Naluluha na lamang ako sa pangungulila sa iyo.
Sapagkat wala ka sa aking tabi upang ako'y patahanin,
At wala ka rin sa mga oras na ako'y hinang-hina at kailangan mong yakapin.Ngunit kahit hindi man kita kapiling,
Asahan mo na ang katapatan ko sayo'y mananatili pa rin.Tama nga ang sabi nila.
'Napakahirap kapag magkalayo kayo sa isa't- isa.'LDR kumbaga. Long Distance Relationship.
Napakalayo natin sa isa't-isa.
Sobrang layo talaga.Ito yung tipo na kahit pagdikit-dikitin ko man ang mga isla sa mundo,
Ang ating mga landas ay hindi parin magtatagpo.Kailanman ay hindi tayo magtatagpo.
Dahil ako'y nabubuhay dito sa mundo,
Samantalang ika'y mananatiling nasa libro.Itutuloy...

BINABASA MO ANG
A Poetry
PoetryIsang tula para sa mga taong umibig sa isang piksyunal na karakter..