🏠Day 1 : Sunday⏰

374 21 38
                                    

FAYE POV

Maingat kong inilalagay yung syrup sa taas ng pancake na Niluto ko. Napansin kong kumukulo na yung tubig kaya tinanggal ko na sa pagkakasalang saka ko inilagay sa Thermos. Napapangiti nalang ako habang niluluto ko ang mga to. Kasi naman hihi! Lulutuan ko si Baby Derek ko! Matitikman niya ang Pancake na gawa ko hohoho. Napahagikgik nalang ako sa sarili ko.

"*Yawn* Manang Ano pong Breakfast natin?" Napalingon ako sa pinanggagalingan ng Gwapong boses ni Crush. Alam kong si Crush yun! Nanlaki ang mata ko sa nakita ko. Shet naman! Sino ba naman ang di magugulat pag nakita mo yung crush mo na naka boxer lang. Taena bakat na bakat yung abs at v-line. Shet! Busog na busog na ata ako!

Napalunok nalang ako ng di Oras ow nows the Pandesal na may palaman na chocolate star margarene. Oily kasi kaya star margarene hehez

"Good Morning Anak. Oh ikaw pala ija. Good morning den" Di ko na pinansin si Tita na pababa ng hagdan. Shet! Na glue ang mata ko sa shining abs ni Crush. Kyah! Pano siya nagkaroon nun? Nag gi-gym ba siya? Wow lang naman! Ang galing ng pagkakahulma! Ilang panadero kaya ang humulma non?

"Ahm ija? Are you okay?" Nagbalik ako sa katinuan.

Nakataas ang kilay ni Derek sa akin kaya medyo namula ako "Ah hehehe. Okey lang po hehe" Napakamot ako sa ulo ko ng di Oras. "Ahm Tita. Kain po kayo nagluto ako ng pancake."

Tinignan ko si Derek na nakahalukipkip at nakataas ang kilay sa akin. Jusko the abs! Umiwas ka sa Tukso Faye! Kaya mo yan! "Ahm Derek kain ka rin" nahihiyang sabi ko. Narinig ko ang mahinang tawa ni Tita.

"Derek. Magpalit ka ng Presentableng Damit. Lalo na at may bisita tayo" Umirap sa kawalan si Derek saka tumalikod at umakyat pabalik. Umupo na si Tita sa Hapag kainan kung nasaan yung niluto ko "Let's see. Ikaw ba nagluto nito Ija?"

"Ahm Faye nalang po. And opo ako nga po" Ngumiti siya saka siya kumuha ng isang piece ng pancake saka niya tinikman.

"Mommy" napalingon ako nang may narinig akong boses ng batang babae. Lumingon si Tita kaya ako din. At nakita ko ang isang batang babae na siguro at nasa 4-5 na edad na pababa ng hagdan. Ang cute! Kamukhang kamukha ni Derek. Lalo na ni Tita! Parang mini version ni Tita at pinaliit na babaeng Version ni Derek. Who knows na may kapatid pala tong si Derek? Akala ko wala eh

"Mommy Who is she?" Tinignan ang nung bata mula ulo hanggang paa. Ow mukhang masungit si bebe girl. Lumapit si Tita sa Batang yun saka binuhat at ipinunta sa hapagkainan.

"She's Ate Faye. Dito siya mag i-stay sa atin for a week" Umasim ang mukha nung bata. Nakuu mukhang ayaw sakin huhu. Panu na yan? "Faye heto nga pala ang Bunso ko. She's Diana Mikaela. Greet your ate anak" Lalong sumimangot yung bata.

"No I don't wanna" Sagot niya. Napabuntong hininga nalang si Tita.

"Sorry Faye. Ganyan talaga siya kapag di Niya kilala" Napatango nalang ako. Naku naman ayaw sa akin ni Future sissy in law. Dapat mapaamo ko ang tigreng to.

"Ahm Diana? Gusto mo ng pancake" Lalong sumama ang tingin Niya kaya napalunok ako.

Nadinig ko ang tawa ni Tita "No she's not gonna eat that. May itlog yan diba?" tumango ako. "She's Allegic sa Egg. Namana niya yun sa papa niya" Napakagat ako sa ibabang labi ko. Shet muntik ko nang mapatay si Future sissy in law. Maya maya pa ay nakarinig ako ng yabag sa may hagdanan. Si Derek! Naka suot siya ngayon ng Jersey. Eh? May basketball ba sila ngayon?

Of course alam ko na isa siyang basketball player. Siya pa nga yung captain e. Ang galing siya kayang magbasket ball. At mga tricks pa siyang ginagawa. Wew maiinlove ka pag nakita ko siyang magbasket ball

Seven Days Where stories live. Discover now