Sa tingin ko'y panahon na upang tanggapin ang ating kapalaran.
Ang ating kapalaran, na sa pag-ibig tayo'y hinadlangan.
Na kahit ika'y ilusyon lamang ay minahal pa rin kita ng lubusan.
Kailangan kong tanggapin na napakaraming bagay ang imposible na nating gawin..
Hindi ko na mararanasang pang ika'y yakapin,
At sabihing "ako'y sayo at ika'y akin."Hindi ko na mahahawakan pa ang iyong mga kamay,
At sabihin sa mundo na ika'y aking mahal.At kahit saang sulok ng mundo man kita hanapin,
Hinding-hindi pa rin kita makakapiling.Ang pag-ibig ko sayo'y parang isang asimptota.
Pilitin ko mang paglapitin ang ating mga linya, sa huli'y hindi pa rin ito magdudugtong sa isa't-isa.Maraming salamat sa iyong kuwento at paalam na aking sinta..
~wakas~
BINABASA MO ANG
A Poetry
PoetryIsang tula para sa mga taong umibig sa isang piksyunal na karakter..