🏠His Point of View⏰

117 9 25
                                    

DEREK POV

I was 15 years old that time. I disappoint my parents. First time kong hindi sumunod sa gusto nila
They want me to meet my fiancee.

Date her saka paibigin mo siya. Ayon sa kanila, I need to marry their child para mag merge ang company namin at mas mapataas ang income.

They want me to marry their child for money. Para sa akin, isa iyon sa pinaka tangang idea. Para na nilang sinugal ang anak nila para sa pera. Di ako naniniwala sa mga Arrange Marriage. At lalong di ako pabor doon. I want to marry someone I love.

They ordered me to meet that girl. My fiancee. Pero di ko ginawa. Imbis na magpunta sa bahay ng fiancee ko, naglayas nalang ako. Ni hindi ko nga kilala ang fiancee ko. Ni hindi ko pa nga nakikita ang mga mukha ng babaeng yun maski magulang niya, tapos ipapakasal ako?

Nag stay ako kina Jimboy.  My bank accounts are locked. Para akong pulubing nakiusap kay Jimboy na makitira sa bahay nila. Mabuti nakang mabait ang pamilya nila. Pina stay nila ako for free

Jimboy's parents owned an Entertainment Company. Inalok ako ng parents para maging model sa isang brand. At wala akong karapatabg humindi dahil pinapatira lang nila ako

Kaming dalawa ni Jimboy, nagpunta kami sa companya nila. Ni wala nga akong kaalam alam kung paano mag work ang isang Entertainment comaony. At habang nagliliwaliw ako, bigla akong napatingin sa isang corner kung saan may nag pho-photo shoot.

And then, I saw her. L

I don't believe in love at first sight actually. Para sa akin isa iyong malaking kahibangan. How can you love dahil lang sa nakita mo ang isang tao? You only love that person's appearance and not her.

Pero I feel it. Nang makita ko siya, naramdaman ko ang bilis ng tibok ng puso ko. Cheesy right? Fuck! Di naman talaga ako yung tipo ng tao na nagsasabi ng ka cheesy han na salita. And here I am nagku kwento kung paano ko siya nakilala.

I remember kung paano ako hinampas ni Jimboy sa balikat telling na baka matunaw daw yung artist nila. Natawa ako kay Jimboy. Alam kong alam niya, tinamaan ako sa babaeng to

I'm able to get her name. Nahirapan pa nga akong alamin eh. Nahihiya kong magtanong dahil baka ma weirduhan sila sa akin. And worst, baka sabihin nila ito sa kanya. Buti nalang talaga at tinulungan ako ni Jimboy.

Faye.. Faye Ashley Ortega..

Mula noon, halos araw araw na akong bumabalik sa Entertainment. Gustong gusto ko kasi na nakikita siyang nag po- pose sa harap ng camera. Pero nawawala din ang ngiti ko habang tinitignan ko na hawak hawak siya ng isang lalaki na partner niya sa photo shoot

"He's Tercy. Tercy Vans Sison. They're friends. Maraming nagsasabing bagay daw sila kaya silang dalawa ang nakuhang model para  sa choco-latte"

Tinignan ko pa ng masama si Jimboy. Bagay daw pwe! Tao si Faye at yung tercy lang ang bagay. Isang inidoro! Lagi akong inaasar ni Jimboy patungkol kay Tercy na paulit ulit ko lang ding ini-ismiran. Bakit ba kasi nila iniisip na bagay si faye sa taong yan?!

Mula nun, Lagi ko siyang tinitignan. Paulit ulit akong bumabalik sa Entertainment para lang makita siya. Di ko alam pero masaya na akong nakikita siya. Masaya na ako na pinapanood siyang mag model sa isang photo shoot. Napaka cute niya at the same time, ang ganda din. Lalo na nang makita ko siya habang kinakausap yung mga kaibigan niya. Ang daldal niya. She's one of the kind girls na talagang pwedeng maging kaibigan ng lahat. I always watched her from afar.

Seven Days Where stories live. Discover now