Lumipas man ang maraming araw, buwan o taon,
Pagtatiyagaan kong hintayin ang tamang panahon.Ang panahon kung kailan mahahawakan ko na ang iyong mga kamay,
At ang panahon kung saan hindi ka na sa isang kuwento pa nabubuhay.Sa tuwing binabasa ko ang librong ikaw ang bida,
Palagi kong hinihiling na sana maging parte rin ako ng iyong istorya.Umibig ako sa taglay mong katangian.
Inibig kita kahit alam kong ika'y kathang-isip lamang.Tinanggap ko kahit na ika'y hindi totoo at bunga rin lamang ng isip ng tao.
Itutuloy...
BINABASA MO ANG
A Poetry
PoetryIsang tula para sa mga taong umibig sa isang piksyunal na karakter..