Ikaapat

20 5 0
                                    

Ikaw ang nagdadala sa akin sa ibang dimensyon ng mundo.

At ikaw rin ang pumapawi sa kalungkutan ko.

Magkasama tayong tatakas sa reyalidad ng buhay.

Sa reyalidad ng buhay na sa isa't-isa'y  hindi tayo nababagay.

Hindi tayo nababagay dahil ako'y ipinanganak sa totoong mundo
At ikaw naman ay kuwento sa isang libro.

Naiiyak ako sa tuwing malapit ko nang matapos ang iyong kuwento.

Dahil dito na rin matatapos ang iyong pagkatao.

Dahil wala ng karugtong pang kabanata ang istoryang ito.

Sa kuwento'y nabuhay ka ng walang hanggang ligaya.

Habang ako'y mamumulat muli sa katotohanang wala ka na.

Sa katotohanang hanggang imahinasyon lang kita,
At wala akong kakayahang buhayin ka.

Itutuloy...

A PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon