Una

28 8 0
                                    

Pitong-bilyong tao sa mundo,
Bakit nga ba ako napaibig sa'yo?

Ni hindi ko naman naranasang ligawan at haranahin mo.

Wala rin akong natanggap na rosas at tsokolate, na sinamahan pa ng mga liham na nakasobre.

Ni minsa'y hindi pa ako nakarinig ng iyong pag-awit.

O di kaya'y kiligin sa matatamis na salitang iyong sinasambit.

Napakamisteryoso kung paano mo nagawang bihagin ang aking damdamin.

Hindi man kita kasama sa bawat sandali ng aking kaligayahan,

O kaya'y sa mga araw na ako'y napupuno ng kalungkutan.



Itutuloy...

A PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon