🏠The Start⏰

336 25 10
                                    

FAYE POV

"What?! No, I can't allow this Dad!" Sigaw ko. Napatayo na din ako dahil sa inis. Ayoko na! Alam ko na ginagalang ko ang Magulang ko and I always do what they want for the last seventeen years pero sobra sobra naman na ito!

"No Faye. You will allow this" Tumayo si Dad saka nag lakad papunta sa Kalendaryo at minarkahan na niya ang Araw ng Engagement namin.

Oh Yes! Makikipag kasal lang naman ako sa Taong di ko kakilala!
"No way Dad! Di ako makakapayag sa gusto mo!" Tinignan ako ng masama ni Daddy.

"No Faye. Sa ayaw at sa gusto mo, ikakasal ka kay Mike" Napa iyak nalang ako ng di oras saka ako Padabog na umalis sa kwarto at ang malakas na balibag ko sa pintuan. Nakakainis kahit sa isang beses lang sa buhay ko, gusto ko ako naman ang masusunod. Lalo na sa pagpili ng mamahalin ko.

***

"So ano nang gagawin mo?"

Pinatong ko ang kamay ko sa mesa. Nasa school canteen kami ngayon at kasama ko ang nag iisang bestfriend ko na si Riley. Tinignan ko si Riley.

"Plano kong maglayas"

"What?!"

Di naman kalakasan yung pagkakasabi niya. Kami lang nakadinig. Napa 'pout' ako saka ko siya hinarap. OA namang mag react nitong si Riley.

"Yun nalang naiisip Ko Riley" Medyo matagal din siyang napatulala hanggang sa Napabuntong hininga lang siya at hinawakan ang kamay ko.

Nginitian niya ako.

"Ok I'll help you" Napangiti ako saka ko siya niyakap. Ang swerte ko sa Bestfriend ko. Siya lang nakakaintindi sa akin. Lagi ko siyang katulong sa lahat ng Problema ko. Ngumiti ako kaya nginitian niya ako ng mas malaki.

Bata pala kami ni Riley nang maging mag Bestfriend kami. 7 Years old ako nung una kaming magkakilala dito sa school na to. Simula nun, naging magkaklase kami and Bestfriend.

"Ano nang plano mo? Sasabihin mo ba to kay Tercy?" napaisip ako sandali. Ano nga bang plano ko? Sasabihin ko nga ba kay Tercy?

Ah si Tercy nga pala yung nagiisa kong bestfriend na lalaki. Nakilala namin ni Riley si Tercy nung gade 7 palang kami kasi nagtransfer siya dito sa school na to nun. Naging magkaka close kami simula noon.

"Di ko alam. Saka wala akong Planong sabihin kay Tercy. Pababalikin lang ako nun sa bahay." si Tercy pa, e laging di sang ayon yun sa mga sinasabi ko. Lalong di sasang ayon yun ngayon. Mas mukha pa nga siya ang tatay ko e.

Napabuntong hininga ako at Napaisip ng sandali saka ko tinignan si Riley.

"May Space pa ba sa bahay niyo?"

Tinaasan niya ako ng kilay. Na para bang sinasabi niyang 'Are you Crazy?'

"Nababaliw ka na ba?" See? Tagalog nga lang kaso same meaning "Kahit doon ka mag stay sa bahay, mahahanap ka ng Daddy mo. Nag iisa mo lang akong kaibigan Remember?"

Napa subsob ako sa mesa. Oo nga pala. Ilang beses akong umalis sa bahay noon para makipaglaro kay Riley. At nahahanap nila agad ako dahil si Riley lang ang kaibigan ko. Same as Tercy.

Seven Days Where stories live. Discover now