kind of joke, Andrew? Huwag kang magbibiro ng ganyan," iyan nalang ang nasabi ko. Sa wakas at may lumabas ding mga salita sa bibig ko.

"Bakit, Julie? Hindi mo ba gustong malaman kung gusto ko ka din ng nagugustuhan mo? Tsk, tsk. Magbestfriends nga kayong dalawa. Ang dense niyong pareho," natahimik ako, napailing si Andrew at nabaling naman ang tingin ni Marko sa akin. Kinakabahan ako sa mga titig ni Marko sa akin ngayon. "Totoo ba, Julie?" tanong niya sa akin. Hindi na naman ako makasagot. Hindi ganito ang gusto kong mangyari.

Napatungo ako para hindi nila makita ang aking mga luha na nagbabadya na namang pumatak sa aking mga pisngi. Gusto kong sabihin na gusto ko siya pero at the same time ayoko din kasi baka mareject lang ako. "Totoo ba?" tumalungko ulit si Marko sa harap ko at hinuhuli ang aking mga mata. Nagpapasalamat ako na hindi niya ako masyadong naaninag dahil sa mahaba kong buhok na nakatabing sa mukha ko. "Julie, look at me. Totoo ba ang sinasabi ni Andrew? Gusto mo ako?" napatango na lang ako ng paulit ulit bilang sagot ko. Ayokong magsalita. Nawawalan ako ng energy para magsalita. I just confess to him that I like him.

Scratch that. I love him.

Napamura ulit siya at niyakap ako. "I love you Julie."

I stiffened on what I heard. Did Marko just say he loves me? "I love you."

"Oo gaga. Mahal ka ni Marko. Pa hard to get pa ang lola, bibigay naman pala. Hay naku. Mag artista nalang kaya ako, babe?" sabi ni Andrew na ngayon ay prenteng nakaupo sa sofa nila Carrie habang nanonood sa amin ni Marko. Namula ang pisngi ko sa mga pinagsasabi nila. Jusko.

"Nakakayamot dito pa sa bahay ko naghasik ng lagim itong dalawang ito. Buti nalang at wala sina mama at papa," pailing iling na sabi ni Carrie pero napangiti na din kalaunan. "Alam mo babe, hayaan muna natin sila. Mag boy hunting na lang tayo," yaya ni Andy kay Carrie. "Ano pa bang magagawa ko? Hoy lovebirds ilock niyo ang pinto at gate namin pag uuwi na kayo ha? Lagot kayo sa akin kapag may nawala dito."



fin

That Moment [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon